Kabanata 1

28 3 0
                                    

KABANATA 1
Soft spots



"DELIVERY for Ms. Virgo Clemente!" 

Napabalikwas ako nang bangon dahil sa nakaririnding sigaw ng kapatid ko na siyang bumalot na ingay sa buong kwarto. I locked the door before lying to bed, kaya hindi ko mawari kung paano siya nakapasok sa loob gayong ang susi ay nasa kwarto nila Mama. Minsan talaga may lahi siyang magnanakaw.

"Hoy! Ate Reign!" Sigaw niya saka lumundag sa kama ko at inalog-alog ako.

"What's with that ear-shattering voice, Marclette?" Inis na tanong ko habang pahikab-hikab pa, tumatawa naman ang loka! Inisip ko muna kung ano ba ang nakatatawa sa sinabi ko ngunit wala naman.

Minsan ay sumasagi rin sa isip ko kung kapatid ko nga ba talaga ito o napulot lang siya nila Mama sa daan? Medyo hawig naman kami dahil pareho kaming pinagpala sa ilong pero sa ugali naman kami nagkaiba. Ako kasi medyo mabait lang, siya nama'y masipag maging tamad.

"May nagpapabigay raw nito," aniya saka iniabot sa akin ang isang may kalakihang parcel.

"Ano raw pangalan?" I asked.

Muli niya akong binalingan saka siya ngumiti. "Harumi Preciosa," tipid na tugon niya. Inilabas ko ito at hinawakan sa laylayan.

I smiled when I remembered thd shirt that Yumi promised me.

Nakakita rin ako ng isang cardigan doon at cap na lintek na nakapagpangiti sa akin ng bonggang-bongga! Makakilala ba naman ako ng sobrang galanteng babae sa internet, sinong hindi matutuwa?

"Thanks," tipid na sabi ko sa kapatid ko saka muling isinilid sa lalagyan ang t-shirt na hawak ko. "Eh, 'yang sa 'yo?" Nagtatakang tanong ko matapos mapansin ang bagong t-shirt niya.

"Shania," tipid na sagot niya.

Lumalim ang gitla sa noo ko. "Shania?"

She smiled and looked at her shirt. "Shania Santos."

I nodded when I remebered that Shania is her classmate. Muli kong inihiga ang sarili sa higaan at pinagmasdan ang bawat hakbang niya papalayo sa akin. Sinasayaw niya pa ang steps ng fever without knowing na mukha siyang bibe— galaw bulate.

"Pakisara ng pinto," bilin ko na sinunod niya naman. Nakahinga ako nang malalim dahil bahagyang natahimik ang paligid ko. Parang may sariling isip ang mga kamay ko at kusa nitong hinugot ang cellphone mula sa saksakan.

It was a hot summer vacation when I discovered role play world. Sa tuwa ko ay gumawa ako ng RP account para makipaghalubilo sa mga gumagamit din nito.


I can't be sorry for being ugly, kasi ganito naman talaga ako. Hindi gaanong pangit pero hindi rin naman ako gustuhin katulad ng iba.

I entered a new world so I could escape reality— tryin' not to be hurt all the way long. I was living with people who's always trying to tie my own laces without even knowing how it feels like to be stepping on my shoe.

Dami kasing nagmamagaling wala naman palang ibubuga.

Welcome to facebook Virgo Clemente

Falling for a ConstelloWhere stories live. Discover now