Sabi mo...

22 0 0
                                        

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan, ngunit ikaw pa din ang mahal,
Sa loob ng mga araw, linggo, at buwan, ika'y walang paramdam.

Nung unang beses mo akong kausapin pagkatapos ng ating hiwalayan,
Sabi mo, maghintay ako dahil ako pa din ang iyong mahal.

Ako si tanga, naghintay saiyong pagbabalik,
Pagbabalik na akala ko saakin pa din ang iyong pagbalik.

Ngunit isang balita aking nalaman, sa aking pinakamatalik na kaibigan,
Mayroon ka ng bagong kasintahan, sa mga oras na ako ay iyong pinaghihintay.

Masakit, sobrang sakit malaman,
Akala ko, ako pa din ang iyong mahal.
Subalit ako ay nagkamali, ikaw pala'y may iba ng mahal.

Sabi mo, maghintay ako dahil ako pa din ang iyong mahal.
Ngunit sa iyong pagbabalik, iba na ang iyong mahal.

What's on my mindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon