9

127 9 16
                                    

A/N: Not Proof read, expect typos.

Third Person's Pov

"Are you sure about this Seph?" Alex asked.

"Yes. They need to Alex. Matagal niya ng niloloko si Mom. Hindi ko na masikmura yung nga katarantaduhang ginagawa niya." Galit na sabi ni Seph.

"Sinong attorney ang kinuha niyo? May attorney na ba si tita?" Tanong ni Gabriel.

"Meron na. Yung co-worker ni Yanyan." Mahinang sabi ni Seph na ikinagulat ng dalawa.

"Wait, Yanyan? You mean yung childhood friend mo?!" Gulat na sabi ni Alex.

"Yeah. Nakita ko na siya ulit. Nung kasal pa ni Josh, actually." Seph answered.

"Oh my god. Anong ginawa mo? Kinausap mo na ba siya? Did you explain everything na ba? Ha? Seph? Anong sabi niya? Did you two manage to make up?" Sunod sunod na tanong ni Alex.

"Baby, calm down. Isa isa lang ang tanong. Isa lang si Seph oh." Gabriel said kaya napailing nalang si Seph.

"Wala. Hindi ko pa siya nakakausap. I didn't have the chance to explain to him." Sagot ni Seph sa mga tanong ng kaibigan.

"Eh kailan mo balak sabihin yung reasons mo?" Tanong ni Alex.

"Ewan ko. Nahanap pa ko ng tamang timing. Magulo pa sa ngayon."

"Hay nako pare. Kailan mo sasabihin? Kapag huli na ang lahat? 8 years kamo kayong hindi nag usap, walang communication. Don't you think it's enough time? Papayag naman siguro siyang mag explain ka, kahit yun man lang ibigay mo na." Sabi ni Gabriel. Napaisip din si Seph sa sinabi ng kaibigan niya ngunit mas nananaig sa kaniya na wag muna sa ngayon. Maybe next time kapag maayos na yung sitwasyon niya. Kapag maayos na lahat ng gulo.

"Wag muna." Sagot ni Seph. "Nung nandon nga ako sa kanila hindi nga niya ko pinapansin e. Ang kinakausap lang niya e si mom at saka yung Gavin ba yon. Ewan ko." Medyo inis na sabi niya na ikinailing nalang nung dalawa.

Sasagot pa sana si Alex ng biglang mag ring ang telepono sa desk niya.

"Sagutin ko muna to." Paalam ni Alex. Ilang segundo lang siyang nakipag usap bago niya ibinaba ang telepono.

Napabuntong hininga nalang siya bago nagpaalam sa dalawa. "Emergency operation. OR 5 daw." Sabi niya sa dalawa kaya napailing nalang silang tatlo.

Agad na nanakbo ang tatlo papunta sa elevator at saka pinindot ang 5th floor button.

"Bihira lang mangyari na papasok tayong tatlo sa iisang operating room. Pangatlong beses palang yata to." Gabriel said.

"Pang apat na. The first one is 2 years ago. The second is when we are in Cali and yung third dito din. Tapos pang apat na tong ngayon." Pagtatama ni Alex kaya napatango nalang si Gabriel dahil wala na siyang magagawa. Asawa niya na yung nagsalita kaya wala ng arguments na magaganap. Depende siguro kung si Seph yon.

Nang makalabas sa elevator ay kaagad silang nag handa para sa operasyon. Nang maisuot na ang scrub suit at gloves ay agad silang pumasok sa loob.

"What happened to the patient?" Tanong ni Seph dahil napansin niya na 6 professional doctors ang nasa loob, kasama na sila sa bilang.

"Head injury Doc. There is a massive bleeding at the back of the skull. Approximately, nagstart yung pagdurugo 50 minutes ago." Sagot ng isang nurse.

Tumango na lamang sila at saka sinimulan ang pag oopera.

It was a successful operation na nagtagal ng halos limang oras.

Sabay sabay na lumabas ang tatlo sa OR at saka dumiretso sa canteen ng ospital para kumain.

"Grabehan mga pasyente ngayon. Puro accidents yung mga sinusugod sa E.R." pagkekwento ni Alex matapos maupo.

"Kaya nga eh. Maya't maya tawag sa department namin." Pag sang ayon ni Gabriel.

"Mahaba habang report to pagtapos ng buwan." Naiiling na sabi ni Seph.

"Sino ba naman kasing may sabing mag doctor tayo?" Pangengwestiyon ni Gabriel.

"Sarili ko." Sabay na sagot ni Alex at Seph.

"Wow. Kailangan sabay? Ganon ba talaga kapag magka--" hindi pa natatapos ni Gabriel ang sasabihin ng biglang tumunog ang speaker sa cafeteria.

"Paging Doctor Alex Huang. Please proceed to OR 3 for an emergency surgery. Paging Doctor Alex Huang. Please proceed to OR 3 for an emergency surgery." Malakas na sabi ng announcer sa speaker kaya agad na tumayo si Alex at walang ano pa ay tumakbo patungong elevator.

"Kakalabas lang natin ng OR tapos babalik nanaman si Alex. Grabe, iba talaga kapag high demand doctor." Naiiling na sabi ni Seph.

"Pagod nanaman yon pag uwi." Sabi ni Gabriel habang nakatingin sa tumatakbong pigira ng kaniyang asawa.

"Nakakapagod naman talaga trabaho natin pre. Kung ako din yon, pipiliin ko pang matulog pagdating sa bahay." Seph said as a matter of fact.

"Hay nako. Bilisan nalang natin kumain. Baka mamaya hinahanap na tayo sa department, masabihan ka pa na pabayang department head." Natatawang sabi ni Gabriel kay Seph.

Nang matapos kumain ang dalawa ay agad din silang bumalik ng departamento kung saan sila naka assign. Pagpasok pa lamang ay kabilaang mga pasyente ang makikita.

To sum it all up, pagod at sakit ng katawan ang nakuha nila sa 12 hours na duty nila sa ospital. Buti na lamang ay day off si Seph kinabukasan kaya wala siyang problema kung ma over sleep siya.

Kinabukasan, nagising si Seph bandang ala una ng hapon. They were supposed to meet Attorney Gavin but he forgot dahil sobrang pagod niya sa duty kahapon. Ang ginawa niya ay tinawagan niya nalang ang kaniyang ina at tinanong kung anong balita sa napag meetingan nila ng Attorney at humingi ng pasensya dahil hindi niya nasamahan ang kaniyang ina. Sinabi naman nito na sinamahan siya ni Alex kaya ayos lang. Naroon din naman daw si Yanyan kaya lalong naging madali ang lahat para sa kaniyang ina.

Seph just said na babawi nalang siya dahil hindi talaga kinaya ng katawan niya. Ilang araw na siyang puyat at pagod, ngayong araw lang ang day off niya kaya sinulit niya na ang tulog dahil pagpasok niya kinabukasan ay sigurado siyang pagod at puyat nanaman ang kahaharapin niya.

Matapos makipag usap sa kaniyang ina ay agad ding naligo at nagbihis si Seph para umuwi sa kanilang bahay.

Makalipas ang trenta minutos, agad din naman umalis si Seph at nagtungo sa village kung saan naroon ang family house nila.

Pagdating niya roon ay naabutan niya ang kaniyang ina kasama ang kaniyang kaibigan na si Alex.

"Oh, you're here na. Kanina pa kita inaantay e." Alex said as soon as he saw Seph entered the door through the living room.

"Kakagising ko lang. Tinawagan ko si mom tapos dumiretso na ko dito." Sagot ni Seph kaya napatango nalang ang isa.

"Kumain ka na ba? May pagkain dyan. Nagluto si tita." Sabi ni Alex dahil sa tingin niya ay hindi pa nakain si Seph dahil nga dumiretso ito sa bahay nila.

"Hindi pa. Plano ko nga dito nalang kumain." Seph answered.

"Kumain ka na don. I'll wait for you here then after that we could discuss about the meeting kanina."

"Sige." Sagot nito. "Teka, ikaw ba, kumain na?" Tanong niya, tumango naman si Alex kaya nagpunta na lamang si Seph sa kusina para kumain.

Pagpasok niya don ay naabutan niya ang kaniyang ina na nagluluto kaya agad niya itong binati.

"Mom." Pagtawag niya. Agad namang lumingon ang kaniyang ina kaya lumapit si Seph at nagbeso.

"Kumain ka na ba? Sandali at ipaghahain kita." Sabi ng kaniyang ina ngunit agad naman umiling si Seph.

"Ako nalang po mom. Tuloy niyo nalang po yang ginagawa niyo." Sagot ni Seph.

Matapos non ay agad din namang kumuha ng pagkain si Seph at saka dali daling inubos dahil may pag uusapan pa sila ni Alex tungkol sa napag meetingan nila kanina noong wala siya.

________

🍟


Ikaw | R-16 |Where stories live. Discover now