Chapter 7: Business

522 22 13
                                        

Chapter 7: Business

Riadne Laurel 

Gabi na nang makauwi ako. Isa isa ko pang dinaanan ang mga boutiques ko para kamustahin ang mga clients at staff, maging ang takbo ng business. Pinirmahan ko na din ang ibang mga papeles na naghihintay ng approval ko bago tuluyang umuwi. Marami pang natirang kailangang basahin at pag-aralan. Bukas ko na ulit sila babalikan at isasabay ko na din ang pagkausap sa mga branch managers ko. I have to let them know about Star TV so they can prepare everything. 

Inabutan ko sina Nanay Luring at Nanay Selya sa diner, kumakain na ng dinner kasama ang iba pang mga katulong. Tumayo sila pagkakita sa'kin para bigyan ako ng pwesto at pagkain. I stopped them with a hand.

"Kumain na po ako. Kayo na lang muna po. Salamat," marahan kong sinabi bago pansamantalang pumunta muna sa sala para magpahinga. 

Pinasadahan ko ng tingin ang mga litrato sa dingding. Puno iyon ng mga family pictures namin na kinuha noong nagpunta kami sa London at China. Karamihan din ay litrato ng mga kabataan namin. Mapait ang naging ngiti ko nang maalala ko ang nakaraan ko. Agad agad ay nagbalikan sa'kin ang sakit at galit.

These photos are the reminder of the life I was deprived of, and I couldn't help but feel that tremendous spark of hate for Caleb and Iris. Overwhelmed and all too aware of the burning tears in my eyes, I faced away from the photos and instead looked at the ceiling. 

Tama si Yuri. Puwede naman akong huminto na lang at ipagpatuloy ang magandang buhay ko. Forget all the pain and hurt and bitterness. After all, there's no denying that I am famous and one of the most sought out artist in the world. Pero hindi ko kaya. 'Di ako masaya. Hindi ko kayang magpatuloy na lang, knowing that they're living happily somewhere while my family and I suffer. No, I can't stomach that.

I've always believed in equality and justice. Alam kong hindi ako magiging masaya kung sasaktan ko sila. But know that saying? Lintik lang ang walang ganti. And if this revenge, my revanche, will bring me a step closer to my closure, then I will do it without second thoughts. Logic be damned.

"Jade, ayos ka lang ba?" tanong ni Nanay Selay. 

I was momentarily confused at her question until I noticed the flow of tears on my face. I wiped them with one swift motion and said bitterly, "Opo, Nay. May naalala lang ako."

Umupo si Nanay Selay sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Minsan hindi maganda na tinatago lang 'yan, anak. Minsan dapat mo din ilabas ang nararamdaman mo. Nasaktan ka. May karapatan kang umiyak."

Tinignan ko sya ng matagal at malalim, at matahimik na sinabi,"Ayokong pangunahan ng hina ng loob."

"Hindi kahinaan ang umiyak, anak. Kahit kailan, hindi."

Iyon lang ang sinabi nya. Niyakap nya ako pagkatapos. Hindi na ako umiyak pa. Matagal na akong nangako sa sarili ko na hinding hindi na ako iiyak pa dahil sa kanilang dalawa. No, it has to be the other way around.

I'll absolutely make sure na sila naman ang magdurusa.

#

I summoned my branch managers the next day and gave them a brief instruction about what to do with Star TV, our short term and long term goals and plans, and even taught them how to deal with the flood of clients. Nasiyahan ako ng malaman kong tumataas ang sales at reviews sa Glamoure. And not only that, mga sikat at kilalang tao ang mga nagiging clients namin. 

I couldn't help but feel a swell of pride for myself. Kung magpapatuloy ang progress na 'to, paniguradong maba-bankrupt si Iris. I made sure na magkalapit lang ang beauty lab namin nang sa gano'n, mabilis kong maaagaw ang mga loyal customers nya. Hmm. Wouldn't be too long now. I just have to make sure na mas makikilala pa ang Glamoure. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RevancheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon