CHAPTER 40

2.7K 39 1
                                    

A/N: Last 10 Chapters na lang plus the Epilogue! Sana keep on supporting. Thank you! :* VOTE & COMMENT! =))



Chapter 40

====

ALEX'S POV

Dumating kami ni Sophie ng maaga sa school. And as usual, andun na naman si Nathan. Pero hindi ko siya pinapansin. I admit, I still love him. Pero yung nagawa niya sa akin? Yung kawalan niya ng tiwala sa 'kin? Nasaktan ako dun, sobra. Hindi ko akalain na maniniwala siya dun sa mga pictures na yun. Hayy.

"Alex, let's talk. Please." dinig kong sabi ni Nathan.

"Ah... Lex, baba muna ko. Kain lang ako." tapos lumabas na si Sophie! Arrgh! Sophie! You should have not left me!

Hindi ko pinansin ang sinabi niya pero lumabas na lang ako at pumunta dun sa corridor. Nagpahangin ako dun while I was watching students passing by the school grounds.

Maya-maya, nagulat na lang ako at nagsalita si Nathan dun sa tabi ko. Sinundan niya pala ako.

"Alex... Talk to me please." he said.

Humarap ako sa kanya, "Sure. Let's talk." straight kong sabi sa kanya. Alam ko sa sarili ko na sa isang sorry lang nitong lalaking to, forgive and forget na. Pag nakipagbalikan siya ngayon, babalikan ko talaga siya. Pero ayoko. Pinipigilan ko muna sarili ko. Gusto kong patunayan muna niya na may tiwala lang siya sa akin at nakikipagbalikan talaga siya dahil mahal niya ako at hindi dahil sa naaawa siya sa 'kin dahil nasaktan ako sa ginawa niya.

"Sorry for what I did. Hindi dapat ako naniwala dun sa pictures na yun. D--"

"Pero naniwala ka di ba? Wala ka ngang tiwala sa akin di ba? Sabi mo pa hindi mo na ko kilala di ba?" sabi ko.

Hinawakan niya ako sa braso ko, "Oo nagawa ko yun. Pero dahil lang yun sa galit at selos. Mahal na mahal kita at hindi ko kayang makita ka na may kasamang ibang lalaki."

Huminga ako ng malalim at tumingin ako sa kanya, "Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa or magalit sa sinabi mo ngayon. Galit at Selos? Hindi mo naman kelangang maramdaman yun kung nagtitiwala ka sa kin eh. Well, okay lang naman magselos eh. Pero dun pa sa pictures na yun? Na walang katotohanan? At nagalit ka pa."

The Nerdy Girl and her Prince [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon