Narinig ko na lamang ang pagputok ng baril.
Pagdilat ko ay nakita ko ang tito na nakahiga na sa sahig butas ang kaniyang ulo.
Di ako makagalaw at makapaniwala sa aking nakikita ngayon! Sanay panaginip lamang ang lahat ng mga ito.
"NAAAAAAAAYYYYY!" Sigaw ko habang akap-akap ko ang aking nanay.
Naririnig ko na ang mga tunog ng mga pulis ilang segundo pa ay binuksan na nila ang aming pintuan. Nakita ko sila na may dala-dalang mga baril.
Hindi ko na kaya. Tama na siguro ang mga nakita ko ngayong araw na ito. Tama na. Hindi ko na kaya pa.
Nawalan na ako ng malay....
Makalipas ang isang linggo. Nailibing na ang mga katawan nila nanay at tito.
Ako na lamang mag-isa ang nasa bahay ngayon. Di ko alam ang gagawin ko di ko alam kung saan ako pupunta, at di ko alam kung sino makakatulong sa akin ngayon.
"Diyos, kung ikaw ay totoo sanay bumaba ka rito at tulungan mo ako."
Wala akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Halos araw-araw ay yun lang ang aking ginagawa. Wala na akong kakilala at mga kalapit na kamag-anak dito.
"Diyos sana ay ako na lamang ang kinuha ninyo sa mga oras na iyon para di ko na maranasan pa ang mga nararanasan ko ngayon. Hindi ko na kaya. MAlapit na akong sumuko. Sana namay tulungan mo ako sa desisyon kong gagawin."
Matapos ng aking mahabang pag-iisip at nakabuo na ako nga desisyon.
Umalis ako sa bahay na walang dala kundi ang mga sama ng loob at ang mga pait na aking nararanasan sa tanang buhay ko. Hindi ko na kasi alam at kaya eh. ANg sakit at mga bagay na hindi ko natikman sa aking pagkabuhay. Lahat yun nawala na sa akin lahat yun pinagkait sa akin.
"SINO BA ANG IBA KONG SISISIHIN DIBA IKAW LANG? YUNG TINATAWAG NILANG DIYOS? DIYOS KA NGA BA TALAGA? O SADYANG DIYOSDIYOSAN KA LANG? KUNG IKAW AY TOTOO BAKIT MO AKO HINAYAANG MAGKAGANITO? BAKIT MO AKO PINAGKAITAN NG MGA BAGAY-BAGAY NA HINAHANGGAD KO? BAKIT DI MO AKO BINIGYAN NG MGA GNITO, GANYAN, AT ITO? BAKIT? MAY KSALANAN BA AKONG NAGAWA SA INYO KAYA'T PINAPARUSAHAN NINYO AKO NG GANITO?"
"KUNG IKAW ANG DIYOS BAKIT NAPAKARAMOT MO? BAKIT NAPAKA-UNFAIR MO?"
"BAKIT? BAKIT?"
"SUMAGOT KANG DIYOS KA! SUMAGOT KA!"
Paiyak kong sigaw habang nasa gitna ako ng tulay. Handa na ako sa aking gagawin.
"KUNG HINDI MO AKO KAYANG PATAYIN ... PWESSS AKO NA ANG GAGAWA NG AKING KAMATAYAN!"
Tumalon na ako sa tulay. Naramdaman ko na lamang ang tubig sa aking paa na bilis kong naramdaman sa buo kong katawan. Di ako magalaw sa aking pagtalon napakalakas na ng agos ng tubig.
Di na ako makahinga pa sa dami ng tubig na aking nainom. Hanggang sa aking ipinikit ang aking mga mata at hinayaan na ang tubig na ako ay dalhin na sa kinailaliman ng sapa.
At handa na akong mamatay...
--------
"Anak! narito ka na!" Sabi ng isang lalaki pero di ko maaninag ang pagmumukha niya kasi nakasoot siya ng puti na damit eh.
"Sino po kayo ? at nasaan po ako?" pagtatanong ko sa kaniya
"Anak di mo ba ako naalala?" Nng nakita ko na ang mukha ng lalaking nakaputi parang bigla akong nabuhayan ng dugo at parang ang sayasaya ko sa mga panahon na ito. Lahat ng aking paghihinagpis at mga kasakitan sa aking buhay ay tila nawala ng makita ko ang aking tatay na gustong-gustong umkap sa akin.
"Tatay ! " Napaiyaka ako habang tumatakbo papunta sa kaniya.
"Tay bakit ngayon ka lang? bakit ? Ang tagal ko ng hinintay ang pagkakataong mangyari ulit ito." Sabi ko habang umiiyak sa kaniyang dibdib.
"Nak. Ava . patawarin mo ang tatay kung wala ako sa tabi mo noong kailangan mo ako kasi may mga bagay talaga na dapat mong iwan para lumigaya ang taong mahal mo." PAgpapaliwanag niya
"Pero bakit nyo p kami iniwan ni nanay?"
"Anak mahabang kwento. Nalaman kasi ng nanay mo na may anak ako sa iba bago pa noong ikaw ay isinilang. Hindi matanggap ng iyong nanay na may nauna na pala sa kaniya. Akala niya siya ang una kong minahal kaya't pinalayas niya ako sa bahay natin. Pero anak alam mo ba, walang araw na di ako pumupunta sa bahay niyo. Tinitignan kita habang ng lalaro kayo ni bantay sa may gate. Gusto kitang malapitan pero natatakot ako. NADUWAG ako anak eh. Sana patawarin mo si tatay." sabi ni tatay
"Pero bakit ka naduwag diba mahal mo naman kami ni nanay, dapat ipaglaban mo kami tay" sabi ko naman
"Minsan kasi anak, may mga pagkakataong hahayaan mo nalang na ikaw ang masaktan kesa makita ang iyong mga minamahal na nasasaktan. LAhat ng pasakit at mga paghihinagpis ng kalungkutan na di kayo kasama ay aking tiniis para lang sa inyo anak." Napaluhang sagot ni tatay
"Pero anak ito ang palagi mong iisipin na mahal na mahal kita kahit na ano pang mangyari sa iyo . Lagi mong isipin na naririto lang ako sa puso mo at di ko hahayaang masaktan kapang uli. Yan ang palagi mong tandaan anak."
BAkit parang iba ang tuno ng pananalita ni tatay sa akin. Parang may mga kahulugan?
"Tay? ano po ang ibig yung sabihin? bakit ko pa po iisipin yun eh kung nandito naman ako na kasama mo. Magkasama na tayo tay." Pagtatanong ko
"Anak marami ka pang dapat na maintindihan sa mundo. Marami ka pang bagay na dapat malaman at marami pang tao ang nangangailangan sa iyo doon." Sabi niya
"Ha? ayaw ko na pong bumalik doon tay! Ayaw ko na po!" Paiyak kong tugon.
"Anak, dapat ka ng bumalik. Basta lagi mong tatandaan ang mga sinabi ni tatay ha. MAHAL NA MAHALK KITA ANAK"
Bumitaw na siya sa pagkakaakap sa akin.
"TAAYYYYY!!!"
BINABASA MO ANG
Ang Pulang Luha ni Ava
Cerita Pendek"Ano nga ba ang tunay na kulay ng luha ... Puti? Asul? o Pula?" -Ava Ang kwentong ito ang magpapatunay nang tunay na kulay ng luha ng tao. Isinulat ni ChalkCrusher** Ang mga susunod na bahagi ay rated SPG** Patnubay ng isip ang kailangan.. :)