CHAPTER 26

2.9K 40 0
                                    

Chapter 26

====



ALEX'S POV

Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ng mommy namin ni Nathan at kasalan na agad ang pinagusapan! Jusko! Di pa nga kami nakakagraduate ng highschool kasal na agad! Ba yan. Pero nung time na yun, di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko, di ba dapat matuwa ako kasi at least legal kami sa mga nanay namin at balak pa kaming ipakasal!

Pero bakit ganun? Am I doubting that time? Siguro hindi naman kasi baka nagulat lang ako that time. Kasi pag kasal pinaguusapan, aba! Seryosohang usapan yun! Tska gusto ko, siya yung kusang magppropose sa kin dahil gusto niya akong pakasalanan at hindi dahil gusto ako ng mommy niya para sa kanya.. Tama naman ako di ba? -__-

Isang buwan pa ulit ang lumipas pagkatapos nung surprise niya sa kin nun 1st monthsary namin, yung 2nd monthsary namin, kami lang dalawa nagdate.. haha! Gusto daw niya solo niya ko e. Every first churvaloo lang niya ako isshare sa iba, pero pag 2nd, 3rd, 4th, and so on.. solo lang daw niya dapat ako.. Haha! Ipagdamot daw ba ako? Pero kinikilig ako e! Bakit ba?! >///<

"Hoy Alexis!!!" sigaw ng bessyfriend ko, the one and only, si Sophie.

"Ay butanding na may pimples! Problema mo?!" bulyaw ko. Tsk. Kita ng nagfflashback ako e. Istorbo. >.<

"Kasi po mam Alex, kanina pa po kita tinatawag pero eto ka na naman at lumilipad papunta sa Mars.. Ano bang problema mo ha?" - Sophie

"Nagfflashback ako ng mga pangyayari!! Istorbo ka!" sigaw ko.

"Lagi ka na lang nagfflashback! Tsk! Pasaway kaa! Last day na at bukas start na ng sembreak! San tayo?" sus yan lang pala ang dahilan ng pagtawag niya sa kin.

"Ha? E kahit saan! Kung saan masaya tara na dun!! Haha." sabi ko. Tapos biglang may sumulpot na kabute, este si Nathan ko pala to. ^__^

"Ano pinapagusapan niyo?" ^__^ Tsk! Sige lang, ngiti pa! Bakit ba kasi ang gwapo niya. Sunggaban ko to e. >///<

"Ah.. Nagpplano lang kami ni Alex kung saan kami pupunta this sembreak. 1month din yun at ayaw ko namang mabulok lang sa bahay namin." sabi ni Sophie.

"Ah! Why don't we go to a beach resort, we have one in Batangas. Gusto niyo?" sabi ni Nathan.

The Nerdy Girl and her Prince [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon