Entry 3

9 0 0
                                    

100212

Entry 3

Dear Moymoy,

Hello! Sorry kung 4 days akong di nakapagsulat, but, that does not mean I was happy.

Aish! Tama nga ang sabi ni Mommy Ivy, di ako makapagmove-on kasi I can't make up my mind.

Hindi naman naging kami pero I really really love him. Nasa kanya na ang puso ko at nahihirapan akong bawiin toh.

Lalo pang nagpahirap ang pagkikita namin araw-araw. Alam kong mas mapapabilis ang pagmomove on ko kung di ko siya makikita pero imposibleng mangyari yun dahil 5 years ko siyang magiging kaklase.

Tama nga ang sabi ni Glydel, "as much as possible, dapat wala kang magustuhan sa room kasi limang taon mo yang pagdurusahan..."

Ngayon pa lang nagdurusa na ako, pero siyempre alam ko kung ano ang priorities ko... at PAG-AARAL yun.

Sumasaya na kasi ako, yun nga lang pag nakikita ko na siya, bumabalik lahat ng alaala at lungkot ko.

Kung siguro di ako umamin, kasama pa namin siya ngayon... Nagtatawanan pa kami... Pinapangiti niya pa ako... CLOSE parin kami...

Ang sakit sa puso at isipan na makitang umiiwas siya sayo at pati mga kaibigan mo nadadamay na...

Kung sana itinago ko nalang sa sarili ko ang nararamdaman ko sa kanya edi sana di na lumaki yung problema... Yan tuloy, mas nasasaktan ako ngayon.

Sobrang namimiss ko na siya... Kung pwede nga lang, matagal ko na siyang niyakap! :'(

Nangyari na naman sakin ngayon ang nangyari nung Grade 6 ako. Mas masakit nga lang ngayon, kasi mahal ko na si Miko.

Di naman ganito kasakit yung naramdaman ko nang magbreak kami ng 1st love ko eh!

Alam kong di na toh PUPPY LOVE... kasi TRUE LOVE na talaga toh! :(

Pangarap nga lang siya... Isang pangarap na di ko makakamit kahit kailan...

Bawat araw kailangan kong magpanggap na ayos lang ako kasi para sa kanya, WALA lang lahat... Di siya apektado... di nasasaktan... di umiiyak...

Kasi wala naman siyang nararamdaman para sakin. :"(

Forever One-Sided Love.

Nagpakatanga na naman ako dahil sa isang tao...

I'm so tired but my mind and heart won't stop...

Kelan ba ako sasaya? Kelan ko ba siya makakalimutan?

Kelan ba ang pagdating ng araw na "wala" nalang sakin ang lahat tungkol sa kanya?

Kelan titigil ang pag-agos ng aking mga luha?

Kelan ba darating ang taong TUNAY NA MAGMAMAHAL sakin?

Kailan?

Paano ba kasi maging MANHID?

Sana magkaroon ako ng selective amnesia... yung tipong ang makakalimutan ko lang ay mga bagay na nagcoconnect sa aming dalawa, lahat ng tungkol sa kanya, at pati pangalan niya... At oo nga pala, pati yung pagmamahal ko sa kanya.

Rina </3

Diary of a Scraped HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon