"Goodevening Luna, sorry nalate ang cap mo." bati ko sa kanya, gabi na natapos ang klase namin kaya dumiretso na agad ko dito. "Luna, tignan mo bumili ako ng blueberry cheesecake, favorite mo to diba? Sayang naman di mo malalasap ang malinamnam na cheesecake na 'to" pinatong ko sa lamesa ang cheesecake na binili ko at inumpisahan kong kainin ito. Tinignan ko siya, ibang-iba na ang itsura niya di katulad ng dati.
"Miss na miss ko na yang muka mo pag nagagalit. Ang cute cute mo talaga inisin." hininto ko ang pagkain ko, kinuha ko mula sa bag ang notebook ko pati narin ang maliit naming speaker. Hindi ko kaya makakalimutan ang routine ko.
Day 97
Less of you//Keshi
"Hello
Are you awake right now?
God, I just need to hear the sound of you.""Miss ko na mga yakap mo na sumasalubong sa tuwing ako ay uuwi sayo. Miss ko na mga matatamis mong salita sa tuwing ako ay nalulungkot. Miss ko na lahat mula sa'yo." pag-sisimula ko sa liham. 97th day na ngayon ni Luna, wala paring pagbabago. Ayokong gawing nakakaiyak mga letter na isusulat ko dahil baka asarin niya ako kapag nabasa niya 'to.
"Please, calm me down
And I know that it's selfish, but
You are the only thing that's
Ever made sense to me""Luna miss na kita, miss mo ba ako? Kase kung hindi, makikipaghiwalay ako sayo sige ka. Joke lang Luna alam mo naman na mahal na mahal kita diba."
"I don't wanna do this
I don't know how to do this without you""Turuan mo naman ako sa math Luna, di na kaya ng ulo ko. Madami ka pang pangakong di natutupad at madami ka ring mga kwento na hindi pa sinasabi kaya hihintayin kita palagi, Luna" habang nagsusulat ako ay kinakain ko rin ang binili kong cheesecake, ang paborito niya. Nag-bago na rin lasa nito, hindi kagaya nung palagi kaming mag-kasamang kumain.
Huminto ako sa pagsusulat nang may biglang kumatok sa pinto.
"Sir Clark? Pinapadala sa inyo ng father niyo" inabot sakin ni niya sa akin ang mga pagkain. Kinuha ko nalang 'to kahit busog na ako. "Salamat, Ellie. Gusto mo bang pumasok?" pagaalok ko sa kanya, alam ko gusto niyang bumisita. "May duty pa ako ngayon, napadaan lang ako sa counter at nakita father nyo don. Mamaya ko nalang siya bibisitahin, pakisabi nalang sa kanya na babantayan ko siya mamaya, una na ako" umalis na siya sa harapan ko. Sinira ko ang pinto at dumiretso sa bintana.
"Luna, ang ganda mo dito. Parehas kayo lagi nag-liliwanag, ayan lagi mong inaabangan lagi diba? Full moon Luna, favorite mong moon." ngumiti ako at isinara ko na ang kurtina. Inayos ko ang higaan niya at higaan ko. Hindi ako mapapagod alagaan at hintayin siya dahil siya lang ang lakas at pahinga ko.
"Gising na Luna, gusto ko na ulit makinig sa mga gagawin mong playlist habang nanonood ng pag-lubog ng araw at pagliwanag ng buwan."
_________________________________
_________________________________
_________________________________Less of You// Keshi
YOU ARE READING
Endless Rhythm at the Rooftop
RomanceLeah, a girl who spend most of her time listening to music at the rooftop and balcony. Her favorite place, where she find peace. A place where her music will play by her. Until a man, stayed beside her every time she's playing the rhythm of the mus...