Chapter 2: Iris Rivera
(Riadne Laurel)
Bakas ang tuwa sa mukha ni Yuri habang tinitingnan nya lahat ng damit na napamili namin. ‘Di naman sa ‘di nya kayang bilhin ang mga ‘to, but being Yuri, mas gusto nya nang nililibre ko sya o binibigyan ng mga regalo. Mas sweet daw at memorable. Siguro dahil na rin ‘yon sa lumaki syang wala ang Mama nya sa tabi nya at nataon din na ang apat nyang mga kapatid ay isa-isa nang nagsilipatan sa ibang bansa. Sya na lang ang naiwan dito sa Pilipinas.
“Thank you talaga, friendship! Ang mamahal ng mga ‘to oh. Mukha na rin akong model pag sinuot ko ‘to!”
“What are you talking about? You already do. You just need some dolling up,” sagot ko, leaning against the couch.
Kasalukuyan kaming nasa condo unit ni Yuri, at habang inaayos nya sa cabinet nya yung mga damit na nabili namin, pumasok muna ko sa mini studio nya na punung-puno ng mga nagkalat na litrato at magazines.
No wonder, since during those five years I was in France, naging successful photographer at mag journalist sya.
One particular magazine piqued my interest. Pamilyar ang cover girl ng Elite Mag ngayon.
Iris Rivera, Asia’s Golden Angel
Intrigued, I picked it up and flipped through, stopping on the main article.
According dito, si Iris ay isang batikang aktres at singer. A songstress that captivated millions of people all over Asia through her innocent charm and enrapturing beauty.
‘Di na ‘ko nagtaka. Doon naman talaga magaling ang babaeng ‘yon, sa pagbighani ng mga tao. But innocent charm? Enrapturing beauty? Please. A whore, no matter how much she tries to pretend, will always be a whore. And Iris Rivera, no matter how much she tries to hide it, will always be one.
Kaya nga ako narito. To show the world her real face. Let’s just say I’m doing the world a big favor by putting one ugly bitch back to where she belongs. Masyado na syang matagal sa taas. Oras na para bumagsak sya.
And I’ll be the one to throw her off that precipice of glory.
“Ay, nakita mo na pala yan,” sambit ni Yuri sa likod ko. “Kakaiba no? Paniwalang-paniwala ang lahat na talagang mabait sya.”
“That may be, but remember, ang basura kahit takpan mo umaalingasaw. With the right push, lalabas din ang totoong ugali nito at yun mismo ang gagamitin ko para bumagsak sya.”
“But just in case magkita kayo one of these days, ready ka ba?”
I studied Iris’s picture. Sya ang bagong face ng Jewell kiss ngayon, the beauty clinic and fashion and cosmetics business na kumakaribal sa Glamoure ko. “The real question is, handa na ba sya? We all know who’s the real deal. The better deal.”
I threw the mag in the garbage, and headed back to the living room. Sigurado ako na nakarating na kay Iris ang ingay na nilikha ng pagdating ko. Sigurado din akong nagngingitngit na ‘yon sa sobrang pikon. My arrival is a threat to her queenhood here. Sya ang tipo ng tao na gustong nasa kanya lang ang lahat ng attention.
In short, attention whore.
“I don't know, friend. Sure ka na ba dyan sa plano mo?” Yuri began, skeptic. “Ang tagal na rin nun, noh? Baka nga ‘di na nila naaalala ‘yun. Tignan mo, sikat na si Iris. Executive director na daw si Caleb. Ikaw, very successful ka na. Masaya na lahat, kailangan mo pa ba balikan yung dati?”

BINABASA MO ANG
Revanche
ChickLitShe's an actress, a business woman, a model, a fashion trend setter and above all, a professional beautician. She has the looks, the body, the fame, and the money. But despite her reputation and status, she's not happy. She won't be, at least until...