Ang hirap maging babae, bakit?
Kasi wala ka naman ginagawa, kundi ang maging isang babae lang na malaya,
Pero ito sila, silang mga lalaki na guguluhin ka, magpaparamdam sayo na ikaw ang pinaka magandang babae sa mundo at ikaw lang ang mamahalin niya ng buong buo,Ito silang mga lalaki na sa nanahimik mong buhay, bigla silang papasok at sasabihan ng pwede ba kitang ligawan sa harap ng iyong mga magulang.
At tayo namang mga babae, nahuhulog sa mga sinasabi nila lalo na kung pinapakita at pinaparamdam din nila ung mga lumalabas na bawat salita sa mga bibig nila.
Hanggang sa dumating na sa puntong hulog na hulog na tayong mga babae sa kanila, ngunit sa isang iglap mawawala na lang sila at iiwan na lang tayo na parang hindi nila pinaghirapan ang pagmamahal natin sakanila.
Oo babae ako, pero hindi ako tanga.
Oo babae ako, pero hindi ako dapat nagmamakaawa pa.
Oo babae ako, pero hindi ko dapat sinasayang ung luha ko sa taong...
Minahal ko ng sobra sobra,Pero piniling iwan ako ng basta basta.