08

21 4 1
                                    

08|Pagkalulong








"t'ngina! lulong kana dyan sa bisyo mo!"

Mga mata'y piring, mga labing takot ibuka. Takot sa kahit na ano.

"Kung hindi ka naawa sa sarili mo, maawa ka para sa'kin utang na loob!"

Nagpupumiglas ako..

'naawa ako sa aking sarili pero.. hanggang dito na lamang siguro ako' aking naibulong sa sarili.

Natigilan ako nang unti unti kong marinig ang iyak ng aking kaibigan..

Nanghihina ako pero mas lalo akong nanghina dahil doon sa nilikha nyang ingay..

"Tama na.. hindi pa ba ako sapat upang magkaroon ka ng interest na mabuhay? Kaibigan mo ako.. Pero bakit pinararamdan mong magisa ka lang? Makasarili ka. Hindi porke tinalikuran ka ng lahat ay tatalikuran mo na rin ang mga nagmamahal sa'yo. Masyado kang duwag. Duwag ka sa maraming bagay, mahina ka. Pero meron kang 'ako'. Pero naisip mo manlang ba ako?" lumuluhang sambit niya.

Natigilan ako saglit at tumitig sa nagmamakaawa nyang titig.. Unti unti akong humakbang.. Humakbang patungong kawalan.

'Meron akong 'ikaw' at malaking pasalamat ko 'yon, pero hindi mo maaring madiktahan ang maaring mangyari.. Iniisip ko ang iyong mararamdaman pero pagod na ako.. Gusto ko rin munang piliin ang sarili sa pinaka unang beses.. Patawad. ' aking naisambit bago marinig ang malakas na hiyaw magmula sa aking natitirang pamilya.. ang nagiisang kaibigan na natira sa akin.










ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon