Chapter 1

17.3K 231 7
                                    

Isa akong bad Influence sa mga kaibigan ko pero okay lang sa kanila.Lahat ng kalokohan nasa akin na.

Well,ako lang dito mag isa nakatira sa Pilipinas.Ang mga parents ko at mga kapatid kong lalaki nasa America nakatira.

Ayaw ko doon tumira kasi hindi ako malaya, sobrang higpit ng mga kuya ko.

"Kelly,pakilala mo kami sa mga kuya mo"-saad ni Cassy sa akin.

"Huwag,nangangain iyon ng Mani"-na ikinahalakhak ng sobra ni Bea.

Si Bea hindi siya halatang Assassin' , sobrang ganda ni Bea parang napaka inosente tingnan pero huwag ka pumapatay lang naman ito ng tao este mga masasamang tao.

Si Ann naman kahit anak siya ng Senador napaka humble ito,at si Ann ang tipong seryoso at medyo may pagkapilya din at sobrang ganda din ni Ann,ang ganda ng tindig parang minsan napagkamalan pa na Assassin' ito,mas magaling pa yata si Ann bumaril kaysa kay Bea.

Si Jane well,mahirap lang siya pero mahal namin si Jane, sobrang bait nito at parang manika lang mukha alam mo iyong mukhang korean siya na mukhang Chinese,at inosente minsan sa lahat ng bagay.

Si Cassy,Reyna ng libre iyan.kilala ang Daddy ni Cassy PAgdating sa business world.At marami nagsasabi dati itong Assassin' na katulad ni Bea.Hindi rin mag papahuli sa ganda at sobrang puti ni Cassy.

Ako?Siyempre mas maganda ako sa lahat.

Pero lahat na iyon nag bago ang takbo ng buhay ko dahil sa kalokohan ko.Napabalita pa ako sa tv.

Ewan ko ba bakit nagawa kong sirain ang kasal ng nag iisang apo ng Bise Presidente ng Pilipinas na si,Lewis Kingston.

Isang Bilyonaryong sobrang guwapo,Sikat na negosyante na kahit sino binabangga nito even Cassy's Father na si Caden Salvacion.

Grabi talaga,hindi ko alam ang gagawin ko dahil alam ko pinaghahanap na ako ni Lewis.

Baka patayin niya ako,sino ba naman hindi magagalit sa akin kahit fans nila hinahanap din ako.

Isang sikat na Modelo ang magiging wife to be sana niya.

Jusmiyo marimar!Mayaman din kami pero hindi ako puwedi bumalik sa US baka papaluin ako ni Daddy pag nalaman na naman niya ang kalokohan na ginawa ko.

Kainis kaya si Daddy kahit dalaga na ako pinapalo ako ng hanger ,nagagalit naman si Mommy kasi nauubos na ni Daddy sirain sa puwet ko ang mga hanger.

Nakatira ako sa isang exclusive na condo unit.Binili ito ni Daddy sa akin dahil wala nga kaming bahay dito sa Pilipinas.

Natatakot ako pumasok sa School baka inaabangan ako doon ng mga tauhan ni Lewis.

Baka nga eh salvage ako,kailangan ko na talaga humingi ng tulong kay Bea total Assassin' naman siya at pulis pa.

Bahala na, hihingi na lang ako ng sorry, sasabihin ko na nag jojoke lang ako.Napangibit tuloy ako.

Bise Presidente pa naman lolo niya.Kainis talaga,hindi ako mapakali.

Itulog ko na lang ito baka paggising ko may amnesia na si Lewis,napahagikhik ako.

Stolen GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon