Special Chapter 1: The Proposal

1.9K 39 0
                                    

Hiiii~! Gusto kong mag-thank you sa mga nagbabasa ng story na to. Hindi ko akalain na aabot sa 100K+ ang reads ng TNGAHP. Kaya ito, I made the special chapter na sinabi ko sa note ko sa epilogue. This story was finished two years ago kaya sobrang namiss ko si Alex at Nathan!! Kayo din ba? Hihi. So ayun, thanks guys ulit. This is my gift for you. I hope you'll like it.

Love,
Amethyst

****

ALEX'S POV

"Nabbwisit na talaga ako ha! Lagi nalang siyang hindi pwede! Minsan na nga lang kami magkita sa isang buwan ganito pa? Can't you believe it? Almost five months na kaming hindi nagkikita! It's unacceptable!" Galit na galit kong sabi kay Sophie habang tumatambay kami sa isang tea shop.

"Kalma lang kasi! Alam ko naman na sobrang miss na miss mo na siya pero di ka ba nagooverreact jan? Nakakaloka ka eh! Chill lang, Lex!" Nakangiting sabi sa akin ni Sophie.

Napahinga nalang ako ng malalim na para bang sobrang exhausted ko. Hay. Nakakaasar lang kasi eh. Yes, I know we're so busy working pero ano ba naman yung magkita kami once in a while?

These past few months kasi para bang napakadistant niya lagi. Ang tagal niyang magreply and minsan sobrang tagal pa niyang sumagot ng phone. Nakakailang missed calls muna ako sa kanya bago niya sagutin. At pag naguusap naman kami, he was always in a hurry.

Okay, I am not possessive. I ain't a paranoid either. I am just acting like a girlfriend. That's it.

Sige medyo paranoid. Kasi naman matagal na kami and hindi ko maiwasan na baga may magustuhan na siyang iba or magsawa na siya sa akin. Oh my gosh. Iniisip ko palang yun, nasasaktan na ako.

Goodness Alex, wag kang praning.

Umalis na si Sophie dahil sinundo na siya ni Mirmo. And now I am all alone.

Pagkaubos ko ng milktea ko ay umalis na din ako. I decided to take a stroll before I go home. Pampaganda lang ng mood.

Nang mapagod na ko, nagdecide na akong umuwi. Pumunta na ako sa parking lot. Habang naglalakad ako, I feel weird.

Ilang beses akong lumingon para tingnan kung may sumusunod pero wala naman. Kaya mabilis nalang akong naglakad papunta sa kotse ko.

Nakakaramdam na ako ng takot pero pinipilit kong labanan yun. Feeling ko talaga may sumusunod sa akin. At ang gusto ko ay makarating na ako sa loob ng kotse ko, makalabas sa parking lot, at makauwi sa bahay.

Bago pa man ako makarating sa kotse ko ay may biglang yumakap na balikat sa may leeg mula sa likod at tinakpan ng kung ano ang bibig at ilong ko.

The last thing I remembered ay may naamoy akong pungent odor and it went black.

**

As I slowly open my eyes, fear went through me. Automatic na bumalik sa isipan ko ang nangyari sa akin sa parking lot. And only one word comes to my mind - kidnapped.

Nang maka-adjust na ang mata ko sa liwanag sa kwarto kung nasaan man ako, nilibot ko ito agad ng tingin.

May isang malaking chandelier ang nasa ibabaw ng kama na kinahihigaan ko. May side table sa right ko with pink Gerbera Daisies. Sa kabila ay isang lamp shade.

Malawak ang lugar at maganda. So ganito na ba kayaman ang mga kidnappers kaya afford na nila ang ganitong hideout?

Napansin ko din na hindi ako nakagapos. Walang masking tape or packing tape na nakalagay sa bibig ko. Walang blindfold. Kaya naisipan kong bumaba sa kama at libutin ang kwarto.

The Nerdy Girl and her Prince [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon