2-Confused

6 2 0
                                    

MAY 16, 2010

ZGYMUNT MADDEN's POV

Nagising ako sa sinag ng araw. Puro puti ang nakikita ko. Nasaan ako? 

"Aray"- ang sakit ng katawan ko, napapadaing na lang ako. 

"Gising kana pala"-sabi ng lalaki na nasa loob ng kwarto. Kilala ko siya pero diko matandaan saan. 

"You're here at my hospital. I saw you inside your house, may tama ka ng baril. Fortunately, naagapan yung mga sugat mo. Pero nasunog ang kalahati sa kaliwang binti mo kaya dimo pa ito maigagalaw ng maayos. It's been 2 days after that night. I advice you to take a good rest before we settle everything."- paliwanag nito. 

Parang unti-unting bumabalik sa akin lahat ng alaala mula sa gabing yun. 

"Si nanay, tatay, a-ang mga kapatid ko" - utal kong tanong sa kausap kong lalaki, Siguro nasa middle 30's na siya. Maputi, matipuno. Nakasuot siya ng asul na t-shirt at black pants. 

"Pasensya na iho, nasa morgue na ang mga katawan ng family mo. Wala na sila, sorry." Sabi pa niya. Teka, si nanay. 

"Yung nanay ko po nakita ko siyang kinuha ng isang lalaking may suot na mask at sumbrero. Hawak niya ang nanay ko." -naiiyak kong sabi dito. Nagtataka naman niya akong tinignan na para bang naguguluhan. 

"Iho, nakita namin ang katawan ng nanay mo sa banyo. Pero sunog na ang buong katawan niya at hindi na makilala ang mukha. Nakita namin ito sakanya."- Inabot niya sa akin ang isang kwintas na may flower pendant. Kay nanay nga ito, mahilig siya sa bulaklak. Bigay pa ito ng tatay ko sakanya. Pero imposible, nakita ko talaga siya. 

"Pero binaril po ang pamilya ko. Nakita ko kung sino ang bumaril. Imposibleng namatay ang nanay ko. Kitang-kita ko siyang binubuhat ng isang lalaki palabas ng bahay."-umiiyak na ako. Naguguluhan na ako. Paano nangyare yun? Diyos ko po. 

"Iyon na nga sana ang gusto kong itanong sayo, may kakilala ka bang kalaban o nakaaway ng pamilya niyo? Nakarinig kami ng apat na putok ng baril ng gabing iyon bago pa kita makausap sa labas. Pero ang nanay mo, sinaksak siya at yun ang kinamatay niya. "

Mas lalo akong naguluhan. Saksak? Kalaban? Walang kaaway ang pamilya namin. Sino ang walang puso ang may gawa nito sa amin? Hindi ko na sinagot ang tanong ng lalaking tumulong sa akin. Umiiyak lang ako habang patuloy pa ding iniisip kung sino ang pwedeng gumawa nito. Wala kaming nautangan, walang kaaway ang itay, mabait at matulungin ang pamilya ko kaya bakit ito ginawa sa amin? Diyos ko, bakit kami pa?

Lumipas ang ilang linggo. Tapos na ang libing sa pamilya ko. Tinulungan ako ni Kaiden para mabigyan sila ng maayos na burol. Siya yung tumulong sa akin sa hospital. Maraming kapitbahay ang nagtatanong sa akin kung anong nangyare ngunit hindi ko ito masagot. Sinabihan ako ni Kaiden na handa niya akong ampunin at sabay naming hahanapin kung sino ang gumawa nito sa pamilya ko pero hindi ko ito tinanggap. Nahihiya ako sakanya. Ang dami na niyang naitulong sa akin. 

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa loob 7/11. Nag-iisip kung sino ang pwedeng gumawa nito sa amin, Nagtanong-tanong ako sa mga relatives namin kung may alam ba silang naging kaaway nila tatay at hindi napagkasunduan pero wala naman daw. Tinanong na din ako ng mga pulis tungkol dito dahil napag-alaman kong pulis pala si Kaiden Kaiden Zachary ang kumpletong pangalan niya. Pero wala akong maisagot bukod doon sa lalaking nakita ko. 

Biglang namatay ang ilaw. Teka, wala akong makita. Kinuha ko ang cellphone ko at in-on ang ilaw nito. Ang naka-duty naman dito sa 7/11 ay hinahanap ang kanilang solar para may ilaw din kahit papaano sa loob. 

Habang patuloy kong hinihigop ang sabaw mula sa cup noodles ko ay may nakita akong lalaki sa di kalayuan. 

Nakasuot ito ng itim na sumbero at itim na mask. Itim na damit, black boots at black pants. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yun. Siya yung pumasok sa bahay namin. Tinititigan niya lang ako. Maya-maya ay binunot niya ang baril niya. 

Naninigas lang ako sa kinatatayuan ko habang itinututok niya ito sa akin. Isa lang ang naiisip ko. After this, makikita ko na muli sila tatay at ang mga kapatid ko. Hahayaan ko nalang na patayin niya ako. 

"Bang! Bang!" 

In un 'altra vitaWhere stories live. Discover now