Entry 1

15 0 1
                                    

092512

Entry 1

Dear Moymoy,

Hello. Dahil sa kalungkutan ko isinilang ka. Ikaw ang second diary na ginawa ko dahil sa kanya.

Yung isa nasa kanya na nga. Sana itago niya yun kahit di niya ako gusto. Akala ko kapag naibigay ko na sa kanya yung scrapbook, matatapos na ang problema ko.

Back to normal na... Yung FRIENDS kami ULIT.

Pero di pala, lahat nagbago na. Umiiwas na siya sakin... Sira ang FRIENDSHIP na NATITIRA samin.

Sabi niya di daw siya naiilang sa mga katulad kong nag-coconfess sa kanya, di pala. Ngayon para kaming strangers na di magkakilala at wala ng tsansang magkakilala.

Kasalanan ko rin toh eh! Kung itinago ko nalang lahat edi sana walang nagbago. Siguro magkaibigan parin kami ngayon...

Masayang nagkekwentuhan at nagtatawanan... Pero mukhang di na mangyayari yun. :'(

Wala na nga akong pag-asa sa puso niya, mababawasan pa... Negative na ako sa HOPE.

Sabi ng mga kaibigan ko, baka raw nag-iisip pa siya at kailangan niya ng space.

Hindi ako naniniwala dun, wala naman kasi akong chance sa kanya. Ang layo ko sa mga naging "ex" niya.

Ang ganda nung mga naiisip kong future namin, yun nga lang, mananatili sila sa isip ko at di na magkakatotoo.

Hahayaan ko nalang siyang gawin ang gusto niya... Buhay niya yun. Alam niya kung anong mga gusto at ayaw niya...

Ganun ko siya KAMAHAL... I'll give up my happiness for his contentment...

Masakit pero kakayanin ko nalang... Hindi siya ang nagbbreak ng heart ko kundi ako mismo.

Sana matupad ko ang "3-month rule" ko...

Sana mabalik ko na ang puso ko. :"""(

Rina </3

Diary of a Scraped HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon