04|Ayoko- Ayokong Marinig-
Bagsak ang parehas na balikat, pati na rin ang mga matang walang tigil sa pagluha.. mula rito ay tanaw at rinig ko ang kanilang pinaguusapan..
"Ayoko.." pagod na pagod kong bulong sa sarili..
"Tahan na, maghunos-dili ka. Hindi lang sya ang natitirang kaya mong mahalin sa buhay mo.."
Pilit kong tinakpan ang parehas kong tenga at pilit nagbulagbulagan sa katotohanan.. "Ayoko.."
"Rinig na rinig mo na siya.. Ginamit ka lang niya. Ginusto nya lang ang pakiramdam na mahalin ngunit hindi ka nya kailanman minaha-"
"T'ngina! Ayoko... Ayokong marinig.."