Leah's Pov
Nandito na ako ngayon naghihintay sa gate ng univeristy namin. Hinihintay ko ngayon si Ysa at yung Captain, di ko naman kikitain yung Captain na 'yon kung hindi lang importante sakin yung panyo na 'yon.
"Leah" tawag sakin ni Ysabelle pagkatapos ay tumawa. Ilayo niyo na ako sa kaibigan ko please.
"Bakit? Asan na yung Captain? Kala ko ba magmemeet tayo?" tanong ko sa kanya, yung mukha niya naman ay parang may balak na hindi maganda. Sanay na ako sa mga galawan nito.
"HAHAHAHA bye LEAH, meet him well" sabi niya sa akin tsaka tumawa nang napakalakas. Sabi na nga ba may plano 'to.
"Hoy Ysa sandali lang, napakasama ng ugali mo." tumawa ulit siya nang malakas at tumakbo papalayo. Yung takbo niya pa ay parang nang-aasar.
"Leah?" nagulat ako sa nag-salita. Siya na ba yung Captain. Pano na 'to, di nga ako marunong makipag-usap sa hindi ko kaclose.
"Goodmorning Leah, ito na pala yung panyo mo at yung pera na binigay mo sa akin kahapon." binigay niya sakin ang panyo ko at pera na binigay ko sa kanya kahapon.
"Sa iyo na yang pera." pilit niya binibigay sa akin yung pera kaya naman tinaggap ko na. Papaalis na ako kaso nga lang may biglang sumigaw.
"Lods Clark" sigaw nung kasama niya.
"Captain may practice ba oyats mama- , hoy Captain ano nanaman ginagawa mo sa bestfriend ni Ysabelle." pag-aasar sa kaniya nung Blake, yung kasama ni Ysa kahapon.
"Manahimik ka nga diyan, binalik ko lang yung naiwan niya. Gusto mo bang tumakbo paikot ng court?" habang nagkukwentuhan sila ay tahimik akong umalis, ayokong makipag-usap sa kanila dahil hindi naman ako talkative. Hindi ako kasing daldal ni Ysabelle.
"Leah, wala bang pathank you diyan?" sigaw niya kaya napahinto ako sa paglalakad. Nakakahiya, hindi ako nakapag-thank you sa kanya.
Lumapit ako sa kanya at huminto sa harapan niya."Tha- Thank you, Cap- Captain"
nakayuko kong sabi sa kanya, bakit ba ako nauutal kapag kausap siya.
"Cute" bulong nung Captain pero rinig ko parin.
"What?" inis kong tanong, nagulat naman siya sa tanong ko kaya napatayo siya ng maayos.
"Ha? I said you're welcome" ngumiti siya nang napakalawak. Nakakainis siya ha.
Umalis na ako doon sa pwesto namin dahil malalate na ako sa klase, hindi ko na siya pinansin at iniwan nalang siya sa mga kaibigan niya. Kumaway naman siya kasama nung mga kaibigan niya habang tumatawa.
"Tsk, nakakainis talaga sila." bulong ko sa sarili ko habang naglalakad papunta sa classroom.
"Sinong sila ha?" muntik na akong mapatalon sa gulat. Si Ysabelle pala nasa likod ko. Isa rin 'to nakakainis rin.
"Ikaw. Ikaw nakakainis ka, bakit mo ako iniwan dun sa Captain na 'yon?" Inis kong sabi sa kanya. Tumatawa ulit siya habang sinusundan ako sa likod ko dala dala ang book.
"Busy kasi ako, alam mo naman secretary things" tumawa ulit siya, napakamasayahin talaga nito. Sarap niyang ihagis.
"Hmm? Anong meron? Pwede bang pakispill yan?" may biglang nagsalita na pamilyar na boses mula sa likod namin.
"Bakit hindi ka pumasok kahapon? Ang dami kayang nangyari" lumapit siya sa amin ni Ysa at niyakap kami.
"Nag-family dinner date kami kase sa susunod na araw ay birthday ng cousin ko."
YOU ARE READING
Endless Rhythm at the Rooftop
RomansaLeah, a girl who spend most of her time listening to music at the rooftop and balcony. Her favorite place, where she find peace. A place where her music will play by her. Until a man, stayed beside her every time she's playing the rhythm of the mus...