Ang Pulang Luha ni Ava (Part V)

106 5 0
                                    

Gabi na akong nagising dala ng aking pagod sa pagiyak. Mamumula na ang aking balat sa dahil sa init kanina. At nagugutom narin ako. Sana dalhan ako ni inay ng pagkain dito.

"HOY! ANONG GINAGAWA MO DYAN?" tanong sa akin ni tito.

"tito palayaan mo ako dito. parang awa mo na" pagmamakaawa ko

"HAHAHAHAH DI RAW PWEDE EH. KASI KUNG PALALABASIN KITA DYAN DI AKO BIBIGYAN NANG PERA NG IYONG INAY...KAYA PASINSYA NA." biglang umalis si tito sa aking harapan

Naiwan akong mag-isa sa labas ng bahay habang sila tito at inay nasa loob nagpakasasa sa mga bagaybagay.

Ang init-init na dito sa labas magdadapit-tanghali na.

Mag-iisang araw na akong walang kain at halos naaagnas na ang mga laman ni bantay sa aking tabi.

Wala na siguro akong panahon para mangdiri pa. Kaya natitiis ko na ang amoy at baho ni bantay.

Malapit naring matuyo ang mantikang ibinuhos ni nanay sa akin. Mahapdihapdi pa ang mga ito sa namumula kong balat.

Nakita ko si nanay na lumalabas sa bahay.

"Nay, nagugutom na po ako." Halos paiyak kong sigaw habang nakahawak sa tarangkahan ng kulongan ni bantay.

"HUWAG KANG MAINGAY DIYAN ASOL ULOL! AHAHAHA"

Malakas na sagot sa akin ni nanay.

Di na ako makatiis sa aking gutom. Kaya tinignan ko ang kainan ni banta.

Napakabaho at inaamag na ang mga kanin na noong isang araw pa. Pero bakit sinasabihan ako ng isipan ko na.

'Kainin mo na yan. Isipin mo nalang na adobong baboy iyan.'

Bigla kong binuka ang aking bibig at inilapit sa aking mukha ang lalagyan ng pagkain ni bantay. Amoy na amoy ko ang baho ng panis na pagkain At ang mga langgam ay gumapang sa aking mga kamay.

Oo kinain ko ito!

Hanggang sa nalasahan ko ito. Di ko na nakayanan pa ang mag-inarte. Kinain ko ang tira ni bantay.

"HOY PATAY GUTOM!" sigaw sa akin ni nanay

"Bakit mo kinakain ang para sa aso? Aso ka na ba rin?" Patawa niyang wika.

"GUSTO MONG KUMAIN??"

May inabot siyang kung ano at nasa plato ito.

Isang bandihadong mga tira-tira nila tito. Adobong Baboy ang kanilang ulam.

Napahawak ako sa aking pisnge at nilasap ang aking mga kamay sa aking bibig.

"ITO KAININ AT KUNIN MO!"

Inilagay ni nanay ang pagkain sa lupa malapit sa tarangkahan at tama lamang na maabot ko. Dali-dali kong ginapang kamay ko at inabot ang mga tira-tira sa lupa at pilit kong isinubo sa aking bibig. Napakasarap nito.

Pumanhik na si nanay sa loob ng bahay.

Nagpakasasa ako sa tira-tira nila. Wala na akong magawa pa. Isa akong taong aso para sa kanila. Kinain at naubos ko ang mga ito.

At biglang bumuhos ang malakas na ulan. Tumingala ako sa kalangitan at binuka ang aking bibig para masidlan ng tubig at agad-agad  ko itong nilunok. Paulit-ulit kong ginawa iyon hanggang sa ako ay nabusog.

Nabasa na ako ng tuluyan dahil sa ulan. Nakainom na ako nakapagpaligo pa ako. Ang sarap na ng pakiramdam ko ngayon.

Habang pumapatak ang ulan sa taas ng bubong ng kulungan ni bantay. Napapikit ako at inisip na lamang ang lahat-lahat ng mga magagandang alaala sa akin ng aking ama noong nandito pa siya. Magkasama kaming tatlo nila nanay na namamasyal sa parke, sabaysabay na nagsisimba at sabaysaby na kumakain sa hapag. Wala na talagang mas sasaya pa sa mga oras na iyon. Ako na ang pinakamaswerteng bata sa buong mundo. Pero bakit nagkaganito kami ngayon? Kabaliktaran ng aking naaalala.

Ang Pulang Luha ni AvaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon