Chapter 20

7.8K 176 4
                                    

Dahil wala rin naman akong gagawin,pumasok pa rin ako sa trabaho total next week titigil na rin ako.

Binati ko muna si Kuya Guard tapos dumiretso na ako sa 11th floor.Pagkalabas ko ng Elevator dumaan muna ako sa comfort room para mag ayos ,papunta na ako sa table ko ng makasalubong ko si Lewis.

Hindi ko siya pinansin at hindi rin ako tumitingin dito.

PAgdating agad sa table ko nagsimula na ako nagtrabaho.Tama nga si Bea ,kung gusto kong maging masaya huwag ko hayaan kunin ang aking pagmamay-ari.Well,sa ngayon hayaan ko muna siya.

"Kelly may naghahanap sa iyo,si Rhenz Bright nandidito!"-kinikilig na sabi ni Kath.

Napangisi tuloy ako,paano kaya napilit ng dalawang iyon si Rhenz na sumakay sa plano namin.

"Sige papuntahin mo na lang dito sa table ko"-saad ko kay kath.

Nakita ko si Rhenz na papunta na dito sa akin,sino bang hindi maghuhumaling ang mga babae dito sa sobrang guwapo nito at sobrang ganda ng katawan, napakatangkad din nito.

Sobrang lapad ng ngiti ko dito na may dala itong bulaklak at chocolate.Agad itong umupo sa tabi ko na may isang bakanteng upuan.

"Bruha!bayaran mo iyang bulaklak at chocolate na binili ko, buwesit ang dalawang iyon nambablackmail na!"-bulong nito sa akin na talagang hindi ko mapigilan na humalakhak.

"Puwedi ka naman tumanggi eh"-natatawa kong Sabi.

Pero nakasimangot lang ito.

"Hiwalay na kayo ng Girlfriend mo?"-tanong ko dito.

"Oo buti nga hiwalay na kami ,hindi ko talaga kayang kumain ng mani"-tumawa na naman ulit ako dito.

"Hoy,ang asawa mo papunta na dito"-bulong sa akin ni Rhenz.

Tumayo mismo sa harap namin si Lewis.

"Do you know It's a working hours ?"-galit na sabi nito.

"At ang ayaw ko sa lahat nakikipag landian sa oras ng trabaho dito sa kompanya ko"-diin nasabi nito na nasa akin ang mga mata.

"Ah Kelly mamaya na pala kita lalandiin pag uwian na"-sagot naman ni Rhenz na hindi ko maiwasan na mapangiti.

"Wait pare,Asawa ko pa rin si Kelly,nasa showbiz ka pa naman baka magka issue na naman kayo ng asawa ko"-namumula na sa galit si Lewis ng humarap ito kay Rhenz .

Hindi sumagot si Rhenz bagkus ngumisi lamang ito at umalis na.

Hindi ko ito pinansin, tuloy lang ang ginagawa ko.

"Really!dito pa talaga sa loob ng kompanya ko?"-galit ito na bumaling sa akin.

Tiningnan ko ito.

"Anong problema doon?tuloy naman ang ginagawa ko ah,saka bakit ka ba galit?-taas kilay na tanong ko dito.

"Because you don't respect my company, everyone's here are working samantala ikaw may kausap na lalaki na hindi naman nagtatrabho dito!"-galit na sabi nito na halos lahat nasa amin na ang tingin.

"E di mag resign na ako,ay hindi pala hindi naman talaga ako regular employee so aalis na lang ako at tanggapin ang offer ni Rhenz na maging personal P.A niya at malay mo baka kunin pa akong model at ipareha sa kanya"-sabi ko dito at sabay palakpak ko pa.

Panay na naman ang hilot nito sa kanyang Sentido.

"Ipapalipat ko ang table mo sa loob ng office ko at doon kana magtatrabho"-sabay alis nito na ikinalaglag ng panga ko naman.

Stolen GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon