***Nandito kami ngayon sa Elevator papuntang 1st floor para i-report yung nangyari kanina. Pagkabukas ng pinto tumakbo kaagad kami papuntang work office.
Nang makarating kami, agad na binuksan ni Hakai yung pinto at nakita namin yung 5 students. May kausap silang professor at kung hindi ako nagkakamali, si Sir. Mortem 'yun?
"Wait, nakalimutan ko passive abilities ng class T." Napatingin naman kaming dalawa ni Jitaru sa sinabi ni Hakai. Nasa likuran lang namin ang pinto na pinasukan namin.
"Nakalimutan ko rin na alam na nila yung nangyari kanina dahil sa passi-" naputol yung sasabihin sana ni Jitaru nang biglang bumukas yung pinto sa likuran namin. Bumungad sa amin si Miss Cass at yung isa pang babaeng teacher na hindi ko kilala.
"Teka, bakit nandito kayo? Dapat nagpapahinga na kayo sa dorm niyo ah?" Tanong agad sa amin ni Miss Cass nang maabutan niya kaming tatlo na nakatao sa harap ng pintuan.
"Perfides." Pagkabanggit nun ni Hakai, biglang naging seryoso mukha ni Miss Cass, pero yung teacher na kasama niya chill lang.
Agad kaming napansin ni Sir. Mortem pati nung limang estudyante at dumeretso si Miss Cass sa kanila. Pero nag stay yung kasamang teacher ni Miss Cass pumunta sa harapan naming tatlo.
"So, ikaw pala yung bago sa class S." Yung mata niya... parang tinititigan niya kaluluwa ko. Very calming ng voice ni Ma'am.
"Kimyon Sarmiento. Anak ka ni Señor Alejandro, tama?" Tumango ako after niyang magtanong, ang sungit. Tumalikod siya sa amin at dumeretso sa papuntang labas ng building.
"Oy Kim oks ka lang? Ang sungit 'di ba? hahahaha!" Natauhan ako sa tanong ni Hakai at agad ko siyang kinunutan ng noo.
"Ayos lang ako. At huwag mo nga rin akong tawaging Kim, ang gara." Sa dinami-rami ng nickname, bakit ayun pa?
"Bagay naman sa'yo, ays lang 'yan."
Napansin namin na lumabas na ng building yung limang estudyante kasama si Miss Cass, at lumapit kami kay Sir. Mortem. Habang naglalakad kaming tatlo sa kaniya naaangasan ako sa dating ni Sir. Nasa loob ng bulsa niya yung kanang kamay niya at yung isa ay may hawak na baso ng kape.
"Kamusta kayong tatlo? Naramdaman ko kanina na tumalon yung Perfides sa tapat ng bintana ng dorm niyo." Anong naramdaman niya?
"Wala naman pong nasaktan sa amin kanina kahit nakatapat namin yung Perfides. Agad po siyang tumalon sa bintana at tumakas." Si Jitaru ang unang nagsalita sa aming tatlo.
"Well, that's good to know na handa na ulit kayo. Dahil sa nangyari kanina nabago schedule ng Expedition niyo." Kinabahan ako sa sinabi ni Sir, sana naman delay yung expedition at hindi kaagad buka-
"Bukas na mag i-start yung expedition niyo. So be prepared." Pakiramdam ko nalaglag yung panga ko sa sinabi ni Sir. Bukas kaagad? Halos mamatay nga ako sa tulak nung Perfides kanina tapos labanan kaagaaaad?
"One more thing Sir. Kanina habang nakikipaglaban kami, napansin namin na Intuition yung ability ni Kim. Dahil nalalaman niya kung kailan aatake yung Perfides." Tama si Jitaru. Naalala ko na naman tuloy, ang sakit sa ulo nung time na ginagamit ko.
"So, you can predict the future if you're in danger? Sobrang angaasss." Tinutulak-tulak ako ni Hakai at ang hyper na naman niya.
"Pahula ako mamaya pre ah? Need mo ba ng bolang kristal? May kilala akong kalbo hahaha!" Siraulo talaga 'tong lalaking 'to. Nanahimik naman siya kaagad dahil nag fake ng ubo si Sir Mortem.
"Bakit parang ang bilis?..." napatingin kaming tatlo kay Sir habang nagtataka yung itsura niya.
Alin yung tinutukoy niya?
BINABASA MO ANG
EL DOTADÓS
Misterio / SuspensoHow do you describe terrorism? Greed, killings, criminality, and unlawful use of violence against innocent civilians. Those words are not enough to describe their inhumane actions. Our mission is to destroy them to protect our Homeland, and our peo...