Ang Pulang Luha ni Ava (Part XI)

126 5 1
                                    

Nagising ulit ako sa aking pagkakatulog.

BAKIT PA AKO NABUHAY?

BAKIT KO PA DAPAT MAINTINDIHAN ANG MGA BAGAY BAGAY?

BAKIT KAILANGAN PA AKO NG MGA TAO?

BAKIT ? AYAW KO NA EH. GUSTO KO NANG MAMATAY.

Umiyak ako habang nagahiga.

"Ava? Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ng isang babae parang namumukhaan ko siya.

Siya yung taong huling tumulong sa akin noong itinapon ako ni Caleb sa isang kanal.

Yumakap ako sa kanya at ibinuhos ko ang lahat-lahat kong hinanakit sa aking loob.

"Okay lang yun Ava. Kung gusto mo di ka nalang sa amin tutulongan ka naming makalimot ng iyong napakapangit na kahapon at babagohin natin iyon sa napakagandang ngayon at sa hinaharap." Ngiting sabi sa akin ni Ptra. Ann

-------

Mabilis ang pagrecover ko at mabilis din ang paghilom ng aking mga sugat. Nagpapasalamat ako sa mga buhay nila Ptra.Ann na walang sawang sinusuportahan ako sa aking pagbabago.

Minsan naiisip ko na lamang na ang aking pinagdaanan. Napapaiyak ako pero sa pag-iyak ko ay inaalis ko na ang mga pulang luha na aking iniluluha noon. Napalitan na ito ng puting luha ngayon.

-------

Makalipas ang 10 taong ...

Isang araw, Agosto 12, 2014

Habang naglalakad ako sa may parke kasama ang aking mga kasamahan. May nakita akong pamilyar na lalaki. Ang lalaking gumahasa sa akin noong ako ay dalaga pa lamang. Napakasakit ng puso ko ng makita ko siya. Pero dapat ko itong gawin dapat ay malaman niya ang sasabihin ko.

Humakbang ako papalapit sa kanya. Di siya nagtaka at tumabi ako sa tabi niya. Nagsimula akong magpakilala sa kanya. Di niya ata ako nakikilala. Nag-usap kami hanggang sa pinunto ko na ang nais kong sabihin sa kanya.

"Kilala mo ba ang Diyos?" Tanong ko sa kaniya.

Matagal bago siya nakasagot.

"Hindi..."

"Alam mo bang may Diyos?"

"Oo"

"Alam kong may mga bagay na alam nating mga tao pero di natin pinaniniwalaan. Minsan nga sa buhay ko noong dalaga pa ako. MAY DIYOS BANG TALAGA? kasi napakapangit talaga ng buhay ko noong una. Minsan nagbibingibingihan at nagbubulagbulagan tayo sa mga gawa ng Diyos sa ating mga buhay. Minsan di natin alam na ibinigay niya na pala ang matagal nating inaasam, minsan nahuhuli pero alam niya kung kilan at papaano niya ito maibibigay. Minsan nga binibigyan niya tayo ng mga pagsubok para malaman na kung karapatdapat ba tayo sa ating hiningi sa kaniya. Minsa di na tayo humingi sa kanya kasi ang akala natin pianabayaan na niya tayo. Pero alam mo bang maswerte parin tayo ngayon? Kasi buhay pa tayo. May pagkakataon pa tayong bumalik muli sa tawag ng Diyos sa atin."

Habang nagsasalita ako ng mga salita ng Diyos di ko maiwasang maiyak din. Sa lahat ng aking pinagdaanan noon.

"Minsan hindi ang Diyos ang Selfish at Unfair kundi tayo. Kasi puro sarili lang natin ang ating inaalala walang Siya. Minsan tayong mga tao pa ang may ganang tanungin ang Diyos bakit niya tayo iniwan, bakit niya ipinadama sa atin ang mga ito, at bakit pa tayo na buhay. MInsa ganyan tayo sa ating Diyos." Sabi ko

Umiyak siya sa pagkakataong ito. Alam kong kinakausap siya ng banal na espiritu.

"Kayat ang ating ginagawa ay  ang magpakamatay o pumatay. Gumawa ng mga bagay na di loob ng Diyos sa atin. Mga kasalanan na nagpapalayo sa atin mula sa Diyos. Pero kahit na ganon tayo sa ating Diyos. Pinapatawad niya parin tayo. Kasi mahal niya tayo. Kasi nais niyang gumanda ang mga buhay natin, Kasi gusto niya na tayo mismo ang tumawag sa kanya. at kasi gusto niya na tayo ay bumalik sa kaniyang piling.HANDA ANG DIYOS NA MAGPATAWAD SA ATIN KUNG SIYAY HAHANAPIN NATIN.HANDA NIYANG IBINIGAY ANG KANIYANG ANAK NA SI HESU-KRISTO PARA TAYO AY MATUBOS MULA SA ATING MGA KASALANAN."

Ang Pulang Luha ni AvaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon