Wag kayong maingay baka marinig nila tayo" saad ni lara kila jaydee at brei agad namang tumigil yung dalawa sa kakatawa
GABB POV
Rinig na rinig ko yung pinag sasabi ni lara kaya dali dali kong binuksan yung pinto
Hoyyyy!!! "sigaw ko halos matumba silang apat dahil sa ginawa kong pag hila sa pinto
Anong ginagawa nyo dyan? "kunot noong tanong ko
Wa-wala" utal na sagot ni lara tumingin sya sakin bago ibinalik ang tanong"kayo anong ginagawa nyo? "
Kami? Wala din"sagot ko
Asus wala daw kaya pala tanghaling tapat nag papainit kayo"natatawang sambit ni jaydee
Ayos lang yan wag na kana mag deny narinig na namin lahat" dag dag pang saad ni brei
Huh? Narinig ang alin? Ano bang sinasabi nyo dyan? "takang tanong ko hindi ko na mapigilang matawa dahil sa narinig kong yun
Yung ungol ni coleen" sagot ni jaydee agad naman syang siniko ni frances
Hoy ano ba bat mo sinabi" saway ni frances kumot ang noo nilang apat dahil biglang tumawa si gabb
Hahahaha anong ungol?"
Yung kanina"sagot ni brei
Mga baliw hugasan nyo nga yang utak nyo" natatawang saad ko bago lakad papasok sa loob nag sunuran naman yung apat
Nanlaki ang mga mata nila ng makita nilang nakaupo si coleen sa couch habang iginagalaw galaw ang kanang paa
Kung walang nangyari sainyo ano yung narinig namin kanina? "takang ni lara
Ah yun ba hinihilot ko kasi sya baka yun yung narinig nyo"paliwanag ko hindi pa din naaalis yung ngiti sa aking mukha
Hayst akala pa naman namin may nangyari na"napapakamot sa ulong sabi ni jaydee
Huh? Anong sinasabi nyo? "takang sambit ni coleen
Sabi nila may ginagawa daw tayong kababalaghan haha" natatawang sabi ko agad din namang natawa si coleen
Yuckk kadiri kayo! Bakit ganyan kayo mag isip! "pag sisita nya
Pano ba naman kasi grabe ka kung makapag sigaw akala tuloy namin may ginawa kayo" saad ni brei
Sumigaw ako dahil masakit," sagot ni coleen
Teka ano bang nangyari dyan sa paa mo? "tanong ni lara bakas sa kanyang mukha ang pag aalala
Wala to natapilok lang" nakangiting saad ni coco
Patingin nga"dagdag pang sabi ni lara bago nag lakad palapit kay coco "hayst lampa ka talaga kahit kelan! "
Masakit pa ba? Gusto mo dalhin kana namin sa clinic?" Suhestiyon ni frances
Wag na hindi naman na masakit" pag tatanggi ni coleen
Sure? "tanong pa ni frances halatang hindi sya naniniwala,..tinanguan lang sya ni coleen saka ibinaba ang paa
Nga pala kamusta yung pag uusap nyo ni josh? "sambit ni lara tiningnan sya ni coleen bago na buntong hininga
Ayun nakikipag balikan" walang ganang sagot nya
Wag mong sabihing pumayag ka?"
Bahagyang ngumiti si coleen saka umiling
Buti naman alam mo kung may rank lang ang pagiging marupok nangunguna kana" pabirong asar ni lara kumunot ang noo ni coleen kasabay nito ang pag hampas nya sa braso ni lara