Good night, Yvie

4 3 0
                                        

"GOOD MORNING everyone," i greeted my family noong nakita ko silang kumakain sa dining.

"Himala ate ang aga mong gumising at naligo ngayon, san punta mo??" puna ng aking kapatid, pakialamero talaga to kahit kailan. "Pake mo ba, kumain ka na nga lang diyan. Di po pala ako dito matutulog mamaya, may date po kasi kami ni Leo," kinikilig na pagpapaalam ko. Pumayag naman sila kaya dali dali na akong lumabas sa bahay.

Habang masaya akong naghihintay ng masasakyan ay biglang tumawag si Ash, "Hoy bal ano plano niyo ni Leo??" tila mas excited pa to bruhitang kaibigan kong to kesa sakin HAHA. "Magdidate lang kami buong araw sa isang resort," napatili siya sa sinabi ko, "Dala mo ba yong mga sexy mong lingeries?? Hala galingan mo huh ninang ako," napatawa ako sa sinabi niya, jusko tong kaibigan kong ito.

"Gaga, kung ano ano sinasabi mo dinudumihan mo tong madumi kong brain pero hoy kelan ka ba uuwi miss ka na namin," napatawa nalang siya, "basta basta HAHAHA enjoy sa date niyo babushh," bigla nalang niyang binaba ang tawag.

At sa tagal kong maghintay ng sasakyan sa wakas may nahintay rin ako. Sinabi ko kay manong driver kung saan ako tutungo.
Nagkita kami ni Leo sa isang mall, kumain muna kami doon tsaka byumahe sa tutuluyan naming resort.

"GOOD AFTERNOON LOVE," bungan na bati saakin ni Leo, di ko alam na nakatulog pala ako pagdating namin sa aming room. "Hala, sorry nakatulog ako," pero hinalikan niya lang ang aking noo. Nilibot namin ang buong resort at nang maggagabi na kumain kami sa isang restaurant sa loob ng resort.

"GOOD EVENING mi amor, can i have this dance?" Natatawa kong inabot ang kaniyang at dahan dahan kaming sumayaw. Pagkatapos naming kumain at sumayaw napagpasyahan naming uminom nalang sa aming binayarang room.

Nagkwentuhan, tawanan at asaran kami hanggang sa tumama na ang alak sa amin. Ang asaran namin ay naging mas mapusok. Hanggang sa unti unti kaming naghalikan, ramdam ko ang kasabikan sa aming halikan. Binuhat niya ako at dinala sa aming kama. Ramdam ko ang malambot na kama noong dahan dahan niya akong inihiga. Itinaas ko ang kaniyang damit ngunit pinigilan niya ako, unti unting bumagal ang dating mapusok na halikan. Huminto siya at hinalikan ako sa aking noo.

"I'm sorry love, di ako nakapagpigil kanina," sabay halik niya sa aking noo ng ilang beses. Napangiti ako sa kaniyang sinabi kaya niyakap ko siya at sinubsob naman niya ang kaniyang muka sa aking balikat at dinampihan niya ng maliliit na halik ang aking balikat. Masasabi kong isa ako sa nabiyayaan ng mabuting kasintahan, malaki ang respeto at pagmamahal ni Leo saakin at sa aking pamilya. "I love you, Yvie my love. Can we stay like this for a while?" Mahinang wika niya saakin kaya tumango nalang ako. "I love you too Leo," hinimas himas ko ang kaniyang buhok. Di nagtangal ay tinaas na niya ang kaniyang mukha, "let's sleep now," saad niya at hinalikan niya ang ang labi ng isang beses. Binaba niya ulit ang kaniyang muka saaking tainga, at saka siya bumulong ng, "GOOD NIGHT, YVIE."

———
Trivia: Si dorang Shanti na kilala rin bilang Yvie ang nagsuggest sa title nyan. Bida bida kase kaya inilagay niya yung name niya sa title charr labyaa dora<33

One Shot Stories Where stories live. Discover now