Tatlong araw na ang lumipas mula nong party.
Hindi nagpaparamdam si kaloy, hindi ko rin siya nakita nitong mga nakaraang araw.
Dahil don ay masaya ako, nagagawa ko ang mga bagay na gusto ko ng walang pangamba sa paligid. Pero nakakapagtaka kung nasaan siya.
Hindi pa tumatawag si joshua saakin pero ang bilin niya ay hintayin ko ang tawag niya.
Si andrea ay hindi ko masyadong nakakasama, nakasama ko siya nung party pero saglit lang. Tinanong ko si axel kanina kung bakit hindi pinasukan ni andrea ang mga klase pero hindi rin niya alam.
Si sister kaya ang tanungin ko? TAMA.
Dumako agad ako sa hall ng officials.
Pagpasok ko sa hall nila ay sila sister lili at sister flor lang ang naroon.
"Hija, naparito ka? Hindi bat may klase ka?" Tanong ni sister flor.
"Sister.. itatanong ko po sana kung bakit hindi pumasok si andrea?"
Nagkatinginan silang dalawa na ikinabahala ko.
"Ah.. may sakit, Naroon siya sa dorm niya." Saad ni sister.
"Okay po. Salamat po." Saad ko at umalis na.
May sakit? Hindi naman basta basta nagkaka sakit si andrea.
Gusto ko siyang kamustahin pero bawal kaming pumasok sa ibang kwarto, tanging kwarto lamang namin ang pwede naming pasukin.
Pero... kakamustahin kolang naman siya...
Hindi na ako nagdalawang isip pa at umakyat na.
Pagdating ko sa dorm ay napansin kong bukas ang ilaw sa kwarto niya kaya nagmadali na ako.
Ngunit habang mas napapalapit ako sa pinto ng kwarto niya ay may kung ano akong nadidinig...
Parang nahihirapan siya...
"Kaloy! Tama na! Itigil mo na nasasaktan ako! Ugh!!"
Natigilan ako sa paglalakad...
Hindi.. hindi maaari... wag si andrea...
Bakit? Bakit ang kaibigan ko?
Sunod sunod pumatak ang luha ko dahil rinig na rinig ko na ayaw ni andrea ang ginagawa sakanya...
Anong gagawin ko? Andrea...
Ilang saglit pa ay nadinig kong binubuksan ang pinto mula sa labas kaya't nagtago ako sa mesa.
Napansin ko ang soot nito... isa sa mga sister..
"Kaloy? Tapos ka na ba? Handa na ang hapunan mo."
Saad nito na tila walang naririnig mula kay andrea...
Totoo nga ang sinabi niya...
Nang bumukas ang pinto ay bumungad si andrea na walang saplot pang itaas at ibaba, nakahiga sa kama at pansin mong pagod na pagod ito...
Lumabas si kaloy at hinalikan si sister na ikinagulat ko..
"Ikaw naman nagmamadali ka agad, ine enjoy ko panga." Saad nito.
"Halika na." Saad ni sister at lumabas na sila.
Nang makaalis sila ay hindi ako napansin ni andrea, isinara niya ang pinto sa kwarto niya at doon nadinig ko ang lubha niyang pag iyak
Ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo andrea...
Hindi ko lang inakala na pati pala ikaw na nagpapasaya sa akin araw araw ay magagaya saakin...
Umalis ako na parang walang nakita, gusto ko mang samahan siya ngayon pero alam ko ang magiging reaksyon niya pag nakita niya ako roon..
Gusto ko siyang isama sa pagtakas ko, alam kong hirap narin siya kaya't susubukan kong isama siya.
Agad kong tinawagan si joshua sa teleponong ibinigay niya.
Ilang minuto akong naghintay pero walang sumagot.
Ilang tawag pa ang ginawa ko ngunit wala paring sumagot.
"Lia!"
Sa gulat ko kay axel ay nabitawan ko ang telepono at nahulog ito sa hagdan.
Agad ko itong kinuha at ibinulsa.
"May telepono ka?" tanong nito.
umiwas ako sa tanong niya at dumako sa library pero nakasunod parin siya.
"Diba bawal yon?" saad nito
kumuha ako ng ibat ibang libro habang hindi siya pinapansin.
"Lia kausapin mo naman ako, sige ka isusumbong kita" saad nito at ngumisi sakin.
Hindi ko parin siya pinansin at umupo na sa mesa.
"May sikreto ka ano? sabihin mo nalang kasi sakin para hindi kita isumbong." saad pa nito.
"Wala kabang magawa?" saad ko.
nawala ang ngisi niya at ngumuso.
"Bat naman ang sungit mo nagbibiro lang naman ako" sagot nito
Alam kong nagtataka parin siya kung bakit may telepono ako.
"Ang kulit mo kasi axel." saad ko.
"Siguro di ka pa kumakain."
"Hindi pa nga." saad ko
"Sige ikukuha kita hintayin mo ako rito ha." saad nito at umalis na
May tiwala ako sakanya na hindi niya ako isusumbong.
Mahirap pag isinumbong niya ako dahil ikukulong ako ng mga sister sa kwarto kapag nalaman nilang may telepono ako dahil ibig sabihin nito ay may koneksiyon ako sa labas na hindi dapat mangyari.
Pagkarating niya ay may dala siyang kanin at ulam, deretsiyo siyang umupo sa tabi ko.
"kumain kana." saad niya kayat nagsimula na akong kumain habang hindi siya pinapansin
"Gusto mo bang mag kwento kung bakit may telepono ka?" tanong nito.
"Kung ayaw mo ayos lang--"
"Gusto kong tumakas dito axel..." putol ko sa pag sasalita niya
Alam kong mapag kakatiwalaan ko siya dahil sabay kaming lumaki at hindi ko pag sisisihang nakilala ko siya kahit hindi ko siya kadugo.
"Bakit naman? ilang taon nalang naman makakaalis na tayo rito" sagot nito
"Hindi na ako makakapag hintay axel.. kaya sana tulungan mo ako."
"Eh bakit kaba nagmamadali makaalis? mapapahamak kalang lia kaya wag mo tangkain umalis" saad nito
"Mapapahamak? sa tingin mo hindi ko alam ang sasapitin ko kapag tumakas ako? Axel kahit anong pigil mo sakin aalis parin ako rito."
"Kung ganon iiwan mo ako?"
Hindi ako nakasagot dahil totoong iiwan ko siya dito...
"Edi bahala ka.. basta ingatan mo ang sarili mo kahit anong mangyari."
Saad nito at umalis na.
Sunod sunod tumulo ang luha ko na hindi ko napigilan pag alis niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/281433350-288-k853195.jpg)
BINABASA MO ANG
The Orphan
Historia CortaThis a story of an orphan woman. Worshiping god means you dont do things that may create your sins, but in this story some may done that. Plagiarism is a crime do not steal someones tale.