"Happy 4th anniversary boo" sabay yakap ni Klee mula sa aking likuran. Bat ba ang bango niya lage kahit ang amoy ng pawis niya nababanguhan ako HAHA.
"Happy 4th anniversary my boo" sabay harap ko sakaniya at hinalikan ko siya sa labi. Ang mga labi niya ay sobrang tamis HAHA. 'Ash kung anu-ano ang iniisip mo' sabi ng isipan ko HAHA.
"Boo may dinner date tayo mamaya huh. Tandaan mo yan wag mong kakalimutan HAHA" natawa nalang ako sa sinabi niya
"Boo magkasama tayo buong araw at palagi mo yang pinapaalala saakin di ko nayan makakalimutan, at di naman ako malilimutin eh. Ikaw kaya ang malilimutin HAHA" binulong ko nalang yung huli kong sinabi
"Pagkatapos nating sumakay ng carousel punta na tayo dun, gumagabi na" tignan mo to sabay naman pala kameng pupunta at kala mo naman napakalayo nun eh doon lang naman sa isang restaurant na malapit dito sa may tabing dagat. Konting lakad at kembot lang nandon na kami HAHA
"Sige na nga, punta na tayo doon HAHA. Ako lang sasakay o pati ikaw??" tanong ko sa kaniya. Hinawakan naman niya ang aking kamay at hinila papunta sa pabilihan ng tickets.
Napatingin ako sa magkahawak namin kamay 'i wish i can hold your hands forever' sabi ko sa isipan ko how i wish that those hands are mine forever
"Syempre dalawa tayong sasakay baka mahulog ka pa don ang lampa mo pa naman HAHA" pang aasar niya saakin. He's more handsome when he's laughing, 'ash focus irapan mo siya yun dapat ang gawin mo' pag papaalala ko sa aking isipan.
Nang matapos kaming sumakay doon, naglakad nalang kami papuntang restaurant. Sa paglalakad naming iyon ay puno ng asaran at kwentuhan.
Pagkarating namin doon ay walang gaanong kumakain siguro dahil medyo maaga pa 6:30 palang ng hapon/gabi HAHA. Papasok na sana ako sa loob ng hilain niya ako palapit sa mga puno ng buko.Doon may nakahandang mesa para saamin.
The place is lovely, all coconut trees around us are full of Christmas lights. There's a three scented candle in the table. The sand was full of petals. The moon is full and the beach is calm. This place is romantic and the man i love is in my side.
Ipinaghila niya ako ng upuan atsaka siya umupo sa kaniyang upuan. May nagserve ng aming kakainin. Kaya nagsimula na kaming kumain.
"Boo i love this place" sabi ko sa kaniya habang kumakain kami. "I love you too HAHA" napairap nalang ako sa sinabi niya pero yung puso ko grabe ang saya, 'puso kumalma ka lang kahit ngayon lang' pakikiusap ko sa aking puso akala mo naman ay susunod HAHA
Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan muna kami saglit ng biglang may narinig kaming musika isang matamis na musika. Inilahad niya saakin ang kaniyang kamay saakin, "May I have this dance?" kaya tinanggap ko nalang ang kaniyang kamay bilang tugon
"Boo thank you for all, thank you for loving me. I thank God kase binigay ka niya saaken, boo I love you so much and I want to spend the rest of my life with you" dahan dahan siyang lumuhod aking harapan at inilabas niya sa kaniyang bulsa ang isang maliit na kahon
"Boo will you marry me?"
"Yes boo" agad niyang isinoot saakin ang sing sing at agad na yinakap 'i want to marry you someday'"AND CUT, good job Ash and Klee keep it up"
"Great job ang galing niyong umarte" marami pang pumuri saamin masaya ako na natapos na namin pero malungkot ako dahil nagising na naman ako sa katutuhan na palabas lang ang mga yun"Sir Klee nasundo ko na po si Ms. Gray at ready na po ang sasakyan. Mag enjoy po sana kayo sa date niyo" ang katutuhanang hindi siya magiging akin dahil kami'y palabas lang wala siyang nararamdaman para saakin. Ang aming mga palabas ay nakakakilig ngunit kahit walang pag-ibig.
It's perfect but the feelings aren't true
———
Trivia: Una ko itong pinost sa rp/wp account ko at dinedicate ko sa isa kong kaibigan na si Ash. And to Ashanti Cumm miss na miss ka na namin labyaa<33