Chapter 6: Mall Show
Riadne Laurel
"Thank you, babe. Yeah, natanggap ko na. Thanks to you, magagawa ko na ang next step ko," I murmured, pressing the phone between my ear and shoulder blade as I worked on my make-up. Tita Mia asked me to prep up kaya heto, naglalagay ako ng light make-up para kahit papaano ay masunod ko naman ang utos nya. Bukod pa d'yan, I decided to wear a black fitted top and long pleated skirt, matched with a stylish hat and plain flats.
Simple?
Yes.
Elegant?
Very.
I love the colors; they compliment my complexion well. Ganyan lang naman ang fashion. It's just a matter of mixing up and playing with colors. Always go for the simple but elegant look. Mas catchy. Mas striking. Mas defining. And make sure you wear clothes that will accentuate your assets. Bonus din if you can achieve that without looking like a slut.
Take Iris, for example. Mahilig sya sa loud fashion. Too revealing clothes, too long dresses. I don't like those. 'Di ko kailangan ilantad ang katawan ko para lang makuha ang gusto ko. Minsan kasi, kailangan lang dagdagan ng karisma. 'Yun ang wala siya. Palibhasa kasi ay walang disiplina.
Edukada nga, palengkera naman.
Please.
"Jade, ano na naman ba 'yan?" nag-aalalang sambit ni Yuri. Naririnig ko ang ingay ng mga papel sa side nya. Malamang ay gumagawa na naman sya ng bagong gimik para sa magazine nila.
"Nothing. At least, wala pa sa ngayon," naglalaro kong sabi habang naglalagay ng eye liner. Should I go for the winged look? Mm. Perhaps, pero light lang. Mas babagay 'yon sa get up ko.
"Hay nako. Kinakabahan naman ako. Baka dahil sa'kin may mangyari pa sa'yo."
"Relax. Wala naman akong gagawing delikado. In fact, far from it. I'll make sure these people will benefit from me, lalo na't dinamay ko lang naman sila dito. I'm not heartless. I have nothing against them. Sadyang ang kasalanan lang nila ay naging kaibigan nila 'tong si Almeda." I started applying blush on, and then lipstick.
"Shit. Parang alam ko na. Tungkol kina Andy and Jett ba 'to?"
"Binggo," I said smugly. "What do you know about them?"
"Teka lang ha, teka. Bakit kailangan mo sila?"
Upon finishing my eyes, sinunod ko na ang buhok ko. I placed Yuri on loud speaker and put my phone on the table while curling the tips of my hair. I should probably tie it up into a bun. Mas classy tignan.
"Simple reasons. Kung gusto kong makalapit without raising suspicions, kailangan kong dumaan sa mga kaibigan nya and I have the perfect idea," pasimple kong sagot.
"Ohmigosh! Ano 'yan?"
"You'll know soon," sabi ko, sabay tawa. Hindi sa ayaw kong sabihin sa kanya ang plano ko. Sadyang nakakatuwa lang talaga kausap itong si Yuri.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Perfect. I looked perfect na para sa mall tour. Admittedly, excited din talaga ako sa promotion. Magkikita na naman kami ng paborito kong babae na si Iris. Anong klaseng pang-aasar naman kaya ang gagawin ko sa kanya ngayon?
"Uy friend, maiba tayo," aniya.
"Hm?" sagot ko habang ina-apply ang final touches.
"Alam ba ni tito at tita 'yang mga balak mong gawin?"
"Yes, oo naman. Wala akong tinatago sa kanila."
I suddenly remembered Dad and our convo a few years back noong unang beses kong binanggit sa kanya ang mga plano ko. Dad's a very gentle man. He took it well, but that didn't mean na nagustuhan nya. He rejected the idea, and he still does. Pero alam nyang hindi nya ako mapipigilan. Bata pa lang ako ay ganito na ako. Determined, resolute. Alam ni Dad 'yon. That's why he did everything to support me. Hindi lang nya ako pinag-aral ng kung anu ano sa France. Sinuportahan din nya lahat ng business ventures ko. Well, in that aspect, not financially. I established my businesses on my own. Even my career.
Nang marinig ni Mom ang plano ko, natahimik lang sya. Natakot. Then when she processed it, nagalit. Matagal nya akong hindi kinibo. Ilang buwan bago kami nagkaayos at tinanggap nya na lang na wala na syang magagawa pa dahil nakapagdesisyon na ako. It's not that I don't respect their wishes. It's just that I gotta do this for myself. And they knew that.
Hindi nila ako kinunsinte but they supported me anyway in fear of losing me. Ako na lang ang anak nila, and I love them so much for that, for being there when it mattered.
"Hay, okay. Kung sina tito hindi ka nagawang pigilan, ako pa kaya? Nakakainis ka," sagot ni Yuri mula sa kabilang linya.
Napatawa ako. "Nothing will happen to me, so wag ka nang mag-alala, alright?"
"Ano pa nga ba?" Bumuntong hininga sya. "Anyway, I'm hanging up. Kailangan ko pang tapusin itong article ko."
I dropped the call and collected my things. Tumayo na ako at lumabas sa kwarto. Sakto naman na nakareceive na 'ko ng call from the staff, tinatanong kung nasaan na raw ako. Masyado na raw maraming tao sa mall, baka daw mahirapan na ako makapasok. I just reassured them. This mall show will be a success.
#
When I got out of my lamborghini, agad agad na nagtakbuhan palapit sa'kin lahat ng mga naghihintay na fans. Hanggang sa labas ng mall ay nando'n sila. 'Yung mga guards, mabilis na umaksyon at pinalibutan ako. Sinalubong ako ni tita Mia at sinimulang hatakin papasok.
"Halika na, iha. Baka masaktan ka pa nila," sabi niya.
Pero pumiglas ako, huminto, at kumaway sa kanila. "Don't worry, lovelies. Pagkatapos ng mall show na 'to, I'll make sure na mabibigyan ko kayo ng enough attention. 'Yung para satin lang."
Nagsigawan naman sila in response.
Satisfied, hinayaan ko nang hatakin ako ni tita at patuloy kaming pumasok papunta sa event place. Hindi ako kagaya sa ibang artist na mabait lang sa fans kapag nasa event proper na. 'Yung hindi na mamamansin porket may guards nang nakabantay. 'Yung tipo na ngingiti lang para makaiwas sa intriga. Hindi ako ganoon.
Pinahahalagahan ko bawat tao na sumusuporta sakin dahil kung wala sila, panigurado ay 'di ko rin mararating kung ano ang mayroon ako ngayon. It's hypocrisy if I'll neglect them.
I made sure na dadaan ako kung saan maraming tao, hindi doon sa nakalaan na daan para sa mga artists. Obvious sa mukha ng mga guards na nahihirapan sila sa ginagawa ko kaya I made a mental note to praise them later.
"Hi, miss Riadne!" sigaw ng isang babae.
"Riadne, pakasal na tayo!"
"Sa'kin ka nalang, please!"
"Idol kita, teh! Anebeyyyy!"
"Uy, sister! Gawin mo naman ako na protege mo!"
Halu-halong mga sigaw ang narinig ko habang dumadaan ako. Nang makarating ako sa stage, kumaway ako sa kanila at ngumiti habang kumukuha sila ng litrato. Mas tumindi yung sigaw nila. Within seconds, they're already chanting my name. Rinig hanggang labas panigurado ang pagsigaw nila sa pangalan ko.
I grinned. For sure, matutuwa si Iris sa bungad ko sa kanya.
Smirking to myself, I went into the backstage. Obvious na natataranta na 'yung stage manager kasama ang production team. 'Di siguro nila akalain na ganito kadami ang pupunta.
"Miss Riadne, sorry kung madedelay tayo. Hindi pa kasi dumadating yung ibang artists."
I was smiling politely. "Ayos lang. Ako naman 'tong dumating ng maaga."
"Don't worry po, we'll call Gabe and Iris na."
"It's okay. Take your time."
I headed to a corner, and waited. Kahit ilang minuto na ang nakalipas, sigaw pa rin ng sigaw ang mga tao. Tumawa si Tita Mia habang nakatayo sa tabi ko.
"Ibang klase ka din talaga, ano?"
"What do you mean, tita?"
"This. Ibang iba talaga ang pagsuporta sayo ng mga tao."
I chuckled. "Is that a bad thing?"
"Are you kidding? This is phenomenal, Riadne. You're probably the most famous actress in the Philippines right now."
My smile widened. "And I intend to stay that way, tita. I won't settle for mediocrity when I can have the best."
After a few minutes of waiting, dumating na rin sina Gabe, Iris, at iba pang mga casts. Pinigilan ko ang ngiti ko nang makita kong iritang irita ang mukha ni Iris na halos hindi na maipinta. Still, she looked good for today's promotion. Obvious na masyado niya 'kong sinusubukan na tapatan. She's wearing a red halter top dress, matched by red high heels. Very prominent din ang gold necklace niya.
But, no matter how beautiful she looks, mas mapapansin pa rin ang body language.
"Iris, Gabe, what happened? Sobrang tagal nyo," sabi nung prod manager.
"Sorry po, tita. Ang dami kasing tao sa labas, nahirapan makapasok 'yung sasakyan," sagot ni Gabriel.
"Let's get this over with," pasok ni Iris na halatang naiinis sa chants ng mga tao.
"Mabuti pa nga. Kanina pa naghihintay ang mga fans."
We walked into the stage na. Bumulong sakin si Gabriel nang magkadikit ang mga braso namin. "Ang tindi ng karisma mo, grabe."
I laughed it off. "Same with yours."
"RI-AD-NE!"
"RI-AD-NE!"
"I-RIS!"
"IRIS!"
"GA-BRI-EL!"
"GA-BRI-EL!"
I reached the center and sent a flying kiss to my fans.
"YAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"
"Are you ready?" I said into the mic, at mas lalong sumigaw 'yung mga tao. The emcee took it from there and within minutes, nagsimula na ang mall show.
#
After ng promotions, singing segment, at dance segment, nagbalikan na ang entire cast sa gitna ng stage for the final messages. It took us four hours para matapos ang show. Madami pa kasing mga pa-games dahil sobrang dami ng mga taong nagpunta.
'Yung host naman, nakaisip pa ng last minute na pakulo bago namin tuluyang tapusin yung show.
"Alright, people. Sino ang may gustong makakita na umarte ng sabay 'tong si Riadne at Iris? Patikim lang ba para lalo kayong ganahan manood?"
As usual, lalong naging hyper ang mga tao.
Tumingin sa'min 'yung host. I nodded my approval. Si Iris naman, challenged na challenged ang hitsura. From her expression, alam kong pagod na siya. Sino ba kasing nagsabing magheels siya para sa event na 'to?
As for me, sanay na 'ko. I am a model, above everything else. Ito talaga ang field ko. Singer lang naman siya. Baka dapat ay bumalik na lang siya sa studio niya.
Natawa ako sa sarili ako. Hay nako, Riadne. Umiiral na naman ang pagiging maldita mo.
"Alright, ladies," the host said. "We'll give you a scene na kailangan i-enact nyo ah? No script. Just pure wits." He looked at the people. "Sino gustong magbigay ng scene?"
Nagwala lalo ang mga tao.
"Ah, halika ate. Panik ka dito."
Dali-dali naman pumanik 'yung babae. Agad kong nakilala ang damit na suot nya. It's one of my best collections sa shop ko.
"Kyaaa, miss Riadne, idol talaga kita!" sabi niya habang patalon-talon.
"Okay na, iha, easy ka lang. So, anong scene ang gusto mong makita?" natatawang tugon ng emcee.
She smiled, a mischievous one. "Gusto ko po ng confrontation scene. 'Yung sagutan po between a mistress and the wife!!"
"Ah, nako. Ipapakita naman yan dun sa movie, pwede iba na lang?"
"Gano'n? Ano, sige. Laitan na lang. Kahit ano, basta 'yung magpapatagisan sila kung sino ba talaga mas magaling. Kunwari confrontation bago sila sumabak sa competition."
"Okay, mukhang maganda yan. Oh, kayo? Gusto nyo rin ba 'yon?"
"OO!!!!!! RI-AD-NE! RI-AD-NE!"
"I-RIS! I-RIS! I-RIS!"
"Aba, mukhang excited na rin kayo ah. Well, ladies, dito na kayo sa gitna," sabi ng host.
Iris and I exchanged brief glances, before heading to the center.
"You heard the scene ah? Lights. . . Camera . . . Action!"
Agad na nanahimik ang mga tao.
Mabilis na nagbago ang expression ni Iris. From her angel countenance, lumipat kagad sa pagiging maldita. Well, hindi naman 'to acting. Alam kong ito na talaga siya.
Akalain mong plastic pala talaga 'tong babaeng 'to.
Mapagpanggap.
Award winning talaga.
Pero syempre, mas magaling ako.
"You'll never win against me," she spat, her sharp eyes raking over me in contempt.
I smiled a cool one, placing a hand on my hips. "Don't be so sure of yourself. We have yet to see the result, honey."
She smirked at me, sizing me up with her eyes. "You think you'll actually win against me? 'Di hamak naman na mas magaling ako kaysa sayo. You're nothing but a cheap imitation of me."
I laughed, walking closer. I made sure my hips swung with my every steps, my flats clicking against the stage, adding to the tension. "Really? Sino nga ba ang cheap satin? Ikaw na trying hard tapatan ako o ako na effortless makuha ang atensyon ng lahat?"
Biglang naghiyawan ang mga tao.
Iris clicked her tongue, exhaling sharply. "Of course you'll get their attention. That's what sluts are for."
"Ohhhhhhh!" reaksyon ng mga fans.
I smirked, walking in a circle around her. "Well, newsflash, my dear. It takes one to know one."
She raised a hand to slap me, but I lifted my index finger to stop her.
"Oops. Dahan-dahan ka sa ginagawa mo, baka 'di mo kayanin ang balik ko."
She hissed. "You're so full of it! The moment na matalo kita, kakainin mo lahat ng sinabi mo at luluhod ka sa harapan ko!"
I chuckled. "And kung ako ang mananalo, I'll make sure na gagapang ka sa lupa na nilalakaran ko." I flashed her a teasing, provoking smile. "Accept it. Laos ka na. It's now my time."
"You're such a bitch!"
"Maybe, but at least I'm not pathetic like you.
"Okay, cut!"
Instantly, our expressions shifted back to the normal, civil smile. Nagpalakpakan ang mga tao, evident sa mukha nila na nagulat sila sa exchange namin. Kahit ang host ay mukhang pinagpawisan.
Dalawa lang 'yan.
Either tomorrow, kalat na sa news na nagkatotohanan kami ni Iris. . .
O mas lalo kaming mapupuri dahil sa acting skills namin.
I couldn't care less. Sa huli parehas iyon na pabor sa akin. Obvious naman kung sino ang nanalo sa sagutan namin. Iris was almost pushed to her limits while I remained completely calm and composed.
Matapos iyon ay nagpromote na for the last time ang cast at bumalik na kami sa backstage.
"What the hell was that?!" pagalit na sabi ni Iris. Hinatak niya ako at sapilitang iniharap sa kanya. "Are you out of your mind? Baka maintriga tayo!"
I feigned an innocent expression. "I don't know what you're talking about. I just did my part."
"Ano bang problema mo sakin ah? Sinusubukan mo ba talaga 'ko?!"
I widened my smile purposively. "I'm doing my part as an actress, Iris. Now if you have a problem with that, complain to the staff."
Naglapitan na yung mga staff para pigilan kami.
"Let me go!" sigaw niya sa isang staff. "I can handle myself!"
"Iris, calm down," said Gabriel. She threw him a sharp glare.
"Shut up. Nothing's wrong with me!"
Habang pinipigilan si Iris ng mga staff, lumapit na sakin yung prod manager at nag-sorry. I shot her a cool smile na lang. "It's okay po. I don't mind. On that note, I need to go. May other appointment pa po ako."
"Sige, pasensya na talaga."
Lumapit na sakin si Tita Mia, and then we headed out gamit 'yung daan na ginamit namin kanina. Nag-give way naman kaagad ang mga fans, namamangha lang sa hitsura ko. I made sure na mapipirmahan ko yung mga posters na nilalapit nila sakin. Hindi ko man mabigyan ng pansin lahat, at least I tried my best.
Ito kasi ang magiging alas ko.
In order to win a man's heart, I need to win everyone's consent. In that way, wala na siyang kawala. Once he's under my grasp, he won't ever forget me. Hahanap-hanapin niya 'ko. At wala nang magagawa si Iris kundi umiyak at lamunin ng buo ang pagkatalo niya.
Caleb Almeda, you just wait. . .
I'm coming for you.

BINABASA MO ANG
Revanche
ChickLitShe's an actress, a business woman, a model, a fashion trend setter and above all, a professional beautician. She has the looks, the body, the fame, and the money. But despite her reputation and status, she's not happy. She won't be, at least until...