Humawak sya sa tagiliran nya saka ako kinindatan para bang sinasabi nya na sumakay lang ako
Hindi ko alam kung anong reaksyon ng mom nya natatawa ito at parang gulat na gulat
Ah new girlfriend, pano si ella? "saad ng mom nya
Wala na kami" mabilis na tugon ni gabb
Huh kelan pa? "
Uhhm nasan si dad? "pag iiba nya ng topic ayaw nya sigurong pag usapan
Wala may meeting sila" sagot ng mom nya " oh sya doon muna ko" dagdag pang sabi nito sabay turo sa garden lumakad sya at lumapit sakin
Coleen feel at home okay wag kang mahihiya" nakangiting sabi nya
Thankyou tita" sagot ko bago ibinalik yung ngiti sakanya
Nang mapansin kong medyo malayo na si tita buong pwersa kong siniko si gabb
Arayy! "daing nito habang hinahaplos ang tagiliran
Bwct ka anong sinasabi mong girlfriend mo ko! "
Oh totoo naman ah" depensa nya
Ang kapal mo! hindi ako nainform kelan kita sinagot? "saad ko hinawakan ako nito sa ulo saka ginulo yung buhok ko
I'm just kidding "natatawang sabi nya
I'm just kidding mo mukha mo! Pano kung maniwala si tita! "inis na sabi ko
Well pwede naman nating ituloy" sagot nya saka nag eyewink sinamaan ko sya ng tingin bago ako umirap
Hayst nababaliw kana"
Tara sa kwarto" pag aaya nya habang hinahakbang ang paa sa hagdan
Ayuko nga" pag tatanggi ko
Sige maiwan ka dyan" saad nya saka nag patuloy sa pag akyat
seryoso iiwan nya talaga ko dito!!,nag pakawala ako ng hininga bago sumunod sakanya ayuko din namang maiwan dito no
Binuksan nya yung pinto at tumingin sakin
Susunod ka din pala"
Hindi ko sya inimikan tuloy tuloy lang akong nag lakad papasok sa loob napahinto ako dahil puro black lang ang nakikita ko black yung wall maging yung curtain at bed sheets ay black din
(parang ganyan ah basta haha)
Grabe naman tong taong to ganito na ba sya kaadik sa black
What's wrong?"tanong nya umiling lang ako at inilibot ulit ang paningin
Hilig mo sa black no" saad ko hindi ko pa din inaalis yung tingin sa paligid
Yah" sagot nya bago umupo sumunod din ako sakanya dahil kanina pa ko nangangalay