Tama pa ba?

18 0 0
                                    


Tama pa ba, na intayin ka?
Kahit alam kong wala na talaga?

Tama pa ba, na ako ay umasa?
Kahit alam kong ako'y magdudusa?

Oo, alam ko, ako ang dahilan kung ba't tayo nagkaganito.
Ngunit masisisi mo ba ako, kung umaasa pa din ako, umaasang magkakabalikan pa tayo.

Wala akong narinig mula sa labi mo, nahanda ka ng bitawan ako.
Umaasa ako, umaasa akong sasabihin mong
Mahal mo pa din ako.

Ngunit, tama pa ba itong ginagawa kong umasa na babalikan mo ako?

Wala akong narinig mula sayo, kung handa ka na ba talagang bitawan ako.
Hanggang ngayon iniisip ko, kung mahal mo pa ba ako.

Nahihirapan na ako.
Sabihin mo lang, kahit ano, handa ako sa kung ano man ang maririnig ko mula sayo.

Maayos pa ba natin to,
O, tama ng wag na akong umasang babalikan mo ako.

What's on my mindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon