Chapter 5 - Intuition Sense

20 5 1
                                    


***

Nasa hagdanan ako ngayon papuntang rooftop habang bitbit yung suitcase ng crossbow. Si Jitaru at Hakai naman bumalik na sa room kasama si Maxie para sa decoding at reverse psychology class. Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Yuùna at nakaupo siya sa lamesa.

"Kanina ka pa dito? Sorry medyo napahaba kwentuhan namin." Nakakahiya baka pinaghintay ko pa siya.

"Di man, kararating ko lang din." Wait, according sa accent niya... bisaya ba siya? Bihira lang kasi siya mag-salita.

"Uhhm anyway, may meeting si Miss Cass kaya ako muna magtuturo sa'yo. Archery kinuha ko last year kaya may alam ako kunti." Bumaba si Yuùna sa lamesa at dumeretso siya sa may white board.

"Kailangan mong malaman kung ano ang coordinates, 3-6-9-12 o'clock, at angles. Doon kasi babase kung tatama pana mo." May sinulat siyang parang math sa white board habang nagsasalita siya. Akala ko ba ligtas ako sa math dito? Umay naman oh.

.
.
.

"Lagi mong tatandaan na ikaw ang gitna ng orasan sa 3-6-9-12 o'clock rule."

Natapos na yung mahabang explanation niya na angle na 'yon. Pero medyo gets ko naman siya.

"Gets mo ba? Pwede naman explain ko ulit." Napailing ako bigla sa tanong niya. Ang haba kaya ng in-explain niya tapos ipapa-ulit ko pa?

"No okay na, thank you." Nginitian ko siya at saka ko inilapag yung suitcase sa lamesa. Nakita ko siyang lumapit sa'kin habang nilalabas ko yung crossbow.

"Bakit nga pala crossbow napili mo?" Tiningnan ko lang siya habang kinukuha niya yung mga arrows. Okay wait, paano ko ba sasabihin sa kaniya?

"Hindi kasi ako sanay sa malapitan. Kahit sa online games sniper main ako kasi pugo ako gumalaw sa close combat." Tumango lang siya at hinanda ko na ang aiming ko.

"100 meters plus ang layo ng first target mo. Tandaan mo yung basic sa angles." Narinig ko naman ang sinabi ni Yuùna kaya pumwesto na ako at nakita ko yung center dot. Grabe ang lawak talaga ng building na 'to, siguro mga nasa 160 meters plus.

Medyo nakakangawit pala 'to kahit magaan lang siya, pero pinilit ko pa rin maging steady. Sumilip ako sa scope at inipon ko ang hangin sa dibdib ko para maging stable ang hawak ko. Nung nakita kong naka-lock na aim ko sa center dot, I pull the trigger at saka mabilis na na-release yung arrow.

"Whoa! Sa gitnang gitna mo talaga napatama yung arrow." Tama si Yuùna. Kitang kita ko mula dito na nakatusok sa center dot yung arrow.

"Next target naman. Nakikita mo yung target na 'yon sa pinaka dulo? 200 meters ang layo n'on." Whaat? 200 meters?! Ang lawak talaga ng building na 'to mula dito papunta sa target. Hindi ko nga gaanong makita yung target eh-- wait, 6x nga pala scope ko.

"Yung angle, Kimyōn. Habang mas lumalayo target mo kakailanganin mong i-adjust ang crossbow."

"Affirmative, thank you."

Ramdam ko yung pressure kasi 200 meters ang target ko. Tama na nga kakareklamo, nagawa ko naman kanina and I'm sure na magagawa ko ulit.

Sumilip ako sa scope at tinaas ko sa 10° angle ang crossbow ko. Inipon ko ulit ang hangin sa loob ko at nung naramdaman kong okay na ang lahat, I immediately pull the trigger.

Hindi ko alam kung tatama ba, hindi ko rin masundan yung arrow kasi ang bilis ng pag-travel niya.

"Natamaan ko ba?" Tinanong ko si Yuùna kasi nakasilip siya sa binocular. Nakita kong agad siyang ngumiti.

"Ang galing mo naman. Nung archery pinili ko naka 4 or 5 attempts ako bago ko matamaan yung 200 meters center dot." Hindi ko alam kung mahihiya ba ako sa sinabi niya. Hindi lang siguro talaga ako sanay tumanggap ng compliment.

EL DOTADÓS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon