Kabanata 3

26 3 0
                                    

Kabanata 3
That model.


"Kung alam ko lang na last pasok na natin 'yon edi sana inilabas ko na ang naipong sama ng loob ko kay Prof. Severino!" Inis na dabog ni Marclettle bago umupo sa kaniyang study table. "Lakas magpagawa ng wantawsan words na essay tapos hindi niya naman pala babasahin!"

"Deserve," pang-aasar ko pa.

Naabutan na kasi kami ng lockdown at hindi iyon maganda. Ayon sa balita ay may kumalat na virus sa bansa. Covid-19 yata 'yon. March na ngayon at graduating na sana ako! Sabi ng proof namin ay baka maging virtual na lang ang graduation. Kung sinuswerte nga naman, 'di ba?

"May swimming sana kami after ng recognition!"

"Sayang nga, eh. Bawal na tuloy akong gumala," urat na dagdag ko. Umupo ako sa ibabaw ng table niya at pinagmasdan siyang mag-calligraphy. "Sa tingin mo kaya makapupuslit tayo?"

Sandali siyang natigilan at nag-angat ng tingin. Sa ngisi pa lang ay halatang may kalokohan na naman siyang naisip.

"Pwede naman." Tumigil siya sa ginagawa at marahang inilagay ang dulo ng calligraphy pen sa sintido niya. "Kapag pumunta si Mama sa dermatologist niya," bumubingisngis na dagdag niya pa. Napaisip naman ako sa sinabi niya at mukhang may punto nga siya. Unti-unting nagliwanag ang mukha niya at ang akin nama'y umaliwalas.

"Malapit lang pala ang sa mall ang ospital!" nabubuhayang dagdag ko pa. "Napaka-bright mo talaga!"

"I know right," may kayabangang tugon niya. Muli niyang ibinaling ang atensiyon sa ginagawa kaya't napukol din doon ang atensiyon ko.

"Kanino ba 'yan?" nagtatakang tanong ko. "Siaxiara," basa ko sa nakasulat sa malinis na papel.

"Commissioned calligraphy 'to," nakangiting aniya nanag hindi man lang ako binabalingan ng tingin. "Try mo kayang magdigital art commission. Sayang naman kasi 'yung binili sa 'yong tab, 'di ba?"

"Kapag may time na," tipid kong tugon.

Nagtama ang paningin namin at bahagyang namilog ang mata ko dala ng gulat. "Gawan mo 'yung display picture ni Kian tapos i-send mo. 'Yun na ang start ng convo niyo, 'wag ka ngang bangag," sunud-sunod na aniya saka muling ibinalik ang tingin sa ginagawa.

Wala sa sariling lumundag ako pababa at kinuha ang tab mula sa kinalalagyan nito. "Nakita mo ba 'yung pen nito?" kunot-noong tanong ko matapos kong mapagtanto na nawawala iyon.

"Hiniram pala 'yon ni Rio," tugon niya.

"Ahh, si Rio, 'yung kapitbahay nating gusto mong maging kakapit kamay pang habangbuhay?" mapanuksong tanong ko. Kitang-kita ko kung paano siya natigilan at binalingan ako ng tingin.

"Oh? Namumula ka yata?" muli kong pang-aalaska. Ngumuso naman siya at saka tumayo. "K-kukunin ko muna."

"Good luck," natatawang sabi ko bago siya makalabas ng kwarto.

Natatawang napailing ako saka inilapag ang tab sa mesa. Kumuha ako ng isang upuan mula sa kusina at itinabi iyon sa upuan ni Marclette. Una kong tinignan ang functions ng tab at mukhang ayos pa naman ito. Ginamit ko muna ang daliri ko at nag-sketch doon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling for a ConstelloWhere stories live. Discover now