06|Magulo
"Labis ko silang kinamumuhian sa kanilang nagawa sa 'kin, gusto ko.. gusto kong gumanti pero.. bakit ganoon? hindi ko magawa.. mayroon sa 'king naawa at iniisip ang dati naming pinagsamahan"
"Bakit sa t'wing gagawin ko na ay.. napupuno ako ng takot?"
"Dahil ba ay sinisisi ko ang aking sarili higit sakanila?"
"Alam ko, alam ko sa sarili kong hindi ako nagkulang, nagpakatotoo ako sa mga munting panahon na sila ay nakasama.. pero bakit? parang suntok sa buwan para sa'kin na ni minsan pala ay hindi nila ako nakita at tinuring ng katulad nang aking naiparamdam sakanila?"
"Gusto kong maging makasarili at ipalasap rin ang nararapat para sakanila.."
saglit akong natawa..
"Gusto ko pero parang ayaw ng puso ko." natahimik ako saglit.. "Ang gulo, o sadyang ako lang ang magulo?"