Chapter 17

1 2 0
                                    

Aziel POV

Days passed by at Martes na ngayon kahapon lang namin na ipasa ang project na ginawa namin nong nakaraang Week. Last week gumawa lng kami ng project namin medyo nag aasaran din minsan well except dun kay Vittoria at Zyair pero na pansin ko this passed few days iba ang kinikilos ni Zyair. At kung natatanong nyu kung saan kami gumagawa ng project ay doon na kami kina Jaylen dahil sa di ko alam na ka dahilanan dahil basta na lang hindi pumayag si Vittoria na sa bahay ulet nila kami gagawa.

Nag kakasundo na din kami minsan ni Vittoria kahit papano pero di parin wala sakin ang Inis sa kanya lalong lalo na pag sinasagot nya ako minsan ng pilosopong sagot at minsan din sa mga harsh words nya!

"hoy! Lutang ka nanaman" bigla akong hinampas ni Jaylen sa balikat na ikinabigla ko naman

"ano ba! Mag iisip 'yong tao eh!" reklamo ko sa kanya

"Asus iniisip mo lang si Vittoria eh" pangaasar ni Jayden

"taena umalis ka nga! Nakaka bad trip ka eh!" naasar ako bigla sa kanya!

"oh anyare sayu bat na Inis ka bigla, binibiro lang eh" natatawang saad ni jayden

"eh nakaka bad trip ka!" singhal ko sa kanya nasa field kami ngayon vacant kase namin

"yan! Nakaka bad trip kase 'yong pagmumukha mo!" natatawang sigaw naman ni Jaylen sa kapatid

"manahimik ka dyan tukmol!" sigaw naman pabalik ni jayden
Ayan nanaman po sila nag babangayan nanaman po ang dalawang kumag

"Pre parang na papansin kong iba ang kinikilos ni Zyair this passed few days" bulong ni Kenji sakin habang tinatanaw si Zyair na naka sandal sa ilalim ng puno at naka headset mukhang tulog ata

"na pansin mo din pala" akala ko ako lang ang naka pansin sa mga kakaibang kinikilos ni Zyair

"Oo nga pre nong nakaraang Biyernes nakita ko sya na kausap si Vittoria sa likuran ng lumang Building pre" nabigla pa ako ng naki bulong si Jaylen samin

Napakunot noo naman ako sa sinabi nya "saka parang nagtatalo sila" dagdag pa niya

"so anong pinagtatalohan nila?" nagtataka kong tanong

"ewan di ko kase na dinig pero makikita talaga sa reaksyon nila na ang tatlo sila" bulong ni jaylen

"bat ngayon mo lang sinabi?!" naiinis na saad ko nakaraang Biyernes pa pala siya may alam bat ngayon nya lang chinismis!

Eh bat ba na iinis ako?!!

"ha eh di ko naman alam na ganon ka pala ka excited malaman ang chismis ko" kamot batok na sagot ni Jaylen. Tch tanga talaga

"tch chismis na nga lang naiiambag mo di pa completo" singhal ni Jayden sa kanya

"kesa naman sayu kapangetan lang ambag mo!" singhal din ni Jaylen sa kanya at nag trashtalkan nanaman po sila

"ano kaya pinagusap nila?" tanong sakin ni kenji

"aba eh malay ko nandon ba ako?!" Inis Kong Saad sa kanya

"eh bat naiinis ka?" natatawang saad nya naman sakin. Tch tanongin ba naman ako! Kahit ako na cucurious din naman kaya naiinis ako dahil na cu-curious ako?! Ano bang pake alam ko kung nag usap ang dalawang yon o nag away tch!

"Pre I saw iris-" I cut Jayden off

"wala akong pake sa kanya" naiinis na saad ko saka tumayo

"hoy Pre san ka pupunta" dinig kong sigaw ni ni Kenji

"cafeteria lang" sigaw ko pabalik sa kanila saka nagpatuloy sa paglalakad

"Hi aziel"
"Omyghadd si Aziel!! "
"Ang bango bango nya talaga!"
"Sinabi mo pa! Abot dito ang bango nya! "
"Pero mas mabango parin si papa Zyair!"
"Ay true ka dyan mas gwapo pa pero ang sungit"

Naiirita ko silang binalingan ng tingin kaya nag siyukoan silang tatlo. Tch di ba nila alam na nakakainis ang ginagawa nila at di hamak na mas gwapo ako kay Zyair ano.

Ng makapasok ako sa cafeteria ay ramdam ko ang mga tinginan ng mga tao sakin. Tch see ganyan ako ka gwapo para lingonin nilang lahat! Nag order lamang ako ng makakain saka pupunta na sana ng usual table namin ng tawagin ako nila zarina

"oy Aziel! " kahit kelan ang laki talaga ng bunganga nito!
Lumapit ako sa table nila at na pansin kong busy sa pagkain si Vittoria and as usual wala na namang emosyon tsk

"bat ikaw lang asan sila papa Zyair?" simpleng tanong lang naman yon ni nica pero ewan naka ramdam akong inis pero sinagot ko parin sila ng maayos kahit sobrang naiinis na ako bakit ba Zyair sila ng Zyair!

"ah nagpa iwan sila" simpleng sagot ko na lamang

"oh eh wala kang kasamang kumain nyan" Saad naman ni sasha

"dito kana sumabay samin para di ka lonely tignan dun, para ka kasing binagsakan ng langit at lupa base dyan sa mukha mo" natatawa ng dagdag naman ni sol

"sus siguro broken ka noh kaya nag kaka ganyan ka" Saad naman ni nica

"no I'm not" peke akong ngumiti sa kanila

"oh sya sumabay kana samin" Saad ni sol

Tumingin naman ako kay Vittoria pero tsk kahit kelan wala talaga syang kwenta kahit lingonin lang ako di nya pa ma gawa! Eh teka bat ba ako nagagalit!!

"a-ah wag na" pagtanggi ko saka tatalikod na sana ng bigla akong hinawakan ni v-vittoria sa braso! I don't know kung anong nangyayari sakin pero ramdam kong may kuryente dumadaloy sakin! Nababaliw na ata ako kung ano ano na ang nararamdaman ko

"stay" Tch kahit kelan talaga wala syang kwenta! Ano ako aso para sabihan nya lang ng 'stay'

"wag na! mukhang na pipilitan ka lang" kunot noo kong saad sa kanya at akmang aalis na sana ako ng hinila nya ako paupo sa tabi nya!!

Ewan ko kung anong nangyayari sakin pero, para akong mahihimatay sa sobrang bilis ng kabog sa dibdib ko! Yawa ano bang nangyayari sakin!

"oyy bagay kayo" kinikilig na saad ni nics kahit kelan talaga Tong baklang to tch

"Oo ngano bagay na bagay sila HAHAHA" dagdag pa ni za

Di ko naman alam ang irereact ko dahil halohalo ang emosyon ko ngayon naiinis ako na nasasayahan tsk baliw na ata ako. Speechless parin akong yumuko at kumain

"Tch kumain na kayu" dinig kong saad ni Vittoria sa kanila

"Asus kunwari di kinilig Hahaha" pa habol pang pangaasar ni nica kay Vittoria kaya bumaling ako sa kaniya pero walang nag bago sa reaksyon nya naka poker face padin tch! Medyo na bigla pa ako ng Balingan nya din ako ng tingin

"kumain ka ng marami " walang emosyon nyang saad

"o-oo" na iilang akong sumagot saka nag patuloy sa pagkain

"hahaha naeenjoy akong panoorin kayo" natatawa ng Saad naman ni Sol tsh ano namang nakaka enjoy dito eh di ko na alam kung bat ako nag kaka ganito mukha akong tanga

"oy may care si lola nyu kay Aziel" Dinig kong pangaasar ni sasha
Kaya bumaling ulit ako kay Vittoria na nakatingin parin pala sakin kaya mas lalo akong na ilang! May dumi ba sa mukha ko?

"k-kumain k-kana" bat ba ako na uutal takte!

"I'm done, kumain ka ng marami mukha kana kasing stick man" walang emosyon nyang saad lahat ng di ma ipaliwanag kong nararamdaman kanina ay nag laho at napalitan ng inis! Minsan na ngalang magsalita wala pang kwenta! Maka panglait kala mo naman kagandahan!

Nag si tawanan lamang sila pero agad din humupa iyon dahil nag usap usap sila about don sa project na ipinasa kahapon kaya kahit medyo naiinis at na iilang na ako nakikinig na lamang ako at kumakain katabi sina Vittoria.

When He Became MineWhere stories live. Discover now