TWELVE

8 4 0
                                    

Umuunti na ang sinag ng kalangitan, tandang mag-gagabi na nga. Pero wala pa rin kaming nahahanap. Lumalayo na kami sa Amoria village pero talagang wala.

"Hayst. Kasalanan naman nila kung bakit sila nawala e." Reklamo ni Mirechelle. Mabilis siyang tinitigan ng masama ni Soraya.

"Ayaw ba talaga nilang magpakita?" Naiinip, pero pilit kumalma na sabi ni  Zomira habang tinatanong 'yon. "May naririnig akong kaluskus pero hindi ko talaga maituro kung saan."

"Baka sila na 'yon, OMG! Try your best! Pakinggan mo pa, wag kayo maingay!" Si Rhea na atat na atat talagang matapos ang misyon.

"I can't!" Parang si Zomira na ang naiinip.

Napabuntong hininga na lamang ako 'saka pinagpatuloy ang paghahanap. Nakakalayo na sa gawi namin sina Drakin, Vaniri at Ade. Talagang, focus na focus.

"Look at these!" Bigla ay sigaw ni Vaniri sa amin habang ikinakaway pa ang parehong kamay. Mabilis akong tumakbo ro'n, kasama si Soraya na kung makatakbo ay aakalain mong nais mauna sa karera.

"Ano 'yon?" Si Soraya na ang mabilis na nagtanong sa kanila.

"Are you familiar with these? Anyone?" May pinulot si Drakin na maliit na manika sa may liblib na parte ng gubat.

Walang nasabi ang mga kasamahan naming military na pwede naming i-trace ang mga bata gamit ang mga gamit, 'yon ay kung may naiwan sila. Wala silang nabanggit kung 'di ang maghanap lang.

"Wala akong maalalang gamit ni Ramel na ganiyan, tsaka pangbabae 'yan, e." Si Soraya na ang humawak no'n.

"Teka, ang sakit ng tainga ko." Nag-alala ako bigla ng sabihin 'yon ni Zomira habang kinakati ang tainga niya.

"Did you heard something?" Tanong ni Drakin, nag-aalala ang tono niya pero ang reaksyon ay hindi.

"M-marami..." Nauutal na sabi ni Zomira, "may paparating!"

Tulad ng itinuro sa amin sa pagsasanay, nagdikit-dikit kaming lahat bilang isang grupo! Lumikha si Drakin ng blue flames na siyang pananggalang sa panganib na paparating, bawat isa ay nakaalerto habang ako ay halos mahimatay na sa nginig! Hinawakan ni Vaniri ang kamay ko nang mapansin sigurong nginig na nginig ang buong katawan ko. Napapaluha na 'ko!

"Malapit na sila! Nakikita ko't naririnig ko! Marami sila..." Si Zomira na kabadong-kabado ang itsura at namumutla na, napansin ko ang mariing paggalaw ng tainga niya at ang pagdurugo nito! Aktong tatakbo na ako sa kinaroroonan niya pero pinigilan ako ni Vaniri, mabuti't katabi niya si Mirechelle at Rhea kaya may alalay siya.

"You're not playing with us, right Zomira?" Si Zeren, na nakataas pa ang kilay. Kalmadong-kalmado lang siya at mukhang ayaw maniwala sa mga pinagsasabi ni Zomira.

"Akala ko ba ay we are safe here? Teka, baka naman ay prank lang sa atin 'to—"

"Napakalapit," Ani ulit ni Zomira. "Ang sakit-sakit ng tainga ko, may ginagawa sila laban sa 'kin, alam nila ang abilidad ko," Hindi na napigilan ni Zomira ang sarili 'saka napatili na siya, awang-awa ako pero wala akong magawa dahil wala man lang din akong masabing salita. Napepe ako sa panandalian na ito, wala pa man akong nakikitang kalaban ay papatayin na ako ng nerbyos ko! Ano ba naman 'to?!

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Vaniri, 'yong pagtibok ng puso ko, napakabilis.

Ilang sandali lang, isang grupo ng mga kalalakihang may mga kulay lilang sout na armor suit! May mga helmet ang ulo at may mga espada sa tagiliran at napapalibutan nila kami!

ARAYA  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon