Marupok

4 2 0
                                    

"Ang tanga mo talaga Stella pang ilang beses mo nang pinatawad yang Jeth na yan?? Ilang beses ka na bang niloko niyan bat dika parin natutoto??" - Taya my bestfriend

Jeth is my boyfriend, and he's a playboy. Magiisang taon na kami ni Jeth at di ko na mabilang kung pang ilang ulit ko na siyang pinatawad sa pagloloko niya at ilang ulit ko na siyang nahuling nambababae. Tanga na kung tanga HAHA mahal ko kaya pinapatawad ko.

"Bishh naman alam mo namang di ko na mabilang diba HAHA" pabiro kong sagot kay Taya. Inirapan niya lang ako HAHA

"Taya diba love mo ko diba susuportahan mo kung ano ang gusto ko dahil love mo ko. Taya naman oh promise kung magloloko pa siya ulit di ko na siya papatawarin" paglalambing ko

"Alam mo Stella susupurtahan kita sa lahat ng bagay pero yang katangahan mo sobra na di pwedeng puso lang ang pinapairal magisip ka"

"Oo na. Puntahan ko lang si Jeth plss" sabay pacute sa kaniya

"Eww, sige na nga wag ka lang niyang paiyakin paaabangan ko siya" natawa nalang ako sa kaibigan ko kala mo naman tutuhanin niya yung banta niya

May usapan kami ni Jeth ngayon na magkikita kami sa gym dahil may practice kasi sila ngayon ng basketball

Nagpapahinga sila noong dumating ako. Sa likuran ako dumaan para di ko sila maabala. Mukhang di nila ako napansin kaya narinig ko ang usapan nila

"Bro balita ko nahuli ka na naman ni Stella na nambababae, ano dre hiwalay na kayo??" tanong sa kaniya ng barkada niya

"Nananaginip ka ba dre, ako hihiwalayan ni Stella?? Nagpapatawa ka ba kahit ilang beses ko yung lokohin di niya ako hihiwalayan at kahit hiwalayan niya ako wala akong pake alam" oh shit ang sakit pero walang luhang nahulog saaking mga mata siguro dahil pagod na ito pagod na pagod na

Agad kong sinampal si Jeth di ko alam kung gaano kalakas yung pero namula yung pisngi niya

"Ang kapal pala ng muka mo ang sakit ng kamay kong sumampal sayo. Jeth alam mo kung bakit di ako nakipaghiwalay sayo kahapon dahil ngayon ko balak. Jeth my love HAHA I'm breaking up with you" hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi "Good bye" sabay talikod ko sa kaniya.

Mahal ko siya pero ayaw ko nang magpakatanga pa. Naging marupok man ako noon graduate na ako ngayon. No more Stella marupok for Jeth.

———
Trivia: Dinedicate/virtual birthday gift ko ito noon sa isa kong friend na si Cristel Parada, shemss may pa name drop. Btw, 'di na daw siya marupok naka moved on na daw.

One Shot Stories Where stories live. Discover now