Chapter 3' earthquake

90 52 0
                                    

Sakiana

"Balita ko gumuho raw ang building na tinutuluyan ng cboys" wika ng isang babae.

Cboys? Omggg yung hanibanch ko.

"Oo gurl. Tsaka hindi pa raw nakakalabas yung ibang members"

"Sure ako na hindi matutuloy ang concert nila ngayon"

Agad na nagmadali akong mag hanap ng masasakyan. Kaya lamang ay wala akong mahanap dahil narin sa nagkakagulo na ang mga tao.

Nag aalala talaga ako ng sobra. Marinig ko pa lamang ang pangalan niya ay parang bumibilis na ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba.

Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kaniya.

Isang Delivery man ang huminto sa tapat ng building.

Umalis ito at nag tungo sa katabi nitong shop.

Agad na nilapitan ko ang motor bike na gamit niya at sumakay.

Pano ba ito paandarin?

Broommm...  Brommm...  Brommmmnn.

"Hoy ibalik mo iyan!" sigaw ng lalaki na hinahabol pa ako.

"Pasensya na po! Kailangan lang talaga manong!" sigaw ko rito pabalik. Kailangan kong puntahan ngayon si hanibanibanchi ko! Kailangan ko siyang iligtas.

Hindi ko alintana ang pag yanig ng daan, ang nais ko lamang ngayon ay marating ang building kung nasaan ang Cboys, sa daan pa lamang halos mangiyak ngiyak na ako. Kung doon pa nga lang sa aking pinanggalingan ay marami na ang namatay paano pa kaya rito.

Halos lahat ng nadadaanan ko ay may nakahandusay na mga naliligo sa kanilang sariling dugo. Kanina pa mugto ang mga mata ko, hindi ko na nga alam, Kung ano ang itsura ko ngayon. Wala na akong pake alam pa roon ang gusto ko lamang ay makitang ligtas ang taong mahal ko.

Kaya kahit mahirap at alam kung may banta sa buhay ko, Gagawin ko lahat ma i ligtas lamang siya. Ito ang pinangarap ko, siya ang pangarap ko.

Ang hindi ko lamang i nexpect ay sa ganitong paraan ko pa siya makikita. Ano ba naman kaseng tadhana ang ibinigay sa akin ni bro. Kung bakit ba naman sa dinami rami ng pwedeng makasalo ng kamalasan ay ako pa.

Concert na naging bato pa!

At heto ako ngayon nasa kalagitnaan ng Edsa. Binabaybay ang daan patungon sa kaniya. Ang kaligtasan niya ay ang aking kasiyahan.

Luminga linga pa ako sa paligid habang pinag mamasdan ang mga nakahandusay na tao. Hindi ko mabilang sa dami nila. Halos awa na lang ang siyang nararamdaman ko nagyon. Sobrang sakit na ako mismo ay hindi ko magawa ang makatulong.

Ang iba ay namimilipit na sa sakit, ang iba naman ay wala ng buhay. May isang ale pa akong nakita sa isang tabi na humihinge ng tulong pero ng lalapitan ko na ito ay bigla na lamang bumagsak ang isang malaking biyak ng bato na bumagsak sa pagitan naming dalawa.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lamang. Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko. Tila ba hinahadlangan ako ng mundo na makapag ligtas ng buhay ng isang tao.

Tumayo ako at muling sumakay sa motor bike at mabilis itong pinaandar. Unti na lamang at mararating ko na ang building ng cboys..

Imbes na masabik ako dahil makikita ko sila, Tila mas lalo pa yata akong kinabahan sa isiping baka pag dating ko roon ay wala na sila. Kanina pa kumakabog ng malakas ang dibdib ko.

Hindi sa kilig, kundi sa kaba!

Sana ay ayos lamang sila. Owemge! Kanina pa ako hindi mapakali. Halos manginig nginig na nga ang mga kamay ko habang nag mamaneho.

Hindi ito ang pinangarap ko ngayong araw na ito. Hindi ito ang nakaplano sa buhay ko, hindi ito ang ninanais ko, pero bakit ganon! Tila hadlang ang lahat upang makita ko siya!

Gusto kung itanong kung bakit nangyayari ang lahat ng ito?

Siguro nga ay may rason, pero mukhang sobra naman yata. Kailangan ba talagang maraming madamay? Kailangan ba talagang maraming mawalan ng buhay?  Kailangan ba talagang masaksihan ko ang lahat ng ito? Gusto kung itanong ang lahat ng ito..

Kahit na alam ko namang walang nariyan para sagutin ako.....

Muli nanamang umagos ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko ngayon dahil kanina pa mugto ang mga mata ko.

Napagmasdan ko pa ang sarili ko sa isang Glass wall kanina. Gulo gulo na pala ang mga buhok ko at madungis narin ako. Hindi ko alam kung matatawa ako sa sarili ko o maaawa dahil sa mala pulubing itsura ko ngayon.

Muli nanamang pumasok sa isipan ko si Wencia at Enston.

Nasaan na kaya ang Best friend ko! Nag aalala na talaga ako sakanila.... Kanina ko pa sila hindi ma contact huhu sana ay nasa maayos na lugar sila.....Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sakanila.

Papasok pa lang sa parking ng building ay marami na agad akong nakikitang mga nag tatakbohan. Madami rin ang nakahandusay habang naliligo sa kanilang sariling mga dugo.

Halos muli nanamang umusbong ang awa ko ng makita ang mga taong kalunos lunos ang mga sinapit. Ang iba ay humihinge pa ng tulong. May mga medics narin ang nandoroon at inaalalayan ang ibang nakahandusay.

Gusto ko mang tumulong ngunit hindi ko iyon magawa, dahil batid kong nasa panganib rin ngayon ang taong mahal ko. Hindi ko alam kong anong magagawa ko pero susubukan ko.

Unti unti narin ang pag bagsak ng ulan na tila ba nag dadalamhati sa mga nangyayari ngayon. Kasabay ng pag agos ng mga luha sa bawat mata ng mga taong nag tatangis na humahalo sa bawat pag patak at at agos ng malamig na ulan.

Ang mga dugo na  nakabalot sa mga nakahandusay na tao ay unti, unti ng humahalo sa bawat, butil ng tubig  ulan na dumadaloy daan, At sa bawat pag patak ulan tila ba nililinis nito ang mga pangyayaring kasuklam suklam na pawang, pinupunasan ang mga luha ng mga taong nag durusa at umiiyak.

Akala ko ang araw na ito ang siyang pinakamasaya......... Mali... Dahil ito pala ang araw na siyang magiging trauma sa lahat.....

I hate my self for being weak ang makita ang pag durusa ng iba...Ang pinaka masakit na kailanman ay hindi ko matatanggap.

**********


@AkdaNiClara

Unexpected Love Quake; Series #4 ✓Where stories live. Discover now