Chapter 6

7.9K 208 9
                                        

Sinabihan ko na lang si Lewis na mauna na siya sa company niya,at susunod lang ako dito.Umuwi muna ako saglit para kumuha ng ibang gamit sa Condo ko,buti na lang inihatid ang kotse ko sa bahay.

Nagsuot na lang ako ng pantalon at T-shirt,baka janitor lang din ibigay na trabaho ni Lewis sa akin sayang kung magpapaganda pa ako.

Sakay sa kotse,pumunta na ako sa kompanya ng Asawa ko ,eh sadyang Asawa ko na talaga.

Pinark ko muna sa ayos ang kotse ko bago papasok sa loob.Sobrang laki ng company,hindi naman bago sa akin dahil malaki din ang company ng Daddy at mga Kuya ko.

"Good morning po Kuya"-bati ko kay manong guard.

"Magandang Umaga Ma'am,may appointment po kayo?"-tanong nito sa akin

"Wala po eh,pero mag aaply po ako ng work"-saad ko dito.

"Ah sige po ma'am,wait lang tatawag lang ako sa taas"-sabi nito na umupo muna ako saglit.

"Ma'am wala daw po hiring ngayon"-mayamaya na sabi ni kuya guard.

"Puwedi po ba na tawagan niyo si Lewis Kingston pasabi na lang po na nandito na si Kelly Harrison"-nakikiusap na sabi ko dito.

Tinawagan ni manong guard si Lewis pero nagulat ako na wala daw itong kilalang Kelly Harrison.

"Ma'am kelly,hindi daw po kayo kilala"-magalang sabi sa akin ni kuya.

Tang ina niya hindi niya ako kilala,eh kagabi lang nga pinasok na niya ang kuweba ko!

"Manong sabihin mo kamo putang ina niya,at pasabi pag hindi niya pa ako papasukin at bigyan ng trabaho susunugin ko ang company niya!"-na high blood na ako, talaga namang susunugin ko ito.

Nakatulala si kuya guard sa akin.

Dali dali nitong tinawagan ulit si Lewis.

"Maam pasok na daw po kayo"-parang hinahapo si kuya guard.

"Maraming Salamat po"-nakangiti na sabi ko dito.

Nasa 11 floor daw ito,tumigil na ang elevator sa 11 floor,lumabas na ako.Pagkalabas ko lahat na sa akin ang mata, lumapit ako sa isang babaeng nakasalamin.

"Hi,nasaan ang office ni Lewis Kingston?"-mahinang sabi ko dito.

"May appointment po kayo?"-sabi agad nito.

"Wala eh pero sabi niya dito kasi ako magtatrabho "-baliwala na sabi ko dito.

"Miss ayan po ang secretary ni Sir Kingston,lapitan mo na lang siya"-

Lumapit ako sa secretary ,aba!tinaasan agad ako ng kilay!

"Yes?!"-mataray na bungad nito sa akin.

"Kailangan ko makausap si Lewis "-mataray na sabi ko dito.

Napanganga ito,well Lewis lang naman ang tawag ko sa Sir nila.

"Ikaw ba iyong nasa baba kay kuya guard?!"-mataray na tanong niya ulit sa akin.

"Oo putang ina mo kaya pasukin mo na ako"-nasasagad na talaga ako sa babaeng ito!

Ang ibang nagtatrabaho nakatingin na sa amin at napanganga ang mga ito dahil minura ko lang naman ang mukhang clown na secretary na ito.

Dali dali itong nag pindot sa telepono.

"Sir nandito na iyong Kelly Harrison ,iyong pinapasok ni kuya guard"-

"Pa-pasok kana daw"-nabubulol na sabi nito.Takot pala ito sa akin.Wala ng katok katok,pinihit ko na agad ang pinto.Nakita ko si Lewis na busy ito sa pagbabasa at pag pirma ng mga papel .

Nakasimangot ako tumingin dito,tiningnan niya rin ako.

"Napaka iskandalosa mo talaga"-saad nito sa akin at tumayo ito.

"Talaga!sabi ni kuya guard hindi mo ako kilala,kagabi mo lang pinasok ang kuweba ko nagka amnesia kana!"-mataray na sabi ko dito.

Nagulat lang ako na bigla nito akong hinalikan.Nanlalaki ang mga mata ko at natulala pa sa sinabi niya.

"Talaga namang wala akong kilalang Kelly Harrison baka Kelly Kingston meron pa"-nakangiti na saad nito at bumalik ulit sa kanyang mesa.

Stolen GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon