Chapter 30

7.6K 161 2
                                    

Hinatid na lang muna ako ni Zack pauwi sa bahay,dahil hindi na namin naabutan si Lewis ng  umalis ito.

PAgdating sa bahay hindi ako mapakali.Naiinis ako sa sarili ko.

Nagtext si Zack na kasama na nila si Lewis at ihatid na lang daw nila ito mamaya.

Nakatulog ako sa paghihintay sa kanya.Wala pa rin siya sa tabi ko.Dali dali akong bumaba,wala pa rin siya.Tiningnan ko ang cellphone ko may message galing kay Zack na sa Condo na daw ito hinatid.

Tinawagan ko ang cellphone ni Lewis pero ring lang ito ng ring.

Alam ko masama ang loob niya.

Bigla na lang tumunog ang cellphone ko.

Si Zack tumatawag.

"Hello?"-

"Kelly,aalis pala kami ngayong umaga papuntang US,nagising na daw si Drey"-

"Si Lewis?"-

"Kasama din namin,di ba pupunta Ka rin ng US? Sumabay kana sa amin"-

"Hindi puwedi kasi naka schedule na ang flight ko"-saad ko dito.

"Sige Mauna na lang kayo"-saad ko dito,kahit sobrang lungkot ko.

Nagpaalam na rin si Zack sa akin.

Bukas ng umaga naman ang Flight ko, siguro doon ko na siya kausapin.

Kinabukasan maaga akong gumayak ,hindi na ako masyado nagdala ng damit ko kasi marami akong damit  sa US.

Sa haba ng biyahe nakarating din ako,napapasuka talaga ako dahil sa pagod .Sinundo ako ng family driver namin na pinoy din siya.

PAgdating sa bahay nandoon sila Mommy at Daddy,wala sila kuya Klein at Kier dahil may business trip ito Sa Japan.

"Alam mo na ba ang gender ng baby mo?-tanong ni Mommy.

"Hindi pa po Mommy,next month pa po"-

Nagpaalam muna ako para magpahinga.

Namimiss ko na si Lewis.

Narinig ko may  kumatok at pumasok si Daddy.

"Kel?-

Tumingin ako dito.Daddy knows me better,alam niya kung masaya ako at kung malungkot.

"Dad?"-

"Nag usap kami ng Daddy ni Lewis,Anak why you reject the proposal of Lewis to marry you again?-

Hindi ako sumagot dito.

Hinawakan ni Daddy ang kamay ko.

"Huwag mo hayaan mawala ang taong mahal mo,huwag ka matakot sa mga anumang mangyayari sa relasyon ninyo dahil kasama na sa buhay ang lahat na pagsubok na mararanasan ninyo bilang mag-asawa"-nakangiti na saad ni Daddy.

"I trust him,nakikita ko sa kanya na aalagaan niya ang nag iisang prinsesa ko"-

"It takes time to build everything,your love and trust, take your relationship seriously baby, temporary lang ang buhay natin,sa huli ang pagsisisi"-niyakap ako ni Daddy at lumabas ito.

Tama si Daddy.

Agad ako nag email kay Lewis.

Tinawagan ko rin si Zack.At kinausap ko ito..

Kausapin ko rin sila Mommy Len at Daddy Louis.

Napag alaman ko rin na uuwi na ng pinas sila Jane at Drey.

Ako na mismo ang gagawa ng happy ending ko.

Ayoko pagsisihan na mawala sa buhay namin ng baby ko ang Aming Hari.

Na recieve ko ang chat ni Zack na diretso sa California si Drey for 3 days  para sa business deal nito.

Babalik na ako ng  Pilipinas bukas,doon ko na siya hihintayin.

Stolen GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon