Chapter 2 - Passive Ability

12 4 4
                                    


Gusto ko lang pasalamatan yung mga unang nag vote at nag comment, thank youu!

***

6 minutes na ang lumipas simula nung umalis yung naka jacket, pero nandito pa rin ako sa tabi ng poste ng ilaw. Anytime... pwede siyang bumalik at saktan ako, anong gagawin ko?

Tssk, malalagot din ako kay Dad dahil late na late na ako sa pag-uwi, yung 5 minutes na late ay 5 hours para sa kaniya. It's now or never, umuwi na tayo.

Medyo maraming tao kaya ligtas naman ako, liliko na sana ako kaliwa para makauwi pero napatigil ako dahil nakita ko si Dad sa bandang dulo.

Sundan ko kaya? Sure akong si Dad 'yun kasi kita kong suot niya yung favorite blue jacket niya dahil sa ilaw ng poste, siya nga 'yun...

Dumeretso ako sa paglalakad para sundan si Dad at nang makarating ako sa dulo may natanaw akong warehouse, doon siguro siya pumasok. Papasok na rin sana ako sa loob pero bigla akong napatigil dahil sa...

Sa uwak. Hindi inaalis ng uwak yung tingin niya sa'kin... ngayon lang ako kinilabutan sa uwak at sinusundan niya lang ako ng tingin habang pumapasok ako sa loob.

"Tskk, hayaan mo na." Nagmadali, pero dahan dahan akong umakyat sa hagdan. Buti na lang at hindi kahoy yung hagdan kaya na-maintain ko ang stealth ko.

Bigla akong napatigil dahil may naririnig akong nag-uusap sa isang kwarto. Hindi ako nagkakamali, boses 'yun ni Dad.

Dahan dahan akong lumapit sa pinto, wait, walang pinto? pero kita ko dahil maliwanag yung ilaw sa loob, nakatalikod sila sa akin at nakaharap silang tatlo sa lamesa.

"Señor Alejandro, kailangan mo nang papasukin ang anak mo sa Dotadà Alta dahil kumikilos na naman sila." Saad nung lalaking matangkad at brownish ang buhok.

"Hindi pa pwede dahil 15 pa lang si Kimyōn, hindi niya pa kayang protektahan ang sarili niya dahil hindi pa gising ang abi-"

"3 days na lang bago siya mag 16 'di ba? Malapit na rin kasi magsimula ang expedition ng class-S, kailangan mo siyang ipasama para may matutunan siya sa existence niya at ng lahi natin."

Wait, teka.. alin ang hindi pa nagigising? Bakit kasi sumingit yung babae? Pero parang natahimik sila kaya napasilip ako, at nakita ko nasa braso na ni Dad yung...

yung uwak! ayun yata yung kanina!

"Ahh gan'on ba." Lumipad na yung uwak at  kinausap ba ni Dad yung uwak?

"Mukhang may bisita tayo, bakit ka nandito?" shoot, ako yata ang kinakausap ni Dad!

"Paano mo nalaman ang lugar na 'to?" Alam nga niya nandito ako... hala paanong??

Tumalikod at tatakbo na sana ako pero bigla kong nakita yung uwak na nakaharang sa dadaanan ko, tinitigan ko lang siya nang maigi at halos mag freeze ako sa nakita ko. Namamalikmata ba ako?

Yung mata... naging blue yung mata ng uwak!!

Dahil sa gulat napatakbo ako sa loob ng kwarto kung nasaan sila Dad.

"Oh, mukhang no choice ka na talaga. Narinig pala ng anak mo ang usapan natin." Tumingin sa akin yung babaeng kulot na mahaba ang buhok, at sa tingin ko nasa mid 20's siya, at ayon na naman! Kulay blue rin yung mata niya pati pendant niya rin!

"Señor, bakit hindi suot ng anak mo yung pendant niya? Kaya pala hindi ko siya naramdaman kanina habang nakikinig siya sa'tin."  Huh? ano purpose nung pendant? Kaya ba laging sinasabi sa'kin ni Dad na isuot ko 'yun dahil may kung anong magic do'n?

Tiningnan ko naman ulit yung lalaki pero nagulat at napaatras ako sa pader dahil sa nakita ko... what the...

"Huwag mong ngang takutin ang anak ko. Sige na pumapayag na ako, makakaalis na kayo."

EL DOTADÓS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon