Ang Pulang Luha ni Ava (Part IV)

119 7 1
                                    

Nagising na lamang ako sa sigaw na aking narinig.

SAAN AKO?

"AVA.. buti naman gising kana. 3 araw kanang tulog eh." Sabi ng isang babae na nakaupo malapit sa akin.

"Sino ka?" at tanong ko.

Ha?? 3 araw na akong tulog? so halos 5 araw na akong wala sa bahay. Nag-aalala na talaga si inay sa akin ngayon.  Aamak akong tumayo pero pinigilan ako ng babae.

"Oh wag ka munang tumayo.     Ako nga pala si Beth" Habang inalalayan niya ako sa paghiga.

Ang sakit parin ng buo kong katawan. Parang lahat ay namamaga.

"Nandito ka ngayon sa simbahan namin. Nakita ka namin doon sa may kanal malapit dyan sa labas. Kinuha ka namin akala naman patay kana. Pero sa awa ng Diyos buhay kapa." Nakangiti niyang sabi sa akin

Naalala ko na. Nong nasa malalim na kanal ako. Tinapon ako ni Caleb doon.

"Ano bang nagyari sa iyo Ava?" Tanong niya sa akin.

Bakit alam niya ang pangalan ko? Baka nakita niya sa id ko.

ANONG NANGYARI SA AKIN? SAAN DOON? KAY CALEB?

Bigla kong na aalala ang sinabi sa akin ni Caleb.

"Kung ikaw ay mabubuhay man wag na wag kang magsasalita tungkol sa nangyari sayo kundi Lagot sa akin ang inay at tito mo"

Kung magsasalita ak siguradong sasaktan niya si inay,itay at tito.

"Okay lang Ava. kung di mo muna sasabihin sa akin. Saan kaba nakatira? kasi di ko masyadong nabasa ang nasa id mo kasi nabasa ito ng tubig." Pagpapaliwanag niya

"Taga San Agustin po ako" Sagot ko

"Ha? ang layo mo naman pala." Pagtataka niyang sabi

"Saan po ba ako ngayon?" pagaalala kong tanong

"Nasa Poblacion ka ngayon Ava. Nasa 3 bayan bago makarating sa inyo Ava." Sabi niya

Ano ganito kalayo ako dinala ni Caleb? Demonyo talaga siya.

"Ahh kung ganoon po. Wag niyo po sanang masamain kung aalis na ako ngayon'" Sabay dahandahan kong pagupo sa kama.

"Okay lang naman sa amin pero mag-almusal ka muna Ava. Halika" Pag-aalok niya.

Pumunta kami sa isang malaking silid. Napakalaki talaga at parang pwedeng mapaglaruan ng maraming bata. Pagkapasok namin sa isang pintuan. May nakita akong mga tao na nag-aalmusal kadalasan sa kanila ay mga dalaga't binatilyo.

"Magandang Umaga Ava!" bati nila sa akin

"Magandang Umaga din" Bati ko naman

"Dito ka na umupo Ava oh!" pag-aalok ng isang babae sa akin at umupo naman ako sa tabi niya. Gutm na gutom na ako sa mga panahong ito. Kaya marami ang nakain kong pagkain. Halos makaubos ako ng 4 na platong kanin. Ganon ako ka gutom.

Pagkatapos ay inihatid na nila ako sa tapat ng kanilang simbahan. At inalok nila ako na ihahatid na ako sa aming bahay. Di ko naman tinangihan ang kanilang alok. Inihatid nila ako.

Habang nasa byahe kami. Napaisip ako kina inay at tito na lubos nang naghihintay at nag-aalala sa aking di paguwi ng 5 araw. Siguro maiintiindihan namn nila ang nagnyari sa akin. Pero paano ko sasabihin?

AHHH bahala na .. Sabik akong mayakap ang inay. Sabik akong marinig ang mga katangang 'miss na miss na kita anak'.

.....

ANg bilis ng oras at nakaiglip ako. Pagkagising ko namataan kong malapit na kami sa lugar namin. Itnuro ko nalang kung saan dadaan at saan liliko. Pagkadating namin sa tapat ng bahay namin. Nakita ko si inay.

"Nay.. nandito na po ako.." Patakabo kong sabi kay nanay sabay yakap sa kanya.

SARAP TALAGA SA PAKIRAMDAM ANG YAKAP NG ISANG INA.

"Saan ka ba nanggaling?" Tanong na may halong pag-aalala ni inay sa akin.

"Doon po sa Poblacion nay. At sila po ang tumulong sa akin." Sabay turo ko kina Tita Beth na nasa kalsada pa.

Lumapit si inay sa kanila. Nagpasalamat ata. At biglang umalis agad sila tita Beth. Bakit bigla silang umalis?  baka may gagawin pa silang importante.

Pumanhik si inay sa bahay.

Pumasok ako na may ngiti sa aking mga labi.

"GAGO KA PALANG BATA KA EH! MAGSISINUNGALING KA NALANG NANDADAMAY KAPA NG IBANG TAO! WALANG HIYA KA TALAGA!" Hinawakan ni inay ang buo kong buhk ng buo niyang pwersa.

"Nay di po ako nagsisinungaling!" sabat ko

"Ngayon marunong kanang sumabat ha! halika dito! Kinuyog ako ni inay sa lugar ni bantay.

Pinasok niya ako sa kulungan ni bantay na naagnas na... Bakit anong nangyari sa kanya?

"SIGURO KAYA DINALA MO YUN SILA DITO KASI LALAYAS KA! MAGSUSUMBONG KA SA KANILA SA AMING PINAGGAGAWA SA IYO DITO. KAYA PARA DI KA MAKAPAGSUMBONG SA KANILA DIYAN KA LAMANG!" galit na galit na pagkakasabi ni inay sa akin

Itinulak ni inay angkulungan ni bantay sa gitna. Tamang matatamaan ng sikat ng araw. Ang init-init ngayon tanghaling tanghali pa.

"Nay ano bang nagawa ko?" Paiyak kong tanong

"ANONG NAGAWA MO? ANG NAGAWA MO AY NABUHAY KAPA . MASAYA NA SANA KAMI NG TITO MO NONG WALA KA. BAT KAPA BUMALIK" sabay hagis sa aking ng isang bag ng mantika.

"NAY...... WAG NYO PO ITONG GAWIN SA AKIN... NAYYY" habang inaalog ko ang kulungan ni bantay.

Habang tumatagal lalong umiinit ang aking balat dala sa mantika na ibinuhos sa akin ni inay at kasabay pa nito ang init ng sinag ng araw na direktang tumatama sa aking balat. Di ko na napansin ang baho ng naaagnas na bangkay ni bantay sa tabi ko.

ANO BA TALAGA ANG PAGKAKAMALI KO?

 -----------

ABANGAN ANG PAINIT NA PAINIT NA KABANATA SA BUHAY NI AVA ..

Hit the comment and vote..

ThankYou

ChalkCrusher2015

Ang Pulang Luha ni AvaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon