09

18 1 0
                                    

09|Pagkasawi

A/N: This is kinda related with "Pagkalulong"






"Iiwan mo rin ba ako? Kami?"
"Gagawin mo rin ba ang ginawa niya?"
"Sa tingin mo maitatama ang pagkakamali sa isa pang pagkakamali?"

Naririndi ako sa mga boses na pilit sumisiksik sa walang kamuang muang kong tenga.

"Ayos ka lang ba binibini?"

Pinahid ko ang aking luha nang mapansing tumabi na pala sa 'kin ang isang estrangherong lalake.

"Nakikita mo ba ang gulo sa banda roon?" tanong ko sa estrangherong aking katabi.

Luminga naman siya sa aking itinuro at tumango tango.

"Tanga siya masyado para magpakamatay. Mahina ang kanyang loob at hindi lumaban. Lumaban pero para sa ibang tao. Paano ang mga nagmamahal sakanya? Hindi rin ba sila karapat dapat upang ipaglaban? " hindi nakasagot ang aking katabi.

"Nasa punto na rin ako ng aking buhay dati na gawin ang kanyang ginawa pero.. Bago ko magawa 'yon ay inunahan ako ng isa ko ring matalik na kaibigan. Doon.. doon ko napagtantong maling mali ang aking tinangka. Sa mga sandaling 'yon ay nakaramdam ako ng labis na hinanakit. Pilit tinanong ang sarili kung nagkulang ba ako? Hindi ko ba naiparamdam sa kanyang hindi siya nagiisa kaya nagawa niya 'yon? Magulo.. labis na magulo. Dahil ako ang unang nagtangkang gawin 'yon"

Hindi napigilang ng aking sarili ang mapa hagulgol.

"Ang sabi ko sa aking sarili ay hinding hindi ko na muling gagawin 'yon. Tama nga sila.. hindi maaring maitama ang pagkakamali sa isa pang pagkakamali."huminahon ang aking boses..

Tumingin ang estrangherong sa 'kin na tila ba'y ako'y nasisiraan ng ulo..

"Magulo hindi ba? Pero sa bawat gulo ng aking sinabi at isinalaysay ay bawat pagsubok na iyong mararanasan sa 'yong buhay ay.. pagtatagpiin ito.."









ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon