Sakiana
Agad na pumunta ako sa loob ng building. Punong puno ng alikabok at may mga bahagi ng building ang bumagsak sa bawat daan na madaraanan ko. Napakarami din taong sugatan at nakahandusay sa loob ng building. Ang iba ay humihingi pa ng tulong habang ang iba naman ay nag tatangis na lamang sa isang tabi.
Napakarami din tao sa labas ng building. Ang iba ay natatakot na pumasok sa loob. Marami pa kasing nagbabagsakan na mga simento at bakal at bakal
"Tulong!" Sigaw ng isang matandang lalaki. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses nito.
Luminga linga ako upang mahanap kung saang part. Dahil maingay at hindi ko masyado maaninag ang daan. Natatakpan na kase ito ng mga nagbagsakan kanina at alikabok.
"T-Tulong!" Napalingon ako ng marinig muli ang boses nito, Mula pala roon sa isang gilid.
Agad na tumakbo ako papunta roon. isang matandang lalaki ang siyang naabutan ko roon. Nakahandusay ito habang hawak hawak ang isang tungkod.
"P-pakiusap t-tulongan mo ako.... " Nag hihingalo na aniya, Agad na nilapitan ko ito at tinulongang itayo.
Nakakaawa ang kaniyang sitwasyon ng mga oras na iyon. Nag durugo rin ang kaniyang paa."Kaya niyo ho bang tumayo lo?" pagtatanong ko rito habang inaalalayan ito.
Tumango lamang ito.
Inalalayan ko itong tumayo. Pagkatapos ay inakay ko palabas ng building. Mabuti na lamang at may medics na nakaabang sa may exit.
Agad na tinulongan ako ng mga medics para buhatin si lolo. Dinala nila kami sa labas ng building.
"Maraming salamat iha" Aniya na ikinatango ko lamang. Masaya ako na nakatulong ako sa isang tao, Na kanina ay hindi ko magawa. Kinuha na ito ng ambulance kaya naman muli akong bumalik sa loob para hanapin si chazvan.
Nasa kalagitnaan na ako ng pag hahanap ng may marinig ako muling humihinge ng tulong. Hindi ko marinig masyado dahil narin sa ingay. Luminga linga ako at ng mapag tanto ko na nanggagaling ito roon sa isang side ng building na naharangan ng mga bato ay agad na tumakbo ako roon.
"Please! Help us! " Sigaw ng isang lalaking familiar ang boses.
Hindi ko na inintindi pa iyon dahil sa taranta. Agad na kinuha ko ang isang bakal na nasa gilid ko, upang ipang tanggal ng mga bato na humarang.
Dahan dahan kung pinag tatanggal ang mga bato na nakaharang roon. Isang butas ang aking nagawa. Siguro ay mag kakasya na rito ang isang tao.
Sumilip ako roon upang tingnan.
"Hello! May tao ba riyan?! " Sigaw na agad naman may nag response, mula sa kabilang pader.
"Meron! Please help us!" Muling tugon nito.
"Lumusot kayo rito! Dali!" Sigaw ko.
Agad naman nilang sinunod ang iniutos ko at Isa isa nga silang nag si suot roon. Nabigla pa ako ng mapagtanto ko na MEMBER PALA SILA NG CBOYS!
Halos mapanganga pa ako habang nakatingin sa kanila. SHOCKS! Bakit nga ba hindi ko iyon naisip......
Tatlo silang nasa loob Si
SAILEY EVIS SABERRO!
AYRO KICHAN SOLIVER
ELLIE XAIDEN RAFERROOWEMGE! Gusto ko silang yakapin, mag pa picture, kauspin, Halikan este mag pa autograph pala!
Pero alam kong hindi ito ang tamang oras para doon. Nag pasalamat naman sila sa akin at kinuha na sila ng mga medics, Na Injured kase si Ellie at kailangan agad itong ma agapan.
YOU ARE READING
Unexpected Love Quake; Series #4 ✓
Fanfiction~~~ [UNDER EDITING ] Love is made by a person who meets unexpected. Loving you is my protection. meeting you is a nice accident.