EIGHT

7 4 0
                                    


"Ganda ng umaga, ah." Nambubulang sabi ni Soraya sa 'kin pagka-upo sa tabi niya. Kinindatan ko siya atsaka inayos ang buhok ko.

"Nasaan si Comman?" Mabilis na tanong ko, napapalaki pa ang ngiti sa pisngi ko habang iniimagine na makikita ako mamaya ni Drakin na ganito kaganda. Kyaah!

"Comman? You mean si Drakin?" Takang tanong niya, mabilis akong napatango.

"Wala pa, sila ni Ade ang laging magkasabay pumasok." Sagot naman niya.

Natingin ako sa kabilang side ko kung nasaan naka-upo sina Ariana at Zeren, ngumiti sa 'kin si Zeren pero alam kung peke 'yon habang hindi naman ako pinansin ako ni Ariana.

Mabilis na naagaw ng atensyon ko ang pagbukas ng pinto, nawala bigla ang ngiti sa labi ko ng makitang si Leo ang bumungad roon, marami sa mga kaklase ko ang nagbulong-bulongan at palihim na napapatili habang nakatingin. Hindi ko na iniwas ang paningin ko ng magtama ang mga mata namin. Seryoso pa rin ang mukha niya pero medyo napatagal ang tingin niya sa 'kin, nagagandahan siguro.

Pagkarating ng guro namin ay nagsilabasan kami ng klase dahil sa labas naman talaga gaganapin ang pag-eensayo.

Kung mag-eensayo kami ay paniguradong masisira ang buhok ko at baka hindi maabutan ni Drakin ang ganda ko. Napanguso ako sa isiping 'yon.

Iniikot ko pa rin ang paningin ko, nagbabakasakaling dumating nga si Drakin. Pero ang titig lang ni Leondelle ang nakita ko, tinaasan ko siya ng kilay 'saka tinarayan.

Mabilis akong nailang sa titig niya kaya dahil sobrang annoyed na 'ko ay nilapitan ko na lang siya!

"Alam kong maganda ako at hindi ka na dapat tumitig ng ganyan karikit. Maliwanag?" Nakataas ang kilay na sabi ko.

Akala ba niya ay hindi ko nakakalimutan ang unang kita namin? Natakot kaya ako no'n.

"Nag-effort ka pa talagang lumapit para lang sabihin sa 'kin 'yan?" Seryoso ang mukha niya.

Pinagkrus ko ang mga braso ko at mas lalo siyang tinaasan ng kilay.

"Ano ba? Gusto mo ba 'ko? Bakit ba lagi-lagi ka na lang nakatitig? Gusto mo bang manligaw?" Hindi ko napigilan ang sarili kong itanong 'yon. Nakakainis kasi e!

Napabuntong hininga siya 'saka sa di katagalan ay nilaro ang apoy sa daliri. Nagulat ako ng biglang magpalit ng anyo ang apoy at maging itim na rosas. Ibinigay niya sa 'kin 'yon na mabilis ko rin namang tinanggap. Pero mas lalo lang akong nainis ng maging abo ang bulaklak ng hawakan ko na 'yon!

"Ako ba trip mo?" Naiinis na talagang tanong ko!

"Tss." Sabi niya lang bago ako iwan sa kinatatayuan ko! Gusto ko siyang habolin o pigilan ang kamay niya pero hindi ko nagawa! Inis akong bumalik kina Soraya!

"Ano't nagdadabog ka riyan?" Mahinang tanong ni Soraya ng mapansin sigurong kanina pa 'ko nakanguso at pinagdadabugan ang lupa.

"Si Leo kasi!" Naiinis na sumbong ko!

"Ano? May ginawa na naman ba ang lokong 'yon?"

"Hindi! Wala. Basta. Nakakainis! Nandyan na ba sina Drakin?" Mabilis ko na lang na pinalitan ang topic namin. Ayaw ko ng pag-usapan si Leo dahil mas lalo lang akong maiinis sa kanya. Pero teka, bakit ba inis na inis ako sa taong 'yon? E, basta! Nakakainis talaga siya para sa 'kin!

"Sa may banda do'n." Nagulat ako ng bigla ay si Zomira ang sumagot sa tanong ko.

Nakita ko nga kaagad si Drakin kasama sina Ade at Zomir, nakikinig sila sa sinasabi ng guro namin habang kaming mga ibang estudyante ay lakwatsa at ayaw makinig.

Pagkatapos ng ilang minuto, nagsimula na ang ensayo, gumawa ang aming guro ng isang field kung saan may iba't ibang uri ng lupa, yelo, apoy, at iba't ibang uri ng lugar tulad ng playground, paaralan, pagamutan at marami pa. Pero mas pinili ko ang kagubatan dahil sa combat ako magfo-focus.

ARAYA  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon