Ilang minuto na din ang nakakalipas at nakakaramdam na din ako ng boring pano ba namin di manlang magsalita tong kumag na to gustong gust ko na talagang magsalita kaya di ko na napigilan yung sarili kong daldalin sya
Ahemm ikaw huh, tinititigan mo pala ko huh" asar ko sakanya
Hindi no" sagot nya pero hindi sya tumingin sakin
Asus kunwari ka pa"
Hindi nga, bakit naman kita titingnan"saad nya
Uhmm dahil nagagandahan ka sakin"pabirong sabi ko agad namang gumuhit yung ngiti sa kanyang labi
Lakas ng hangin"natatawang sabi nya inirapan ko sya at itinuon nalang ang tingin sa harap
Half hour past
Habang nag susulat ako napahinto ako ng isandal ni gabb yung ulo nya sa balikat ko
Kapal ng mukha sumandal pa talaga"bulong ko bago sya sinulyapan nanlaki yung mga mata ng makita kong natutulog sya hindi na din ako gumalaw dahil baka magising ko pa nagpatuloy nalang ulit ako sa pag susulat
Fast forward
Nakalabas na si prof pero hanggang ngayon natutulog pa din tong kumag na to nangangalay na talaga ko hindi ako makagalaw ng ayos dahik nakasandal sya sa balikat ko
Tiningnan ko sila jaydee at brei na nag lalakad palapit samin habang sila lara at frances naman ay naiwan lang sakanilang upuan
Naks parang mag jowa"natatawang asar ni jaydee hindi pa ata nila napapansin na tulog tong kumag na to
Sweet lang, baka langgamin kayo nyan" dagdag pang asar ni brei
Tsk tulog yan"saad ko Nagsitinginan silang dalawa bago sinilip si gabb
Ay tulog pala"napapakamot sa ulong sabi ni jaydee
Nabaling ang tingin namin kay lara dahil sumigaw ito
Hoy bumalik na kayo dito nadyan na si prof!"
Dali dali din namang nag lakad sila jaydee papunta sa kanilang upuan
Tuloy tuloy lang na nag lakad si prof papunta sa harap saka nag salita
Busy ako ngayon kaya hindi muna ko mag tuturo" saad nya bago umupo at tinutuk ang mukha sa mga paper na nakalapag sa table
Nag sitalunan naman yung iba naming classmate at may nag sigawan pa dahil sa sobrang tuwa parang mga bata lang
sinulyapan ko si gabb pero mahimbing pa din itong natutulog grabe wala ata tong pakiramdam pano sya nakakatulog sa ganito kaingay na room
Shhhhh" saway ni prof tumahimik din naman sila
Maya maya lang ay naramdaman ko na yung biglang pag gaan ng balikat ko kaya napatingin ako kay gabb
Humikab ito saka tumingin sakin
Mabuti naman at nagising ka pa"saad ko
Huh bakit? "takang tanong nya
Anong bakit, kalahating oras ka ng nakasandal sa balikat ko"reklamo ko
Ay sorry bakit di mo ko ginising"natatawang sabi nya
Wow trabaho ko ba yun! "pilosopong sabi ko
Tsk kasalanan mo na yan"saad nya habang nag iinat ng kamay inirapan ko lang sya bago kinuha yung cellphone sa bag ko
Napatingin ako sakanya ng ipatong nya yung ulo nya sa armchair ko at tumitig sakin kakaiba yung mga titig nya kaya agad ko itong sinita
Bakit mo ko tinitingnan ng ganyan"