Chapter 2 ' Ready for the concert

97 55 0
                                    

Sakiana

Kina umagahan ay hinanda ko na agad ang mga dadalhin namin ni wencia for the concert. Grabe excited na excited na akong makita si hanibanch ko.

For the first time ba naman na makikita ko ang hanibanch, sugar plum, puto bumbum, sapin sapin ,tikoy.

Teka parang umaalog ang sahig.

Baka nag ha hallucinate lang ako. Misan kase ganto ako eh. Iba iba kase ang na iimagine ko para tuloy akong ewan.

♪☆\(^0^\) ♪(/^-^)/☆

Grabe ito na yata ang pinaka masayang araw ko sa buong buhay ko.
Umalis nga pala sina wencia. Mag iikot ikot raw muna sila ng boyfriend niyang si Enstons.

Oh diba naging third wheel talaga ako. Pero okay lang para naman to sa mga pinakamamahal kong boy band.

Tiis tiis lang sakiana magkaka jowa karin ng isang afamers.

*******

Naligo na ako pagkatapos ay nagluto muna ako ng makakain.

Omelette and Bacon with sinangag.

Tutal naman ako lang mag isa rito ngayon lulubos lubosin ko na. Mamaya pa Naman uuwi sina encia.

Umupo ako sa salas at binuksan ang TV. Habang hawak hawak ang tray ng pagkain na niluto ko.

Breaking news!

Isang paglindol ang naganap kaninang ala singko ng umaga at inaasahang may magaganap pa. Kaya naman maging alerto ang lahat at tumutok lamang sa aming karagdagang balita.

Inilipat*/

Ano ba naman iyan. Puro nalang balita ang napapanood rito.

Umagang umaga kase ay puro pag lindol na lamang ang napapanood sa TV. Wala manlang bang ibang mapapanood.

Pagkatapos kong kumain ay agad na pumasok ako sa room ko. Nakakaboring din pala rito noh, pero mamaya panigurado ay hindi na ako ma boboring. Binuksan ko ang bintana.

Malamig ang simoy ng hangin at parang masama yata ang panahon ngayon. Pero bawal ma cancel ang concert nila. Hindi ako papayag na hindi iyon matuloy.

May groupo ng mga ibon ang dumaan
galing sa kanlurang bahagi papunta sa Timog.  at para bang nag si si likas.

Ano naman kayang nagyayari sa kanila. Bakit parang nag si si likas ang mga ibon.

Kring! Kring! Kring!

Narinig kong tumutunog ang phone ko kaya naman agad na nilapitan ko ito at sinagot.

Si wencia pala.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay inunahan na ako nito.

"Hello sakii!!!" nailayo ko ang phone ko sa tenga ko.

Grabe talaga tong si encia napakalakas ng boses. Parang microphone ang bunganga.

"Eyyy. Ang sakit sa tenga ng boses mo encia" singhal ko rito

"Sorry sakii. Hin------h----ll-----"

Ano raw?

Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya. Putol purol kase. Nawalan yata ng signal.

"Hello wencia?"

Toottt... Totttt... Tottt..

Bigla na lamang naputol ang tawag.

Isang ingay naman ang narinig ko mula sa labas ng hotel.

Iniisip ko parin kong ano ang ibig sabihin ni encia. Agad na nagpalit ako ng damit at nag suot ng jacket na suot ko kagabi. para tingnan kong anong pinagkaka gulohan sa labas ng hotel.

Napakaraming tao ang naroon nagiipon ipon na para bang may pag pupulong.

Nakisingit ako sa mga taong naroon. Ano bang pinaguusapan nila at nagkakagulo sila rito.

Hindi ko masyado marinig kong ano ang sinasabi. Dahil narin sa napakaingay na mga taong naroroon. Hindi kase maawat ang iba at nakikipag talo pa.

Lumayo ako para muling tawagan sina Wencia.

Pero hindi ito sumasagot. Nasan na ba kase sina wencia.

Jusmeyu marimar naman.

Napakaraming ambulance rin ang dumaraan. Ano ba talagang nagyari?

Maya maya pa.

Teka ano iyon?

Gumagalaw nanaman ang inaapakan ko.

Palakas ng palakas.

Ychv! jfhe! hdiob! lvkdd! cjbi!

Fuuv! hfheu! bkbjei! fgkbobk!

Dyfj jdgi! Ugijvfsr! Yfjfjeifvi!

Sigawan ng tao ang namutawi sabuong paligid. Nagulat na lamang ako ng makitang pabagsak na ang hotel na tinutuluyan namin.

"Tabii!" isang manong ang humila sa akin.

BLAGGGG!

Muntik na pala akong mabagsakan ng malaking biyak ng simento na bumagsak sa kinatatayuan ko kanina.

Mabuti na lamang at tinulongan ako ni manong. Nagpasalamat ako rito. Dahil kung hindi niya ako nailigtas ay baka sa malamang ay wala na ako ngayon.

Patuloy parin sa pag yanig ang buong paligid. Agad na lumayo ako sa mga nag babagsakang gusali na mula sa itaas ng building.

Sa mga oras na ito ay para akong natulala at nawala sa wisyo.
Kinakabahana ko sa mga posibleng mangyari at mangyayari pa.

Napakaraming nag sisigawan sa bawat pag yanig.

Isang matandang babae ang bigla na lamang nawalan ng malay. Lalapitan ko sana ito kaso ay pinigilan ako ni manong. Mabuti na lamang at may tumulong rito na isang pulis.

Pawisan na ako at sobrang kabado. Hindi ko mapigilang maluha sa mga nakikita ko. Gusto kong tumulong pero kagay ng mga taong nakikita ko ay para bang na stuck ako sa kina uupuan ko ngayon. Wala akong lakas na tumayo at tumulong.

Gustohin ko man pero hindi ko talaga kaya. Wala akong magawa kundi ang umiyak na lamang habang nakamasid sa mga taong nasa piligro.

Unti unti ng gumuho ang building at ang tanging sigaw na lamang ng mga tao ang siyang maririnig.

Hindi ko alam kong kailan matatapos ang kagulohang ito. Na sana ay hindi na maulit pa.

Naalala ko sina wencia. Sana ay okay lang sila. Sana ay nasa mabuti silang kalagayan ngayon. Kung nasaan man sila ngayon ni Enstons sa maayos sila. Kung bakit naman kase ay umalis pa sila ngayong araw.

Ako ang nag aalala sa kanilang dalawa lalo na sa mga nagaganap ngayon, napapadasal na lang ako habang naka
Tingala sa kalangitan. Makulimlim at mukhang babagsak rin ang ulan. Parang nakikidalamhati rin sa mga nangyayari ngayon sa amin.

Hindi ko alam na ganto ang mangyayari ngayon. Gabayan mo kaming lahat bro!

Muli kung pinag masdan ang paligid, Halos hindi ito ang inaasahan ko. Hindi ko inexpect na mag kakaganito ngayon rito. Hanggang ngayon ay hindi parin tumitigil sa pag yanig ang lupa.

Hilong hilo na ako at kanina ko pa gustong matumba, pinipigilan ko lamang dahil may mga taong narito ngayon at nais ko pang matulungan.

Tila mas lalo pa yata itong lumalakas. Shit! Please tama na!

"Marami ng tao ang nawalan ng buhay! Please tama na po! " Sigaw ng isang matandang babae. Umiiyak ito habang hawak hawak ang isang lalaki na naliligo sa sariling dugo. Gusto ko silang lapitan upang tulungan. Kaya lamang ay ayaw parin tumigil ng pag yanig.

Kalaunan ay nabagsakan rin ito ng isang malaking biyak ng parte ng building. Halos manlumo ako sa kinatatayuan ko habang pinag mamasdan ang ka lunos lunos na sinapit nila.

Wala na akong ibang nagawa pa kundi ang umiyak na lamang dahil sa aking mga nakikita. Halos nag kalat narin ang mga dugo sa buong paligid.

Grabe ano ba ang nangyayari.....


@AkdaNiClara

Unexpected Love Quake; Series #4 ✓Where stories live. Discover now