Disclaimer: Any resemblance to real persons or historical events is purely fictional.***
Break time na namin at nauna nang pumunta sina Yuùna at Maxie sa dorm nila. Nandito pa rin ako sa room kasama si Jitaru, Hakai, at si Miss Cass. Pinapapili nila ako sa mga weapons na nakalapag sa lamesa. Ang kaso wala akong mapili.
"Ikaw na lang ang walang napipiling sandata." then tumingin si Miss Cass sa'kin. Tapos lumingon siya kina Hakai at Jitaru. "Kailangan mong mamili at magsanay dahil baka biglang magbago schedule ng expedition niyo." nagtinginan naman si Hakai at Jitaru at parehong napakunot ang noo nila.
"What do you mean po Miss Cass? Sinong mag-tuturo kay Kimyōn kung sakaling magbago ang sched?"
Tama si Hakai. Kakapasok ko pa lang at yung identity lang ng kalaban ang natututunan ko tapos makikipaglaban kaagad ako? Baka ako ang unang mamatay jusko.
"Kasama niyo naman si Sir Mortem at siya nang bahala mag assist kay Kimyōn. Ako muna ang in-charge sa room 4 dahil lima lang naman estudyante niya." sabay lapag ni Miss Cass sa crossbow na hawak niya. You mean yung Sir. Mortem na kumausap sa'kin kanina? Siya pala makakasama namin.
"Si Sir. Mortem po? Siya pala ulit this year. Grabe ang cool ng abilities niya lalo na yung passive ability ng brown pendant." Brown pendant? Ramdam ko naman kanina na maangas talaga yung Sir. Mortem kasi sa pormahan pa lang halata na. Pero yung brown pendant na tinutukoy ni Hakai, ayun din kaya yung sa dalawang guard kanina?
"Ano ang passive ability ng brown pendant?" 'di ko na napigilang itanong sa kaniya. Gusto ko talaga malaman simula nang makita ko 'yun sa dalawang guard.
"Discuss ko na lang sa dorm mamaya. Pumili ka muna ng weapon mo dahil importante 'yan." oo nga, tama siya. Pero wala talaga akong mapili.
Habang namimili napunta ang tingin ko sa inilapag ni Miss Cass. Since na mahilig akong gumamit ng mga sniper na baril sa online games, I think it's perfect.
"Crossbow?"
"Opo Miss Cass."
Bingo, medyo magaan lang pala 'to. Pero ibang uri ng crossbow siya. Automatic crossbow at revolver yung magazine niya tapos may scope rin na kayang mag zoom in 6 times. May 12 arrows per magazine at poisonous daw yung arrows nito na kapag nadaplisan ka, may 10 seconds ka na lang para mabuhay. Then holy cow! Accurate siya kahit almost 1 kilometer ang layo ng kalaban mo!
Pero wait. Pa... papatay ako?! Seryoso ba 'to? Hindi ko nga kayang pumatay ng daga sa bahay tapos tao pa kaya?
"After ng breaktime pumunta ka sa rooftop, malawak 'yon at pwede kang mag practice ng shooting mo. Magpa-assist ka muna kay Yuùna dahil hindi muna kita matuturuan, archery naman ang napiling niyang weapon last year. May meeting din kasi kami mamaya sa Sentido Department." sabay inilagay ni Miss Cass yung crossbow sa loob ng suitcase. Angas ng suitcase kasi vintage style siya tapos leather.
"Oh siya tara na sa dorm! Excited na akong i-kwento sa'yo ang lahat. Prepare your brain mahdudes." tapos tumayo si Hakai at Jitaru then pumunta silang dalawa sa gilid ko.
"Ano pang inuupu-upo mo diyan? Tara naa!" hinatak ako bigla ni Hakai kasama si Jitaru papalabas ng room. Agad din naman siyang bumitaw sa'ming dalawa nung nasa hallway na kami at sinundan ko lang sila.
Habang naglalakad hindi ko pa rin maiwasang mapa-wow sa lugar na 'to. Pakiramdam ko talaga, mga wizard kami. Pagkarating naman namin sa hagdan namangha ulit ako sa pagkaka-spiral design niya.
Nasa first floor na kami at pagkalabas namin ng pinto kumanan kami para sumakay ng elevator. Nasa kaliwa yung hagdanan kaso mukhang tinatamad umakyat 'tong dalawa.
BINABASA MO ANG
EL DOTADÓS
Mystery / ThrillerHow do you describe terrorism? Greed, killings, criminality, and unlawful use of violence against innocent civilians. Those words are not enough to describe their inhumane actions. Our mission is to destroy them to protect our Homeland, and our peo...