1

306 13 24
                                    

Present Time

Yanyan’s Pov

“Attorney De Jesus, may bago tayong case today and sayo daw i aassign ng heads.” Rinig kong sabi ni Gav, my co-attorney slash new found friend.

“Sakin nanaman. Wala ba silang ibang attorney na makuha?” Nakasimangot kong sabi. Kingina kasi, ako nalang lagi ang na aassign. May galit ba sakin yung may ari?

“Wala na daw kasing mas gagaling pa sayo kaya ikaw ang favorite.” Sabi niya sabay kindat. Gago talaga.

“Ulol, nambola ka pang gago ka.” Inis na sabi ko sa kaniya.

"It's my pleasure to receive such profanities like that, attorney." Pang aasar niya pa kaya pinakyuhan ko nalang, tangina. “Pano kaya pag nalaman ng mga kliyente mo na ganyan ka behind those serious-act face mo? Ano kayang reaksyon nila?” natatawang sabi niya.

“Stop pestering me Gav! You have tons of works to do! Yun ang pagtuunan mo ng pansin, wag ako.” Inis na bulyaw ko sa kaniya. Tumawa lang si tanga.

“Init ng ulo, kulang ka ba sa dilig?” natatawang asar niya pa. Inis na binato ko nalang siya ng kung anong nadampot ko sa table.

“Putangina ka talaga. Lumayas ka sa harap ko.” Sinamaan ko pa siya ng tingin para maramdaman niya yung inis ko. “Ay sorry na attorney, nalimutan ko na iniwan ka pala ng bestfriend at boyfriend mo.” Humalakhak pa si gago.

“Personal foul ka na ha! Gagong to. Lumabas ka na nga!” sigaw ko sa kaniya. Nag peace sign lang si gago saka lumabas na.

It was 3 years ago when I met Gav. Bago lang siya dito noong mga panahong yon and I was in my internship. Isang taon palang ako sa Law firm na pinapasukan ko ngayon to be exact.

I was reminiscing the time when I met Gav when someone entered the room.

“Stop overworking yourself Yanyan.” Napaangat ako ng tingin ng marinig ang boses na yon.

“Josh.” Banggit ko sa pangalan niya.

“Vince sent me here. Pinadalahan ka niya ng pagkain dahil alam niyang hindi ka pa nakain.” Naiiling na sabi niya saka nilapag ang isang paper bag.

“Pasabi kay Vince thank you. Busy lang talaga ako.” Sabi ko saka kinuha yung paper bag.

“Busy? Talaga? Ako pa niloko mo ulol.” Singhal niya sakin. Gago den.

“Busy naman talaga ako. May bago akong case na I hahandle this week. Hassle pero keri lang.” reklamo ko bago sinimulang kainin yung pagkain na pinabigay ni Vince.

“Ang sabihin mo, ginawa mo lang busy yung sarili mo dahil kay---” hindi niya na naituloy ang sasabihin niya ng bigla ko siya pigilan.

“Tangina, papaalala pa. Kinalimutan ko na nga.” Inis na sabi ko habang kinakain yung pasta. Sarap talaga magluto ng bff ko, sana all.

“Ay sorry pasmado. Anyways, kita kita nalang tayo sa sabado? Walang mang iindian! Bawal ghoster dito sa tropahang to!” muntik na kong mabilaukan sa sinabi niya. Bawal daw ghoster, pero yung bestfriend mo ghinost ako.

“Oo nga! Di ako mawawala sa kasal niyo ni Vince promise. Clear ang schedule ko non.” Tinaas ko pa yung kanang kamay ko para lang maniwala siya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

“Kahit makita mo don si ano? Sure ka?” tanong niya kaya natigilan ako.

“Nandon?” wala sa sariling tanong ko kaya tumango siya. “Ayos lang, may kadate naman ako sa Saturday.” Sabi ko na ikinagulat niya.

Ikaw | R-16 |Where stories live. Discover now