3

167 10 14
                                    

Short ud. Daming gawain, siningit ko lang tong ud ko today.

Also, not proofread. Sorry sa typo, di po tayo perfect.

Thanks. Bye.

__________

Yanyan's POV

It was already 8:45 ng matapos kaming kumain. Matapos non ay nagpunta kaming tatlo sa sala para mag catch up. Joke lang yung sa catch up kasi alam ko chismis lang ang habol nila sakin.

"Hindi mo na talaga na contact si Nash?" Tanong ni Vince habang nakasandal sa balikat ng fiancé niya. What the fuck naman to, sa harap ko pa talaga.

"Hindi na. Wala na rin akong pakielam sa kaniya. Bahala siya sa buhay niya." Inis na sabi ko.

Ano pa bang kailangan kong habulin dun sa tao? Closure? No way. Hindi ako santo. Siya yung nang iwan, hindi ako kaya bahala siya. Parehong pareho sila ni ano.

"Sabagay. Wag mo na ngang contact-in. Tutal naman isa siyang gago at iniwan ka nalang bigla. Parang si Seph lang amp." Naiiling na sabi niya.

"Tangina naman nito. Ang usapan catch up lang! Bat nag bring up ng past? Ano ka si Gavin?!" Sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa silang dalawa. "Wag kang tumawa Josh! Dahil lahat nalang ng kaibigan mo iniiwanan ako." Inis na sabi ko.

Well totoo naman. Seph and Nash are his friends. Parehas nila akong iniwanan. Ang pagkakaiba lang, mas nasaktan pa ko nung iniwanan ako ng bestfriend ko kaysa nung iniwanan ako ng boyfriend ko. The fuck the attachment i've build in those peoples.

"It's not your fault tho, gago sila kaya siguro nila ako iniwan ng walang pasabi. Sana man lang sinabihan nila ako na 'yanyan tangina mo aalis na ko ha? Di na ko babalik kaya wag kang umasa' yung mga ganon ba! Eh kaso hindi amp. Basta nalang silang lumayas." Pag ra rant ko sa kanilang dalawa.

Yung dapat na kwentuhan namin ay nauwi sa inuman session.

"Ang idinayo ko talaga dito sa unit niyo e yung suit na gagamitin ko sa sabado hindi alak." Natatawang sabi ko. Napailing naman silang dalawa sa sinabi ko.

"Hindi pala alak, e bakit nakakalimang bote ka na ng beer?" Taas kilay na tanong ni Vince sakin.

"Gusto ko e. Bakit ba?" Nakasimangot na sabi ko.

"Bangayan ng bangayan tapos di naman kaya na wala ang isa't isa." Josh said as a matter of fact.

Agad namang tumahimik ang paligid ng sinabi iyon ni Josh. It wasn't an awkward silence but more on a comfortable one. It only lasted for a minute when Josh spoke again.

"Serious question." Biglang sabi niya kaya agad kaming napalingon sa kaniya. "What will you do if you met him sa sabado?" He asked while looking at me.

"Ha? Sino?" Tanong ko dahil hindi ko sigurado kung si Seph ba o si Nash ang tinutukoy niya.

"Si Seph." He said seriously.

"Ah." Tumatangong sabi ko. "Wala. I'll just enjoy the day i guess?" Hindi siguradong sabi ko. Dahil totoo naman na hindi ako sigurado. Ni hindi ko nga alam kung handa ba akong makita siya.

"If you're uncomfortable to see him, i'll just tell him na wag pumunta." He said, half smiling.

"No. Don't do that. That's your wedding Josh. And you're his friend. Wag mo kong isipin." I immediately said. "Kasal niyo yon and i'm just a guest. Don't worry about me ok?" Pahabol ko.

"You sure?" Tanong nila sakin pareho. There's a hint of worry in their tone.

"Yup! A hundred percent sure." I smiled and nodded.

Ikaw | R-16 |Where stories live. Discover now