Warning:
[SPG-Do not take this seriously, and 15 below should not adopt this beware.]________________________
"Kanina pa kita hinahanap." Saad niya ng naka ngiti.
Agad akong tumayo at umatras.
Papasok ulit akong canteen pero hinila niya ang buhok ko at ipinasok ako sa abandonadong classroom.
"Aray! Ano ba bitiwan mo ako!" Sigaw ko, pero agad niyang tinakpan ang bunganga ko gamit ang kamay niya.
Nang binitawan niya ang buhok ko ay kinagat ko ang kamay niya at dumako ako sa isa pang pinto para tumakas.
Naiiyak na ako sa takot...
"Sarado yan." Saad niya.
Doon tumulo ng sunod sunod ang luha ko.
Hindi ko na alam ang gagawin ko... paulit ulit nalang... pagod na ako.
"Bakit umiiyak ka?" Tanong niya.
Galit ko siyang tiningnan at lumapit.
Hindi siya natitinag.
"Tingin mo ba bata pa ako? Tingin mo ba isa akong baboy? At bakit ako pa? Gusto kong mabuhay ng naaayon sa gusto ko. Tigilan mo na ako bago kita isumbong kay sister!" Saad ko.
"Isusumbong mo? Ako? Sa sister mong walang pake?" Saad niya.
Patuloy padin sa pagtulo ang luha ko.
"A-anong ibig mong sabihin..." tanong ko.
"Alam nila kung anong ginagawa ko merlia. Alam nila bawat galaw ko, at alam nilang ginagalaw kita." Saad niya habang lumalapit sakin.
Alam nila? Bakit? Ano? Hindi ko maintindihan...
"Naguguluhan ka? Oo merlia. Ikaw ang kabayaran sa mga perang ibinibigay ko sa inyo. Lahat kayo, saakin." Saad niya.
Natulala ako at napaupo nalang sa sahig.
Nagawa ni kaloy ang gusto niyang mangyari.
Unti unti na akong nasasanay.
Unti unti na akong napupuno.
Bakit ginaganito ako ng lahat...
Saan at kanino na ako tatakbo.
Parang inagaw ang buhay na para sakin dapat.
Nandito parin ako sa classroom, tulala at hindi makagalaw.
Naubos na ang luha ko kakaiyak.
Pag akyat ko sa dorm ay may dress sa kama na dapat kong isuot para mamaya.
Tatakas ako ngayong gabi. Tama na siguro ang labing pitong taon na paghihirap ko rito. Sarili ko naman ang uunahin ko.
Agad ako nag bihis at dumako agad sa hall.
Iniisip kung paano makakatakas.
Pero isa lang ang naiisip kong paraan.
Si joshua at john.
Nakarating na ako sa venue.
Nakasoot ako ng pa off shoulder na red dress at tinirintas ko lang ang buhok kong hanggang bewang. Nag soot din ako ng sandals na may kaunting takong.
Hindi na ako nag make up dahil bawal pero sila andrea ay nag make up, kung mag memake up ako ay mas lalong makukuha nito ang atensyon ni kaloy kayat gusto ko siyang maiwasan hanggat maaari.
"Ang ganda mo lia!" Saad ni andrea ng mag kita kami sa catering.
Kumukuha kasi ako ng pagkain.
"Salamat, ang ganda mo rin." Saad ko pabalik.

BINABASA MO ANG
The Orphan
Short StoryThis a story of an orphan woman. Worshiping god means you dont do things that may create your sins, but in this story some may done that. Plagiarism is a crime do not steal someones tale.