Entry 2

8 0 0
                                    

092712

Entry 2

Dear Moymoy,

Hello. Grabe Moy! Wala na akong piniling lugar sa pag-iyak.

Nakakainis talaga ako! Bakit ba kasi di ko siya kayang kalimutan? Crush ko lang naman siya diba? Ay oo nga pala, MAHAL ko na siya.

Naiinis lang ako sa kanya kasi nang kausapin siya ni Jena, sinabi niyang ako raw ang umiiwas. Eh pa'nong di ako iiwas eh di niya naman ako kinakausap tsaka wala naman akong sasabihin sa kanya.

All in all, siya ang unang umiwas... sumunod lang ako.

Ilang beses na akong sinabihan ng mga kaibigan ko na magmove-on na pero di ko magawa.

Ang tanga tanga ko pa sa Filipino Class. Di ako nakasagot kasi lumipad na naman ang isip ko. Nakakahiya talaga! Ang dali lang naman ng tanong.

Wala na nga talagang mabuting naidudulot yung pagmumukmok ko. Tsk. Hamo Moymoy, mag-aaral talaga ako ng mabuti. Kailangan kong makapasa at makagraduate after 5 years sa course na toh.

Fighting!

Nahihirapan na talaga ako kasi ayokong makita niya na umiiyak ako. Siguro iniisip niya na PATAY na PATAY ako sa kanya...

Ngayon lang talaga ako naging ganito... T_T

Oo, umiyak na ako noon dahil sa boys pero hindi pa ako naapektuhan to the point na lagi akong tulala at lutang.

Naiinis na siguro sila Grace dahil ayaw kong makinig sa kanila. Baka nga one day, iwan nalang nila ako dahil pagod na sila.

Sana hindi mangyari yun.

Sana maging maayos na lahat.

I love HIM but I know I can't have HIM...

Sana maging maayos na lahat bago matapos ang 3 months...

Rina </3

Diary of a Scraped HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon